Ilang araw na ang lumipas at hindi na ulit lumalapit yung damuho yun sakin. Pero may mga pagkakataon na nagkikita kami sa school pero hanggang sa tingin lang kasi kasama niya yung mga barkada niya. Di ko naman din siya papansinin.
Ang nakakapagtataka lang sakin nung mga netong nakaraang araw may mga sari-saring condom na napupunta sa locker ko. Hindi naman ito basurahan at lalong hindi nilalagyan ng supplies pero bakit andito sa locker ko. Hindi pa naman nabubuksan o nagamit yung mga yun. Kung sino man ang naglalagay nun sana ay maputulan na siya na ari niya.
Kasalukuyan akong nasa library ngayon at may hinahanap na libro dito sa shelves at nahanap ko naman kaya kinuha ko ito at akmang bubuksan ko na ng may kumuha.
"Ano ba?" Napaangat naman ako sa mukha nito. Ang tigas ng dahumong ito, akala ko din na niya ako gugulohin pa.
"Hi? Parang busy ka ah." Sabi niya sabay buklat sa libro na parang cool tingnan.
"Edi ikaw na magbasa." Sabi ko sabay hanap ulit sa shelves. Bigla naman itong lumapit sa kilid ko.
"Miss na kita." Bulong niya sa akin. Napatindig naman ang balahibo ko.
"Pinagsasabi mo? Lumayo ka nga. Bawal ang maingay dito." Sabi ko sa kanya sabay agaw sa kanya ng libro kasi diko na makita ung ibang kaparehas nito pero di ko na nagawa kasi itinaas niya lang ito.
"Abotin mo muna." Sabay smirk. Sa tingin niya eh maabot ko siya? Mas mataas pa nga siya sakin eh.
"Please, pati ba naman dito?" Nakatitig lang siya sa akin. Kulay brown pala yung mata niya, ngayon ko lang napansin.
"Alam mo? May hitsura ka naman eh. Pwede ng pagtiyagaan kaso playing hard to get ka." Nainsulto naman ako sa sinabi niya. Anong akala niya sa akin?
"Kung wala ka man lang ibang sasabihin pwede ba kunin ko na yung libro na kinuha mo?" halos giit kong sabi sakanya.
"Sabi ko nga, abotin mo at tingnan natin kung makuha mo to." Sabay taas baba ng kilay. Kaya walang sabi-sabing tinapakan ko yung paa niya na sobrang lakas. Kaya napahiyaw siya sa sakit kaya may chance na akong kinuha sa kanya yung libro.
"Fvck it hurts!" sabi niya ng masamang nakatingin sa akin.
"Anong nangyayari dito Arah?" sabi ng librarian o mas kilala bilang Mam Vivian at lumapit sa amin. Kilala na ako neto kasi suki ako sa library. Kinabahan naman ako at baka maka ban pa ako ng wala sa oras.
"Ahm w-wala po mam. May sugat po kasi yung paa niya kaya ayun biglang sumakit" okay I lied. Tinapunan ko naman ng tingin ang mokong para magtanong "Okay ka lang ba?" Alangan naman at sabihin ko yung totoo?
"Oh sige. Dalhin mo nalang siya sa clinic at baka mapaano pa siya dito." What? NOOOOOOO!
Wala na akong choice kundi samahan ang mokong nato sa clinic at paika-ika pang lumakad habang nakaakbay sakin. Aba'y kasalanan niya yun kung bakit nagawa kong tapakan yung paa niya. Nakahiga na siya sa infirmary bed habang hinihintay yung nurse. Ang OA niya. Parang tadyak lang eh. Kanina ko pang napansin na nakatingin siya sa akin ng seryoso
"Oh? Anong tinitingin tingin mo diyan?!" sabi ko. Sumimangot naman yung mukha niya unggoy.
"Ikaw pa ang may kasalanan ikaw pa ang may ganang magalit?"
"Eh sino ba ang nauna? Tsaka pasalamat ka nga at sinamahan kita dito." Naiinis na talaga ako sakanya.
"Sige salamat ha?" sarkastiko niyang sabi. "Wag kang mag-alala kasi bilang nalang yung mga araw mo."
"As if naman at maniniwala pa ako sayo?" sabi ko at akmang tatayo ng hilahin niya ako sa pulso at pinahiga at kinaibubuwan ako.
"Ano ba! Umalis k---" bigla nalang niya akong hinalikan ng marahas. Hinawakan niya yung mukha ko.
"Ummphhh!!! Tulong---" pinaghahampas ko yung dibdib niya at iniiwas iwas ko yung mga labi ko sa kanya. Pinaharap naman niya yung mukha ko para hindi makaiwas at sinubukang ipasok ang dila kaya agad kong kinagat yung labi niya. Alam kong nagdugo na yon kasi nalalasahan ko pero parang wala lang sa kanya at tingin ko mas ginaganahan pa siya at di nagpatinag.
Kinabahan na ako dito parang sasabog na yung puso ko sa takot at baka saan pa mapunta ito. May narinig akong pag bukas ng pinto pero di makikita yung hinihigaan ko kasi natatakpan ng tela. Dali-dali ko siyang sinuntok sa mukha at natinag naman kaya bumangon ako at lumayo sa kanya.
"Wew. I didn't know you like rough", sabi niya sabay punas sa nagdurugong labi at tiningnan ang kamay niya "okay, kung yan ang gusto mo pagbibigyan kita sa susunod" tila nandiri naman ako sa mga salitang yun
"Walang hiya ka! Napakabastos mo!" nakangisi lang siya sakin ng sinabi ko iyon at dinalaan yung dugo sa kamay habang nakatingin sakin tsaka umiwas naman ako at inayos yung salamin na halos masira na.
May narinig akong dahan dahan lumakad papalapit sa pwesto namin at...
"Anong nangyayari dito?" sabi ng nurse ng binuksan yung tela kaya nagulat ako.
"Nah. We're just having a little fun misunderstanding here between couples." Sabi niya sa nurse. Wow, ang kapal ng apog niyang magsinungaling? At teka? Couples? Ulol niya!
"Okay but I don't think so, pero sana wag naman dito Mr. Villarama. May hotel naman o di kaya sa bahay niyo." Sabi ng nurse ng nakangisi sa kanya. Di naman ako makapaniwala sa sinabi ng nurse at nakisabay pa siya sa trip ng mokong nato.
"Ah yeah yeah... I'll take that suggestion next time." At tumingin ito sa akin. Hayop siya. Sa tingin niya hindi ko siya isusumbong sa student affairs at Human Rights.
"Magsama kayo!" Sabi ko at sabay alis.
Grabe tong araw nato. Di ako makapaniwala sa nangyari. Muntikan na yon ah... Di ko talaga alam ang gagawin ko kapag may masamang mangyayari sa akin. May pangarap pa ako sa buhay ayoko pang masira ito. Paano nalang ung mga taong umaasa sa kin lalo na sa pamilya ko. At ayokong isusuko tong perlas ko ng basta basta lalong lalo na sa hayop na yon. Di ko na talaga siya papansinin pa. Sana hindi na siya magpakita sa akin kahit kailan.
BINABASA MO ANG
His Savage Love
RomanceClara Ysabelle Fuentes is just a simple commoner with a breathe-taking beauty who hides her face in a thick eyeglass. She used to live her life being contented and at peace not until he met this arrogant jerk badass boy name Gregorio Villarama who l...