Althea's POV
3 years later
"Wahh!! Gutom na ako" sigaw ko nung lumabas na yung teacher namin sa Architecture. Tumayo na ako at lumabas nung nakita ko si Princess na naghihintay sa akin sa labas ng room.
This is my first year in college and I am pursuing my childhood dream, which is Architecture.
I really don't know why I love this course, it's just that everytime na makakita ako ng mga magagandang building or houses ay para bang na eexcite ako.
"Tara kain na lang tayo. Bilisan mo na dyan baka mahaba na yung pila sa canteen ngayon" ani ni Princess
Nagsimula na kaming maglakad. "Ayoko ng kumain dyan sa canteen nakakaumay na yung mga pagkain dyan ehh"angal ko kay Princess sabay hatak sa kanua papuntang gate.
"Ang arte mo. Alam mo ba yun?" Si Princess sabay irap sa akin
"Maarte na kung maarte basta ayoko nang kumain dyan. Nakakasawa kaya yung mga pagkain dyan pa ulit ulit na lang yung mga tinitinda nila" angal ko naman
"Ehh saan mo ba gustong kumain?" Tanong niya sa akin habang hinihila ko siya
Nagrereklamo pa talaga tong babaeng ito ehh sasama rin naman pala
"Nag cacrave ako ng kwek-kwek at fishball"sagot ko habang nag dadaydream ng mga street foods
"Crave-crave ka dyan. Ano ka buntis?" Inirapn na naman ako ng bruha. Pag talaga hindi na bumalik sa normal yang mata niya ewan ko na lang talaga sa kanya.
"Tcchh, tumahimik ka na nga lang dyan"-ako
Lumabas kami ng University at pumunta sa May plaza para bumili ng street foods. Ito yung isa sa rason kung bakit ko napiling dito mag aral ehh. Malapit lang kasi sa plaza yung University namin tapos marami pang nagtitinda ng mga pagkain sa plaza kaya favorite ko talagang dito tumambay
Pagdating namin ay nag order agad kami ng fishball, kwek-kwek, atsaka kikyam. Dinamihan namin ng kain kasi baka late na kaming palabasin ng prof mamaya.
Kumakain ako ng biglang may tinanong sa akin si Princess.
"Kailan mo kaya ulit makikita yung crush mo no?"tanong niya sakin sabay subo ng dalawang piraso ng fishball. Patay gutom din tong isang to ehh
Nabilaukan naman ako sa tanong niya. Uminom muna ako ng gulaman bago ko siya sinagot
"Anong crush ang pinagsasabi mo?Atsaka sino naman yung crush ko huh? Kung ano ano na yang pumapasok sa isip mo huh" sagot ko sakanya sabay amba ng isang suntok
Umilag naman yung bruha habang tumatawa. Inirapan ko na lang siya at kumain na lang dahil gutom na talaga ako.
"Yung pogi na nakita natin 3 years ago! Yung sa bangka! Yung time na nag bakasyon tayo kasama ang pamilya mo!" Sigaw niya na para bang ang saya niya. Kung hindi ko lang talaga kaibigan to matagal ko na tong iniwan dito sa plaza. Ang ingay kasi ehh parang naka lunok ng speaker
"Anong pinagsasabi mo dyan? Hoy for your information matagal na yun no! Ni hindi ko nga yun kilala. At pwede ba hinaan mo yang boses mo, ang ingay mo kaya. Nakakahiya kang kasama" ako
"Hoy for your information din, hindi ko kaya gustong sumama dito kaso pinilit mo ako kaya ako nandito ngayon. Duhh ikaw kaya tung humila sa akin papunta dito" ani ni Princess at tinarayan pa ako.
"Tumahimik ka na nga lang dyan. Wag kang mag alala ililibre naman kita kaya wag ka nang sumigaw dyan. Para ka namang premature na baby" agap ko sa sasabihin ni Princess
BINABASA MO ANG
HACIENDA SERIES #1: The Runway
FanfictionOur love is a runway and I am a supermodel This is Althea Kay Neis Cepe walking in a runway...