Althea's POV
Pumasok na kami sa resto dahil medyo mainit din sa labas. Sinalubong kami ni ate sa labas. Medyo nagulat siya nung makita niya ako kasama si Kuya Pogi.
"Anong ginagawa mo dito? Diba mag klase ka pa? Nag cutting ka no? Susumbong kita kay Papa" tanong niya na may dalang banta. Akala niya naman hindi niya to gawain dati. Tsskk
"Hala hindi oii. Wala yung prof namin sa susunod na project kaya sumama ako sa kanya tutal papunta na naman ako dito" pagdadahilan ko. Kumurap-kurap ako kay ate para sabihing makisakay na lang siya sa mga ginagawa ko
Tinaasan niya ako ng kilay dahil hindi niya naintindihan yung gusto kong sabihin. Lumapit ako sa kanya para bulungan siya
"Supportahan mo na ako dito. Siya kasi yung pogi dun sa bangka, nung nagbakasyon tayo three years ago." Bulong ko sa kanya para hindi mrining ni Kuya Pogi yung pinaguusapan namin
Nakuha naman niya yung sinabi ko kaya ngumiti na lang siya kay Kuya Pogi para ma entertain na niya ito. Expected client niya daw to ehh.
"Uhmm... Hi Sir! Please have a seat please. What do you want Sir? Coffee or juice?"tanong ni ate sa kanya.
Pumunta muna akong counter para kumuha nang pagkain. Kakain muna ulit ako kasi baka maka istorbo pa ako sa kanila ehh
" I prefer juice, thank you" sagot niya kay ate. Tinawag naman ni Ate si Kuya Mark para kunin yung order nila.
"Mark, isang juice nga atsaka lagyan mo na rin ng cake yung order namin. Juice na lang din yung akin. Thank you" bigay ni ate sa order nila
Naka tingin lang ako sa kanila habang kumakain. Susulitin ko na to baka kasi hindi ko na ulit makikita si Kuya Pogi ehh
Nung nakabalik na si Kuya Mark sa counter ay lumapit ako sa kanya para tanungin siya kung kilala niya ba yung kausap ng ate ko
"Psst Kuya Mark. Kilala mo po ba yung kausap ni ate?" Pabulong ko na tanong sa kanya. Mahirap na baka kasi marinig nila ate yung bulungan namin dito eh
"Ahh di ko din po alam kung anong pangalan niyan eh. Pero ang alam ko is yung tatay niyan ay isa siya sa mga business partner ng ate mo." Sagot ni Kuya Mark sa tanong ko
"Pero Kuya alam niyo po ba kung ano ang business nila?"tanong ko ulit kay Kuya Mark habang siya ay naghuhugas ng pinggan sa may lababo.
"Hindi ko din alam eh. Tanungin mo na lang yung ate mo pagkatapos niyang kausapin yan."sagot niya sakin
"Ahh okay. Thank you po"pagpapa salamat ko sa kanya. Sinagot niya pa rin kasi ako kahit may ginagawa siya.
"Teka nga Maam. Bakit ka ba tanong ng tanong tungkol dyan sa lalaki na yan? Crush mo yan no? Ayiee lumalandi na si Maam" Si Kuya Mark habang naka ngisi na nakatingin sa akin. Ito na naman siya sa mga patukso-tukso niya. Ampp
"Luhh hindi ko crush yan oii. Curious lang ako pero di ko yan crush... pero parang ganun na nga hahahah. Ang pogi kasi Kuya ehh" pag amin ko. Kasi kapag si Kuya Mark na yung nanunukso sa akin ay hindi na niya talaga ako titigilan hanggang sa umamin ako.
Close kami niyan ni Kuya Mark dahil matagal na rin siyang nagtatrabaho dito sa restaurant ni ate. Parang Totoong Kuya ko na nga yan ehh. Wala kasi akong kapatid na lalaki. Dalawa lang kasi kami tapos puro pa kami babae
Tumawa lang si Kuya sa sinagot ko.
Ilang minuto ang lumipas ay lumapit si ate sa may counter para kunin yung mga papeles dun sa drawer
Nung nakalapit na siya ay tinanong ko agad siya kung ano ang pangalan ni Kuya Pogi. Inismiran muna niya ako bago niya sinagot yung tanong ko habang hinahanap parin yung papeles.
"Zachary Nicholas. Hindi ko alam yung age.4th year college. Soon to be pilot. Nag iisang anak nung may ari ng NA, short for Nicholas Airlines. Sa San Carlos nag aaral yan. Yun lang yung alam ko kaya ikaw na ang bahala sa iba" Sagot niya. Galing parang full information na yung binigay niya sa akin.
Nung nahanap na niya yung papeles ay bumalik agad siya sa table nila ni Zach. Char may nickname na agad ehh. Baka soon Love na yung itatawag ko sa kanya hahha. Advance mindset duhh.
Nung tinignan ko ulit si Zach ay may pinipirmahan na siyang papeles. Contrata siguro yun.
Nung natapos na siyang pumirma ay tumayo na silang dalawa ni ate sabay shake hands. Hala sana all Dapat ako din.
"Thank you for partnering with us Mr.Nicholas. We won't let you down."naka ngiting sabi ni ate
"It's also our pleasure Ms.Cepe. Thank you for your time. I'll go now" Sabi ni Zach na medyo may konting bow. As a sign of respect siguro.
Sinulyapan ako ni ate sandali bago siya tumingin ulit kay Zach.
"Uhmm Mr.Nicholas. You're on your way to the airlines right?" Tanong ni ate kay Zach
Nagtataka namang tumango si Zach. Ano na naman kaya ang gagawin ng babaeng to.
"Pwede mo bang i hatid yung little sister ko? Madadaanan mo naman yun papuntang airlines kaya hindi masyadong hassle. Pero if papayag ka lang naman." Pag eexplain niya ka Zach
Lumapit agad ako sa kay ate dahil sa sinabi niya. Kinurot ko siya sa bewang niya "Ano yang ginagawa mo oii? Nakakahiya naman sa kanya"
Tapos tumingin ako kay Zach tapos kay ate ulit. "Pero thank you ate hahaha" bulong ko kay ate para hindi marinig ni Zach
"Yeah sure, no problem" pag payag naman ni Zach sa request ni ate
"Thank you talaga huh. Wala kasi yung driver niya ngayon eh" -Ate
"It's fine don't worry."- Zach
Tumingin si Zach sa akin sabay tanong ng "Where are your things? Let's go"
Pagkasabi niya non ay agad agad akong tumakbo papuntang counter para kunin yung bag ko. Pagkalapit ko sa kanya ah nag paalam na siya kay ate na aalis na daw kami.
Bago ako lumabas ay kinindatan ako nila Ate at Kuya Mark. Napatawa na lang ako sa ginawa nila.
Napatingin naman si Zach sa akin nung bigla akong tumawa kaya tinikom ko na lang yung bibig ko
BINABASA MO ANG
HACIENDA SERIES #1: The Runway
FanficOur love is a runway and I am a supermodel This is Althea Kay Neis Cepe walking in a runway...