Althea's POV
"Girl gumising ka nga may pogi dito ohh" bulong ni Princess sa akin. Hindi ko siya pinansin at natulog na lang ulit ngunit niyugyog ako ng bruha. Ano ba naman yan hilong-hilo na nga ako dito sa bangkang to ehh tapos niyugyog pa ako.
"Ano na naman ba? Kita mo naman na natutulog yung tao ehh!" Medyo pasigaw ko na sabi sa kanya. Ehh kasi pagod ako ehh,kulang ako sa tulog dahil kinuha pa namin si Papa sa airport tapos hindi man lang kami nag stay ng overnight sa cebu at bumalik agad kami.
Tapos naisipan nila na mag bakasyon raw kami kaya ayun pag dating namin sa bahay ay nag impake agad kami.
"May pogi dito sa bangka. Tingnan mo pero
wag kang magpahalata huh baka malaman niya na tinitignan natin siya" sagot niya sa akin"Alam mo ang landi mo talaga" angal ko
"Ehh basta tingnan mo na lang" utos niya sa akin habang hinahampas ako.
Kaya ayun at tumingin naman ako at —
"Shems fafa!" Napasigaw ako shet na malagket. Tumingin sa akin si kuyang pogi dahil sa sigaw ko at nahuli niya akong naka tingin sa kanya. Ayun huli pero di kulong hahahaha.
Hindi naman ako nag iwas ng tingin. Alangan namang iiwas pa ako ehh grasya na nga tong tinitignan ko. Ngumiti pa ako kay kuyang pogi tapos nag smirk lang siya at umiwas ng tingin.
"Sabi ng wag kang magpahalata ehh. Tingnan mo tumingin tuloy. Nakakahiya kang bruha ka" bulong ni Princess sa akin sabay hampas. Hampasin ko kaya mukha nito.
Napairap na lang ako sa kanya at tumingin na lang ulit kay Kuya Pogi
Kinulbit ko si Mama na masa tabi ko tapos may binulong ako sa kanya
"Bye Ma. Im getting married hahahah" bulong ko kay mama na naging dahilan para irapan niya ko. Luhh uma-attitude si Mother ahh
"Landi mo oii" sagot ni Mama sa akin
Tapos ayun hindi na ako natulog ulit at tiningnan ko na lang si Kuyang Pogi sa buong byahe. Hindi ako lugi dito bhe, parang may lahi tong amerikano. Lahian ko kaya to? Lol hahha ang landi mo Althea!!
Ilang minuto ang lumipas ay umepal na si tadhana at natapos na yung byahe namin at bababa na kami ng pamilya ko kasama ang epal kong kaibaigan.
Ewan ko nga ba bakit sinama pa to namin. Tumawag kasi yan kina Mama sabi niya sasama raw siya sa amin. Parang makapal yung mukha niya sa part nato, Char baka bugbugin pa ako nito ehh hahahha.
Pagbaba namin ay tiningnan ko ulit si Kuya Pogi tapos ayun hindi sila bumaba. Baka sa ibang resort sila magbabakasyon. Awts gege :(
Pumasok na lang kami sa resort na pag aari namin. Sabay kaming pumasok sa resthouse namin.
Pagkapasok ko ay agad agad naman akong pumasok sa kwarto ko dito. May sarili rin kaming kwarto dito kasi dito talaga kami nagbabakasyon palagi tuwing summer. Hindi naman nakakasawa dahil maganda rin naman yung view dito tapos ang ganda la nung dagat.
Hindi na ako nagbihis at natulog agad ako kasi pagod na talaga ako. Okay lang naman yung suot ko kasi naka oversized tshirt lang ako ehh tapos shorts kaya comfortable na ako na matulog ng ganito. Ni hindi ko nga natanggal yung sapatos ko dahil sa pagod
**
Nagising ako nung may kumatok sa pinto sa pinto ng kwarto ko
"Pangit gising na! Kakain na daw tayo!" Sigaw ng Ate ko sa akin. Itong babaeng to kung hindi lang talaga siya mas matanda sa akin matagal ko nang nasuntok to. Ang epal kasi, palagi akong iniinis.
"Oo bababa na!"sigaw ko pabalik sa kanya
Tumingin ako sa bintana ng kwarto ko at madilim na pala kaya kinuha ko ang cellphone ko at nalaman ko na 7:34 pm na pala.
Bumaba na ako at sumabay na sa kanilang kumain. Kumakain kami nang biglang nag open up si Papa ng topic
"Kisha Nak, saan ka magtatrabaho pagbalik natin? Gusto mo ba na ikaw yung mamahala sa hacienda or sa hotel?" Tanonh ni Papa kay Ate
"Sa hotel na lang siguro Pa. Napag usapan na kasi namin ni Althea kung sino ang mamahala sa hacienda at siya yun."sagot ni Ate.
Nag uusap parin sila nung natapos kami ni Princess kumain kaya nagpa alam na kami kasi mag si-swimming pa kami gaya nang napagplanuhan namin kanina.
"Ma, Pa mag si-swimming lang po kami" pagpapaalam ko
"Sige lang" si Mama lang yung sumagot kasi nag uusap pa si Papa at si Ate.
Pagkatapos nun ay pumunta ulit kami sa mga kwarto namin para mag bihis ng swimsuit. Black na two-piece yung sinuot ko. Pagkatapos kong mag bihis ay pinuntahan ko na si Princess sa kwarto niya at hinintay siyang matapos kasi ang tagal niyang naka pili kung anong susuotin niya ehh parehas lang naman ng design tapos yung kulay lang yung na iba.
"Bilisan mo nga dyan! Ang bagal mo para kang timang dyan, Ehh halos kapareha na nga yang kulay niyan tapos hindi ka pa maka pili!" Sigaw ko sa kanya. Alangan naman ang tagal niyang pumili sa swimsuit niya na kulay gray at black. Ehh halos magkapareha na nga yung kulay.
Hindi ko talaga alam kung bakit naging kaibigan ko to ehh. Hahaystt.
After 10,000 hours ay natapos na rin siyang pumili at ang ending ay isinuot niya ang kulay red niyang swimsuit. Gigil na talaga ako sa babaeng to ang sarap kutusan.
Nag swimming lang kami habang nag uusap sa gilid ng pool habang kumain rin. Duhh hindi dapat mawala ang pagkain no
"Ano kaya ang pangalan nung pogi no?" Tanong ko sa kawalan na narinig naman ni Princess
"Kaya nga ehh. Bagay pa naman kayo" sagot niya
"Landi nito. Ba't mo naman nasabi na bagay kami ehh ang layo nga namin sa isa't-isa kanina tapos hindi ko pa kilala" sabi ko sa kanya sabay winisikan siya ng tubig
"Ahh basta bagay kayo, wag ka ng umepal ehh alam ko naman gusto mo" sagot niya sabay irap sa akin
"Kilala kita, alam ko kung gaano kalandi yang bituka mo" pahabol pa niya at winisikan din ako ng tubig
"Ewan ko sayo, mga walang kwenta yang mga sinasabi mo" inirapan ko din siya at kumain na lang ulit habang nag iisip kung ano ba talaga yung pangalan ni Kuya Pogi
Umuwi na lang kami ay hindi ko na talaga nakita pa si Kuya Pogi.
BINABASA MO ANG
HACIENDA SERIES #1: The Runway
Fiksi PenggemarOur love is a runway and I am a supermodel This is Althea Kay Neis Cepe walking in a runway...