Mabigat ang hininga habang mabilis ang aking pagtakbo. Nilalamon ng kaba ang dibdib ko habang naririnig ang mabilis na yabag ng mga kawal na humahabol sa akin.
"Dakpin ang lapastangang iyon!" narinig kong sigaw ng isa, nilingon ko sila at halos mangilid ang luha ko habang nakikitang palapit sila sa akin.
"I-itay." naluluhang usal ko, umaasang darating ang itay upang saklolohan ako. Ngunit sa paglabas ko sa kakahuyan ay bangin na ang bumungad sa akin.
Mabilis ang naging paghinto ko sa pagtakbo at kinakabahang humarap sa mga kawal at hinihintay silang makalapit. Nang makalabas sila ay naging mahigpit ang pagkuyom ng aking kamao. Naging alisto ang aking pakiramdam, hindi ako maaaring magpalamon sa kaba.
Mabilis na luminya ang mga kawal na pula ang kasuotan, naningkit ang mga mata ko nang unti-unting lumabas mula sa kakahuyan ang isang lalaking sakay ng kabayo. Nakapulang balabal ito, bagaman hindi ko mailarawan, at alam ang tawag sa kanyang kasuotan ay masasabi kong mula siya sa mayamang angkan. Masama ang tingin na nakipagtitigan ako sa kanya.
"Binibini, ibalik mo na ang iyong ninakaw upang hindi mo na ikapahamak pa."
Nagsalubong ang kilay ko at nag-alab ang inis sa dibdib ko. "Pasensya na ginoo, ngunit wala akong ninakaw." mahihimigan ang pinaghalong inis at sarkasmo sa pananalita ko.
Naging matunog ang ngisi niya. "Hija, masyadong makinang ang bagay na nasa iyo upang hindi makita ng mga mata ko. Ibalik mo na ang Hiyas!"
Hindi man lang nilukoban ng takot ang buong katawan ko sa malakas na pagsigaw niya, mas dinoble ko ang pagiging alisto nang mabilis na naglabas ng espada ang mga kawal na kaniyang kasama.
"Pag sinabi kong wala akong ninakaw, wala akong ninakaw, Ginoo." matigas na wika ko.
Napangisi siya at gumalaw galaw ang panga. "Ganoon ba?" halatang gigil na tanong niya. "Kung ganoon, kailangan kitang idaan sa dahas, binibini."
Napaatras ako nang isang hakbang saka ko naramdaman ang malakas na pagpalo ng hangin na siyang naging dahilan ng paglipad ng mahaba kong buhok. Mabilis kong binunot ang dalawang punyal ko at saka inihanda ang sarili sa paglaban.
Kailangan kong isalba ang sarili ko, isang maling kilos ay kamatayan na ang sasalubong sa akin, likod o harap man ng kinatatayuan ko.
Nang tumalikod ang kabayo ng lalaki ay naging hudyat yoon ng pagsugod ng mga kawal.
"Yaaaaaaaa" sabay sabay na sigaw nila.
Hinigpitan ko ang kapit sa punyal at hindi na sila hinayaan pang makalapit sa akin kaya sumugod na ako. Nang sasalubungin ako ng dalawang espada ay mabilis kong iniliyad ang sarili ko at dumulas paluhod saka isinaksak sa hita ng dalawang kawal ang punyal ko. Pinatid ko ang kasalubong ko at mabilis akong tumayo upang salubungin ang isa pa at hilahin ito sa isang kamay saka ko isinaksak ang dalawang punyal ko sa kanyang leeg. Naging alerto ang bawat kilos ko dahil sa dami nila. Ngunit sa kalagitnaan ng aking pakikipaglaban ay isang sipa ang sumalubong sa dibdib ko. Paatras na sumadsad ang paa ko, mabilis kong naipreno ang kaliwang paa ko nang malapit na ako sa labi ng bangin. Mabigat ang hininga ko nang mapahinto masama ang tingin sa sumipa sa akin na tingin ko'y siyang kanang kamay ng lalaking lulan ng kabayo.
Napangisi ako at saka bihasang inikot ang punyal sa aking palad upang humarap sa akin ang patalim at saka inihanda ang sarili sa paglaban. Unti unti ko rin naramdaman ang paglakas ng hangin at pagdilim ng langit.
"Binibini, ibalik mo na lang ang Hiyas na iyong ninakaw upang mapalaya ka at hindi na magkagalos pa."
Muli akong napangisi at napatuwid ng tayo. "Hiyas? Paumanhin, pero hindi ko alam ang hiyas na sinasabi mo." Sarkastikong usal ko at saka mabilis na sumugod muli sa mga kawal, gamit ang dalawang punyal ay sinalubong ko ang dalawang espada, naging mabagal at matunog ang pagdulas ng punyal ko sa dalawang espada na pumapagitna sa akin. Nang makarating ang punyal ko sa puno ng espada ay bihasang iniikot ko ulit iyon at isinaksak sa leeg ng dalawa. Paulit ulit na pagsalag at pagsaksak ang aking ginagawa.
Nanlaki ang mata ko nang dalawang espada ang muling sasalubong sa akin kaya napaliyad ako at napaatras, sumugod akong muli saka ako sumipa at saka pumatong sa patumbang kawal, ngunit kasabay ng pag-angat ko sa ere ay ang pagsalubong ng palaso papunta sa gawi ko. Naging mabilis ang pangyayare at naramdaman ko na lang ang pagbaon niyon sa akin na naging sanhi ng paglipad ko paatras. Naging mabagal ang pangyayare sa paningin ko, kasabay ng panonoot ng sakit mula sa dibdib ko hanggang sa buong katawan ay imahe ng isang lalaking nakangisi ang natitigan ko.
Kasabay ng malakas na palo nang hangin ay ang pagkawala nila sa paningin ko.
Hindi pa ang bangin at palasong ito ang magiging katapusan ko. Ang anak ko, ang babalik upang maghiganti sa limang emperyong sumira sa amin ng pamilya ko.

YOU ARE READING
HIRAYA
FantasyThis is Historical-Fantasy story. About the witch girl who travels along the 5 kingdom in Terassen Empire. She wants to seek revenge yet she discover something that change her life.