"Tingnan mo kung nasa loob si Celeste." usal ko naramdaman ko naman agad ang pagtalima niya. Hinawi ko ang manipis na kurtina ng bintana niya at nakita ko pa rin ang tuloy tuloy na sigawan at takbuhan ng mga tao.
"Wala si Celeste dito." para akong kinalabit sa narinig. Naging hudyat iyon ng paglabas ko at paglingon ko sa paligid.
"Bilisan mo!"
"Ang mga bandido na naman!"
Hinila ko ang isang ale at iniharap siya sa akin. "Anong nangyayari?!" nag-aalalang tanong ko.
"Ang mga bandido muli na naman silang magpunta rito upang manira ng negosyo." aligagang sagot niya. "Kailangan ko nang mauna. Kailangan pa ako ng pamilya ko." malakas siyang nagpumiglas sa akin kaya hinayaan ko na lang siya. Nang lingunin ko si Paloma ay tinanguan ko lamang siya at saka ako tumakbo sa gawi kung saan ko narinig na patungo ang kabayong narinig ko kanina.
Habang palayo ay may mga patay na akong nakikita. Nagtatakbuhan pa rin ang mga tao upang maisalba ang kanikanilang sarili. Maririnig ang iyak at sigawan sa paligid at nakakabingi iyon. Kumuyom ang kamao ko nang sa di kalayuan ay nakita ko ang mga lalaking balot na balot ng itim na kasuotan na nakapalibot sa...
Nanlaki ang mata ko nang makita ang isa sa mga 'yon. “Celeste!” mahinang anas ko nang maaninag ang isa sa mga nakaluhod doon. Naglabas ako ng mga karayom at saka umikot at binitawan ang mga iyon patungo sa kanila. Maya maya lang ay sabay sabay na bumagsak ang limang bandido.
"Ate Hiraya!" umiiyak na sigaw ni Celeste kaya lalong nag-alab ang galit na nararamdaman ko. Mga walang puso! Sabay sabay na humarap sa gawi ko ang mga bandido. Ngunit hindi ang nasa gitna na siyang nakaharap sa tatlong babaeng nakaluhod kabilang si Celeste.
Mabilis humilera ang mga lalaking nakaitim habang naka amba ang mga armas sa akin. Sa limang metrong layo ko sa kanila ay malinaw na malinaw sa paningin ko ang pagharap ng lalaking nasa gitna. Kung tama ang hinala ko ay mukhang siya ang pinuno nila.
“Ha! At sinong lapastangan naman ang babaeng ito! Ngayon lamang may naglakas loob kumalaban sa akin. At babae pa.” naningkit ang mata ko ko sa mapanuyang tono niya. Hindi ako nagsalita, sa ilalim ng talukbong ko sa ulo ay nakikita ko ng malinaw ang mukha ng lalaking nasa gitna. Nakasuot ito ng tila balat ng hayop at punit punit na tela. Tatandaan ko ang mukhang 'yan. Saka ibinaling ang tingin ko sa mga lalaking nakaitim.
Kagaya ko ay lahat sila may taklob sa mukha. At kung hindi ako nagkakamali ng bilang ay mahigit dalawampu ang dami nila. Ngunit hindi na iyon mahalaga. Inilabas ko ang dalawang punyal mula sa aking tagiliran at saka pabaliktad na hinawakan ang mga 'yon kung saan nakaharap sa akin ang talim.
“Pakawalan mo sila, at ako ang harapin mo.” naghahamon na sabi ko kitang kita ko naman ang tunog ng pag ngisi niya. Lalo akong nakaramdam ng inis.
“Ang lakas naman ng loob mong hamunin ako, Binibini. Sa payat mong iyan ay hindi ako magdadalawang isip na saktan ka.” mayabang na aniya. Habang ang mga kamay ay inilagay sa likuran. “Sige pagbibigyan ko ang iyong nais, kapag naitumba mo ang mga tauhan ko.” sa likod ng taklob ko sa mukha ay nagawa kong ngumisi. Ako naman ang nasiyahan sa sinabi niya. Ngayon ay may mapagsusubukan na ako ng kakayahan mula sa ensayo.
Nang mag umpisa silang sumugod ay nilingon ko ang kahoy na upuan na nasa gilid. Lumapit ako doon at saka iyon sinipa ng malakas papunta sa gawi nila kasabay ng pagsugod ko. Nang matumba ang tatlong lalaki ay sumalubong sa akin ang isang espada ngunit mabilis kong sinangga iyon ng aking punyal at isinaksak ang isang punyal sa lalaking sumugod pa. Sinipa ko ang isa at tumama sa kalesang nakahinto sa tabi kaya nawasak iyon at nag-ingay ang kabayo.
YOU ARE READING
HIRAYA
FantasyThis is Historical-Fantasy story. About the witch girl who travels along the 5 kingdom in Terassen Empire. She wants to seek revenge yet she discover something that change her life.