HIRAYA'S POV
Hinihingal akong nahinto at saka naupo sa malaking bato sa ilalim ng puno at doon ko tiningala ang langit. May isang oras na akong naglalakad. Bakit ba kasi ang taas ng bundok na ito, napakalayo pa ng pagkukuhanan ko ng gamot.
Kinuha ko ang maliit na sisidlan na pinaglagyan ko ng inuming kinuha ko kanina sa balon hindi kalayuan sa bahay at saka doon nainom. Paniguradong pag uwi ko ay katakot takot na sermon na naman ang aabutin ko kay Itay. Ang mas matindi pa doon ay baka ibitin niya ako sa puno. Nakakakilabot. Umakto pa akong nanginginig. Napabuntong hininga ako, naalala ko ang pakay sa pag akyat sa tuktok ng Mt. Cohnden kung nasaan ang pinakadelikadong kweba ng bundok. Kailangan kong pumunta doon upang makuha ang gamot na pakay ko para kay Celeste. Mayroon pa akong anim na oras para maihatid ko sa kaniya ang gamot.
Malapit na ako sa kweba at nag aabang na rin sa akin ang kapahamakan na hindi ko alam kung ano. Tumayo ako at saka pinagpagan ang damit ko, inayos ko ang taklob sa mukha at ulo bago nagtuloy sa paglalakad.
Pasukal ng pasukal ang damuhan na nilalakaran ko at nagtataasan na rin ang mga puno, kahit na tirik na tirik ang araw ay parang ang dilim ng paligid dahil sa dami nila. Gayunpaman, wala akong maramdamang kaba o nagbabadyang panganib. Kahit na nang makarating ako sa harap ng kweba na siyang pakay ko.Ghobar Cave...
"Hiraya, hindi basta basta ang kwebang iyon, maaaring manghina ang buong katawan mo sa loob niyon kapag inabot ka doon ng isang oras. Alam ko ang kagustuhan mong tulungan ang anak ko. Ngunit hindi ko rin kakayanin o ni Celeste kapag ikaw naman ang napahamak."
Muling pumasok sa isip ko ang sinabi ng ina ni Celeste sa akin kahapon nang magtungo ako sa ibaba ng bundok. Isang oras, kailangan ay hindi ako abutin ng isang oras sa loob. Wala akong alam na ibang mahika maliban sa mahika ng panggagamot. At ang paraan ko ng pakikipaglaban ay hindi kagaya ng sa mga black witch kaya hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin sa loob ng kweba. Ayon sa ina ni Celeste, ang Flower Pearl na iyon ay kumikinang sa loob ng kwebang ito at kulay ginto ang bulaklak niyon.
Bumuntong hininga ako at saka humakbang papasok sa kweba. Madilim doon ngunit may sapat na liwanag pang nagmumula sa labas para maging tanglaw ko papasok. Kakatwang diretsong diretso ang daanang iyon papasok. Gaano kaya kahaba ito? Nagtuloy lang ako sa paglalakad tanging ang pagkapa ko sa matigas na pader ng kweba bilang palatandaan sa dinadaanan. Hindi pa man dumidilim ng sobra ay nakarating na ako sa loob ng kweba. Halos malaglag ang panga ko sa sobrang dami ng kumikinang na parang alitaptap sa loob niyon ngunit nakadikit lamang iyon sa pader, hula ko'y iyon ang Flower Pearl na pakay ko. May mga bagin ding nakalaylay mula sa taas.
Iginala ko ang paningin sa paligid, hindi ganoon kalawak ang kweba, at ang kumikinang na Flower Pearl ang nagbibigay liwanag sa loob. Napangiti ako nang wala akong maramdamang kakaiba. Umatras ako upang bumwelo upang makalipad at makakapit sa mga bagin. Habol ang hininga ko nang nakakapit na ako sa dalawang bagin na nagbabalanse sa tuwid kong paglambitin. Walang mababa sa lahat ng Flower Pearl na ito, lahat nasa mataas na bahagi. Ngunit nabuhayan ako nang may makita akong maaari kong mapatungan at malapit lang iyon sa isang Flower Pearl.
Inikot ko sa isang bagin ang isang paa ko upang hindi ako mahulog at saka bumitaw sa isa pa. Itinaas ko ang nakalahad kong palad at saka iniharap iyon sa isang bagin na malapit sa parteng iyon. Mabilis na gumalaw ang bagin na iyon at saka lumapit sa akin ngunit ganon na lang ang gulat ko nang pagkakapit ko doon ay malakas akong hinila noon. Bumagsak ako sa bahaging iyon kung saan ko nais pumatong napakaliit lang ng bahaging iyon. Napasandal ako nang masulyapan ko ang ibabang bahagi ng kweba. Naghabulan ang tibok ng puso ko sa kaba, napakadilim niyon at para iyong hukay. Habol ang hiningang napapikit ako nang makaramdam ako ng hilo habang nakatingin doon, napalunok ako. Ito na ba ang sinasabi ni Paloma. Pagmulat ko ay sa kabilang bahagi na ako nakatingin, dahan dahan akong tumayo. Ramdam ko na rin ang pawis na tumutulo mula sa aking noo. Nang makatayo ako ay tumingala ako kung saan ko nakita ang Flower Pearl na iyon. Habang nakasandal ay iniharap ko ang palad ko doon hanggang sa unti unti iyong gumalaw at tuluyang maalis sa pagkakakapit sa bato. Dahan dahan iyong lumapat sa palad ko. Hinihingal pa rin akong napangiti, at saka iniharap sa akin ang bulaklak. Napakaganda, ginto nga ang bulaklak niyon. Umusal ako ng mahika at saka naglaho ang bulaklak sa palad ko.
YOU ARE READING
HIRAYA
FantasyThis is Historical-Fantasy story. About the witch girl who travels along the 5 kingdom in Terassen Empire. She wants to seek revenge yet she discover something that change her life.