CHAPTER ONE

8 2 0
                                    

HIRAYA'S POV

Humihikab akong naglalakad pauwi nang bahay, palubog na naman ang araw. Habang nakatingala sa langit ay nakikita ko ang namumula nitong kulay. Alam kong mapapagalitan na naman ako nang itay dahil anong oras na naman ako uuwi at hindi na naman malaman kung saan ako galing.

Ako si Hiraya, nagmula ako sa angkan ng mga mangkukulam na naninirahan sa Mt. Cohnden. Salamangkero ang itay, ngunit mas pinili na lamang niyang maging manggagamot. Bagaman, kakaunti lang ang aming lahi maayos naman kaming naninirahan sa bundok. Mayroong tatlong lahi ang mga mangkukulam, ako ay nabibilang sa Green Witches na pinamumunuan ng itay kung saan panggagamot ang aming ginagawa.

Nahinto ako sa paglalakad nang matanaw ko na ang aming bahay. Maraming mga batang naglalaro, at maingay pa. Paniguradong nandito ang itay. Sana hindi niya ako makita. Napalingon ako sa balikat ko nang lumabas doon si Lanaya, ang alaga kong kuneho. Nginitian ko siya. "Ano sa palagay mo, Lanaya. Makikita ba tayo ni Itay ngayon?" tanong ko sa kaniya.

"Lagi naman tayong nahuhuli. Hindi ka makakalagpas kay Itay mo ano. Hindi ka marunong magtago." sagot niya sa isip ko, kaya bahagya akong napangisi. Nagkakausap kami ni Lanaya gamit lamang ang isip. Natuklasan ko 'yon ilang araw mula nang makita ko siya sa talon na may bali sa paa. Nasa anim na taong gulang pa lamang ako non. Mabuti na lamang at manggagamot ang itay kaya nagamot siya at ngayon ay kasama ko na sa pag gawa ng kalokohan.

"Hayaan mo, idadahilan ko na lang na nag ensayo ako." bilib sa sariling sabi ko at saka nagpatuloy sa paglalakad. Umikot ako sa kaliwang parte ng gubat kung saan ako pwedeng makalusot. Huminto ako at sinilip kung nasa bilaran ba ng herbal si itay. Nang makitang wala ay nagpatuloy ako sa paglalakad sa gubat kung saan nang makarating ako sa likurang bahagi ng kubo namin ay huminto akong muli.

"Mukhang maswerte ka ngayon ah, wala sa paligid si 'tay Egor." narinig kong sabi ni Lanaya, nasa balikat ko pa rin siya at hindi man lang nahuhulog. Sa loob loob ko ay nabuhayan ako. Dito kasi sa likod ng kubo madalas mamahinga ang itay, dahil mayroon ditong papag na yari sa kawayan. Ngayon ay wala siya kaya dito na ako dadaan.

Dahan dahan akong lumabas mula sa puno na pinagtataguan at nakayukong naglalakad, takot na mahuli. Baka mahampas na naman ako ng itay gamit ang paborito niyang tungkod. Ang mga matatanda pa naman ay madalas mag histerikal.

Nang makarating ako sa likod ay dahan dahan akong naglakad papunta sa parte ng bahay kung saan nagbibilad ng gamot ang itay. Wala siya doon paniguradong nasa kabila siya.

"HIRAYA!"

Naghabulan sa kaba ang tibok ng puso ko. Mabilis akong napatuwid ng tayo at nanigas sa kinatatayuan ko nang marining ang namamaos na boses ng itay dahil sa katandaan pero mababakas ang pagka istrikto. Yari na naman! Mabilis na tumalon si Lanaya mula sa balikat ko palayo. Tignan mo ang traydor na kunehong 'yon!

Humarap ako sa gawi kung saan nagmumula ang mga yabag na iyon. Nakatayo na ng tuwid ang itay habang ang isang kamay ay nasa likod at ang isa ay nakakapit sa tungkod. Alanganin akong napangiti at napakamot sa tainga ko.

"Itay." anas ko habang alanganin ang pagtawa.

"Saan ka galing?" namaywang na sabi niya. Seryoso talaga siya ngayon hindi kagaya dati na nanunugod bigla. Galit talaga siya? Wala naman akong ginawa.

"E-eh.. Hehehe n-nag ensayo ako diba 'tay?" ngiting ngiti na sabi ko. Nagdadahilan.

"Ensayo? Maghapon? Ang oras ng ensayo mo ay hindi umaabot ng tanghali ngunit ngayon ay palubog na ang araw."

HIRAYAWhere stories live. Discover now