"HOW'S that, Tyrone? Did I beat my own record?" nakangising saad ni Rigel sa personal assistant slash bodyguard niya nang makababa siya mula sa Lamborghini niya. Nakalimang laps din siya. He's there at their own racing track na pagmamay-ari niya at ng isang pa niyang kapatid, nagpapalipas ng oras at stress.
Inabutan siya ni Tyrone ng isang bottled water at binuksan ang planner nitong palagi nitong hawak. "Yes, Mayor."
Napangiti siya, as expected to him, kapag talaga bored siya palagi niya nabi-beat ang sarili niyang record sa car racing. Now he's start wondering kung bakit hindi niya matalo talo sa racing ang kapatid niyang si Castor.
Natapos na niya inumin ang tubig niya ng tumikhim si Tyrone, sumulyap ito sa planner nito bago muling bumaling sa kanya. "You have a lunch date mamayang ala-una ng tanghali kaya may kalahating oras ka na lang para maghanda."
Kumunot ang noo niya sa sinabi ng lalaki. "Lunch date? With who?"
"With the daughter of Senator Vandez, si Miss Stacey Vandez. " napahilot sa sentido niya si Rigel nang marinig ang binanggit na pangalan ng assistant. Stacey Vandez is a spoiled brat daughter of a senator. Nakilala niya ang babae noong may party sa bahay ng tatay nito.
And the first time he met her, nagpakita na agad ito ng interes sa kanya. Too bad, he's not interested to her.
May pagkakataon pa na pinupuntahan siya nito ng personal sa munisipyo kung saan siya nag-o-opisina, buti na lang at palagi niyang natataguan. "At bakit naman siya nagkaroon ng schedule sa schedule ko?"
"I don't know too, Mayor. Ibinigay lang sa akin ni Aida itong schedules mo." tukoy ni Tyrone sa sekretarya niya sa kapitolyo.
"Next time double check my schedules personaly. Huwag mo na hahayaan makasingit sa schedule ko ang babaing iyon." ibinigay niya ang susi ng Lambo sa lalaki at sumakay naman siya sa Jag niya.
"Where are you going, Mayor?" tanong ni Tyrone sa kanya nang mai start na niya ang engine ng kotse niya.
"I have a lunch meeting with my brother, ikaw na ang bahala sa babaeng yun, you know what to do." he smirked to his assistant bago siya umarangkada paalis ng race track.
Kapag ganoon kasing may mga babae na gustong makipag date sa kanya at ayaw naman niya, inuutusan na lang niya si Tyrone na padalhan ang mga iyon ng bouquet ng bulaklak. Iyon ang paraan niya ng paghingi ng sorry sa mga ito at pag reject.
Damn it. Ang hirap naman kasing maging gwapo. Siya na kasi mismo ang hinahabol ng mga babae. Kaya tuloy siya napagkakamalang playboy o casanova.
He sighed. Wala rin naman talaga silang lunch meeting ng kapatid niya. Sinabi lang niya iyon para makatakas sandali. Babalik na lang siya sa kapitolyo mamaya, for now, pupunta muna siya sa mansiyon kung nasaan ang ilang kapatid niya, nasa dulo iyon ng metro. Doon na lang siya kakain ng lunch. Tototohanin na lang niya ang sinabi niya kay Tyrone.
Nakaka exhausted rin naman kasi ang maging mayor. He need to breathe for a while. Pero kahit mahirap, masaya naman siya na nakakapaglingkod siya sa bayan niya.
He smiled bitterly when he suddenly remembered his father.
His father is the one of the reason kung bakit siya pumasok sa pulitika. Noong bata pa siya, natatandaan niya kung gaano kabait ang ama niya at gaano ito kamahal ng masa, aside from being philanthropist, dati rin itong alkalde noong nabubuhay pa ito.
But it was all changed when some men ambushed his parents, and worst is dinukot pa sila ng mga ito para ibenta sa ibang bansa para gawing alipin. Iyon na ata ang pinaka nakakatakot na bangungot sa buhay niya na sumugat ng malalim sa pagkatao niya.