22

39.9K 1K 73
                                    

TUMULOY sila sa Polydeukes, five star hotel iyon na pagmamay-ari raw ng isa sa mga kapatid ni Rigel sa Baguio. Doon daw gaganapin ang party na dadaluhan nila ng binata.

"Bakit isang kwarto lang ang pina book mo?" inis na tanong niya kay Rigel nang makapasok sila sa kwarto na nakatalaga sa kanila. Isang presidential suite iyon.

"Hindi naman ako ang nagpa book ng kwarto dito. Occupied na rin ang lahat ng suite nila dito, last minute na rin ako nasabihan tungkol sa party mamayang gabi at isa sa mga kaibigan ko ang nag-organized ng party." sagot nang binata matapos ibaba ang mga luggage nila sa king size bed na nandoon.

"Eh bakit si Tyrone may sariling kuwarto? Doon ka na lang sa kwarto niya matulog, ayokong kasama ka dito."

"Bakit, si Tyrone ba ang fianceé ko? Atsaka may iba na siyang kasama sa kwarto niya. And besides, it's not big deal kung magsama man tayo sa isang kuwarto, we're couple."

Walang babalang hinubad ng lalaki ang polo shirt nitong suot pati na ang pants nitong suot. Itinira lang nito ang kulay itim nitong boxer brief. Hindi nakaligtas sa paningin niya ang malaking bukol sa gitna ng mga hita nito.

"Rest for awhile, magpapa akyat na lang din ako ng pagkain natin, mamaya na rin darating yung mag-aayos sayo para sa party mamayang gabi. I'll just take a shower." ninakawan siya ng halik sa labi ng lalaki bago ito pumasok sa isang pinto, iyon siguro ang banyo.

Siya naman ay parang timang na napahawak na lang sa labi niya at pabagsak na humiga sa kama. She heave a sigh while looking at the ceiling. Dinama niya ang dibdib na napakalakas ng kabog.

Pasaway na puso niya. Umiral na naman ang kalandian! Bakit kinikilig siya?!

--

NAKASUOT lang nga bathrobe si Solar nang lumabas siya mula sa banyo. Nakalimutan kasi niya ang pamalit na damit niya sa luggage nila ng lalaki. Ramdam naman niya ang titig ni Rigel sa kanya na nakahiga sa kama habang nakaunan ang ulo nito sa dalawa nitong braso.

Naka topless pa ang kumag. Para tuloy itong model. Nakakabwiset, inaakit ba siya nito?!

Pinilit niyang ignorahin ang binata, kahit pa parang nag-iinit siya sa way ng pagtitig nito sa kanya. Dumiretso lang siya sa luggage nila at kumuha ng damit niya.

Hindi naman sumasadyang lumilis sa kanang balikat niya pababa ang bathrobe na suot, medyo na reveal tuloy ang upper boob niya.

"Fvck.." dinig niyang bulong ni Rigel. Matalim naman niya itong tinignan at madaling itinaas ang nalilis na bathrobe. Nang makuha ang damit niya, bumalik ulit siya sa loob ng banyo para magbihis. Isang cotton shorts iyon at maluwang na blouse tutal wala naman siyang balak lumabs ng suite na iyon.

Paglabas niya, nasa ganoong ayos pa rin ang binata. Hindi niya ito pinansin, lumakad naman siya palapit sa sofa at sinimulang suklayin ang buhok niya. Medyo mahaba na pala ang buhok niya, ang dating panglalaking style na buhok niya, hanggang balikat na niya ang haba ngayon.

Ngayon niya lang napansin dahil na rin siguro sa dami ng nangyari sa kanila ni Rigel sa nakalipas na ilang buwan simula nang makilala niya ito.

Natigil siya sa pagmumuni-muni at nagulat na lang siya nang namalayan niyang nasa tabi na pala niya si Rigel at kinuha ang suklay sa kanya.

"Let me." saad nito saka marahang sinuklay ang buhok niya. Hindi na lang siya tumanggi dahil ayaw niya rin itong kausapin. Parehas naman silang tahimik habang maingat nitong sinusuklay ang buhok niya.

Ingat na ingat talaga ang lalaki sa ginagawa nito, parang iniiwasan siyang masaktan sa gaan ng kamay nito.

After he combed her hair, she gasped when he lifted her paupo sa kandungan nito. Ipinaikot ng lalaki ang dalawang braso nito sa bewang niya at isinubsob nito ang mukha sa leeg niya. Nanigas tuloy siya ng parang estatwa, lalo pa nang maramdaman niya ang bagay na matigas na nauupuan niya.

NefariousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon