Convo 37

8 0 0
                                    

ZHEV

"ANG LAKI NA ng pinagbago ng resort nila Hyron, 'no?" sabi ko kay Kier habang palipat-lipat ang paningin ko sa mga asul na cottages , sa white sand beach at maging sa mga palm trees na nasa gilid ng bawat cottage ng resort.

"Yup. Pina-renovate na kasi nila ito kaya mas gumanda lalo," ani Kier habang ibinababa ang gamit namin mula sa likuran ng sasakyan.

"Hmmm.."

I sadly smiled. It's been really a long time, huh.

Dahil abala pa si Kier sa pagbaba sa mga gamit namin at pagkausap doon sa staff na tutulong sa pagbitbit ng mga dala namin, lumapit muna ako sa isa sa mga bagong cottage na nasa may gilid ng mismong entrance.
Sobrang ganda. Halatang sinadya itong pagandahin para maka-attract ng bisita.

The dark and pastel colors are very well blended and the way the cottage was positioned to be shadowed by the trees' shade, is amazing. I'm sure, Hyron was very hands-on during the renovation of their resort. Halatang-halata kasi sa pagkaka-puwesto at pagkakapintura sa bawat cottage maging ang puwesto ng bawat puno, na talagang pinag-isipan itong mabuti.

"Looks familiar, isn't it?"

Napatalon ako sa gulat dahil sa biglang pagsalita ni Kier sa likuran ko.

"O, tapos ka na pala? Ba't 'di mo ako tinawag agad?"

He smiled and shook his head.

"Nah. You're too entranced while staring on that cottage. Kaya hindi na muna kita inistorbo. Tinawag lang kita ngayon kasi kailangan na nating pumunta do'n sa conference hall."

"Oh! Right! Uh...Kanina pa ba sila tumatawag sa'yo?"

"Hindi naman sila nagmamadali. Though tumawag nga si Plyt kung nandito na raw ba ako."

"Oh, okay. We really need to go then."

"Pero sa dalampasigan tayo dadaan bago aakyat ulit papuntang conference hall."

My eyes widened, twinkling with joy because of what he said.

"Really? Dadaan tayo sa dalampasigan?" tanong ko sa kanya habang abot tenga ang ngiti.

He chuckled at my reaction and nodded his head before speaking.

"Yup. Dadaan tayo sa dalampasigan. May harang na kasi dyan pagkatapos ng clubhouse kaya hindi tayo pwedeng dumiretso," Kier said, as he pointed the villa with a combination of blue and white paint.

Tinanguan ko lang siya bago nag-squat para hubarin ang suot kong strapped sandal. Medyo mahirap itong tanggalin lalo na't marami itong tali na kailangang ibuhol pagsinusuot.

Sa sobrang abala ko sa pagtanggal ng sandal ko sa kanang paa, hindi ko na napansin ang pag-squat din ni Kier sa harapan ko para tulungan ako sa pagkalas ng sapin ko sa paa.

Nagulat nalang ako dahil natanggal na ang nasa kaliwa kong paa kaya napatingin ako sa gawi niya. Ngumiti lang siya sa akin at lumipat na naman sa kanang paa ko para tanggalin ito. Dahil gulat pa rin sa ginawa niya, hindi ko na siya nagawa pang pigilan sa ginawa.

Hi, It's Me! Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon