Convo 39

3 1 0
                                    

ZHEV

PAGKATAPOS NG nangyari kanina ay muling bumalik ang sigla nilang lahat. Lalo na si Gin na kanina pa nagpipigil.

Though napatawad ko na sila , medyo awkward pa rin ako sa kanila kaya nanatili lang akong nakaupo dito sa may gilid habang pinagmamasdan sila.

Kahit sintunado , todo bigay pa rin si Trent sa pagbirit. Kulang nalang ay mapigtas ang mga ugat sa lalamunan niya. Habang panay naman ang suway ni Danaea kay Trent na tumigil na.

Iinom sana ako sa baso ko kaya lang wala na palang laman. Pagtingin ko sa mesa, ay ubos na rin pala ang juice na inilagay nila roon. Kaya tumayo nalang ako at nagtungo sa kusina para kumuha ng dagdag na inumin.

Hindi ko napansin na sumunod pala sa akin si Nique kaya napatalon ako ng bigla siyang magsalita.

"Zhev..."

Natawa siya sa reaction ko bago sumandal sa dingding ng kusina at nagpatuloy sa pagsasalita.

"Sorry, nagulat ba kita?"

Tumango lang ako sa kanya at dahan-dahan siyang hinarap ng tuluyan.

"Uhh...Sorry about that. Pwede ba kitang makausap?"

"Oo naman. Tungkol saan ba?"

Huminga siya ng malalim bago naglakad papunta sa akin at sumandal dito sa tabi ko , sa may sink.

"Kala ko talaga hindi ka na magpapakita sa amin."

Hindi ako nagsalita at hinayaan lang siyang magpatuloy.

"Kasi 'di ba sampung taon din 'yon. Hindi rin madali iyong nangyari. Kasi kung ako ang nasa posisyon mo, ewan ko lang kung mapapatawad ko pa ang may gawa no'n."

Ngumiti ako ng mapait habang nasa harap ko pa rin ang aking paningin.

"Kaya gusto kong magpasalamat. Salamat kasi napatawad mo na kami, lalo na sila Skai. Salamat kasi kahit mahirap ay nagdesisyon ka ng maging bukas sa amin. Maraming salamat , Zhev."

Napatingin ako sa kanya at tinanguan ko siya saka ako ngumiti.

"Walang anuman. Naisip ko kasi , wala rin namang magagawa kung patuloy akong magtanim ng galit sa inyo. Hindi na rin naman mabubuhay ang kapatid ko kahit anong iwas ko pa sainyo at sa grupo nila Skai. 'Tsaka ang Diyos nga nagpatawad ako pa kaya na tao lang? Alam ko rin kasi na hindi gugustuhin ng kapatid ko na patuloy akong magalit sainyo. Ginawa ko lang ang tama Nique."

He smiled at me , teary-eyed. Pumikit siya ng mariin para pigilan ang pagtulo ng luha niya bago ako nginitiang muli at tumalikod sa ref para kuhanin ang ibang inumin.

"Balik tayo ma doon? Baka ano ng ginagawa nila doon eh," natatawang sabi ni Nique.

"Nando'n naman si Yreva. May aawat naman sa kanila kung sakali."

Mas lalo siyang natawa sa sinabi ko. Binitbit niya na ang mga inumin at ako naman ang nagdala sa mga chichirya. Pagbalik namin doon , nagulat kami kasi ang tahimik nila. Nakapatay na rin ang videoke.

Nakaupo lang silang lahat , nasa dibdib ang mga braso , tila malalim ang iniisip. Nagkatinginan kami ni Nique , pero tinaas ko lang ang mga balikat ko at umiling.

Dahan-dahan naming inilapag ang mga dala namin at umupo sa dati naming puwesto.

"Okay. Everyone's here. So we'll start."

Isa-isa kaming napabaling kay Lei ng bigla itong magsalita. He ignored our stares as he stood up at the center , in front of the videoke machine.

"This is our sixth reunion and I'm so glad that we are finally complete now. At masaya rin ako dahil naayos na ang dapat maayos sa grupo nila Skai at ni Zhev," ani Lei habang isa-isa kaming tinitingnan.

I nodded at him and smiled. Ngumiti rin siya pabalik at nagpatuloy sa pagsasalita.

He told us about the flow of the short program for tomorrow. And since there's no question or suggestion anymore , we continued to enjoy our night. In-on muli ni Villo ang videoke at agad na pumwesto sa harap.

Sinamaan naman siya ng tingin ni Trent at Gin pero hindi niya pinansin. Natawa ako sa kanila.

"What's wrong Zhev?"

Napalingon naman ako kay Kier ng bigla itong nagsalita sa tabi ko. Napalakas pala ang pagbuntong-hininga ko.

"Wala naman. Naalala ko lang no'ng highschool pa tayo. We used to be like this. Hanging-out every after exam ,  after our practice and during hectic days."

In my peripheral vision , I saw him smiled , also reminiscing our old days but he remained silent so I continued to speak.

"Kaya na realize ko talaga na ang laki ng naging epekto ng paglayo ko sa inyo. It drew a line between me and everyone else."

"It did. Pero naiintindihan naman namin kung ba't mo 'yon ginawa. Your sister died because of us , because of what we did. Kahit sino naman siguro sa posisyon mo gagawin din ang ginawa mong paglayo."

"Hmm....But still , I'm so glad that I was able to forgive them. Kasi kung hindi ko ginawa , hindi siguro sila magiging ganito ka saya."

He nodded , his eyes still fixated on Villo and Trent , arguing about who's going to sing next.

Our night ended well. Kahit nakaupo lang ako dito buong araw , ay nag-enjoy parin akong pagmasdan sila at napaisip na ang dami kong sinayang na taon para lang magmokmok.

Ewan ko kung ano ang trip nila Gin , dahil bigla nalang silang nagsihigaan doon sa may sahig. Hindi naman sila lasing pero astang lasing na. Napailing nalang ako sa ginawa nila.

Hinatid ako ni Kier sa kuwarto dahil magkatapat lang naman ang silid namin.

"So....See you tomorrow?"

"Yup. See you tomorrow. Goodnight, Kier."

"Goodnight Zhev. Sleep tight."

Ngumiti ako sa kanya bago pumasok ng tuluyan sa kuwarto ko. Pagkapasok ko sa loob ay napatingin ako sa mga gamit kong hindi pa rin nabubuksan. Magpupunas nalang muna ako bago ko ito ayusin. Mahaba-haba pa naman ang magiging araw ko bukas kaya dapat maayos ko na itong mga damit ko.

I open my luggage to get my towel and a pair of pajamas before heading towards the bathroom. It was a long and tiring yet satisfying day.

.........

(unedited)

Hi!

Sorry at sobrang tagal ng naging update. Na-busy po kasi ako sa modules ko kaya nawalan ako ng ideas kung ano ang isusulat ko hehe.

But I promise na before this month ends , ay matatapos na po talaga ito.

Once again, maraming salamat po sa lahat ng nagbabasa nitong gawa ko. Medyo boring at lame ito kaya natutuwa ako dahil may nagbabasa pa rin kahit papano.

Hindi man ako sikat na author pero kung gusto niyong magpa-dedicate ay comment lang kayo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 03, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hi, It's Me! Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon