PROLOGUE
I'm Venice Fairy Gomez. 16 years old,4th year high school student. I can describe my self as as simple girl pero sa mga mata ng ibang tao, isa akong perpekto. Siguro dahil maganda, matalino at talented ako. Pero masyadong mabigat ang salitang perpekto, dahil "nobody's perfect" ika nga. Kung perfect man ako edi sana hindi kami iniwan ni Daddy at buo sana ang pamilya namin ngayon. Hindi naman nagkulang sa pagmamahal at pag-aaruga sa akin si Mommy kahit mag-isa lang siyang nagtataguyod sa akin. Galit ako sa ama ko. Pero kahit ganoon nangungulila pa rin ako sa isang ama na laging nandiyan para protektahan ako. Nagbago siya at dahil doon sobra akong nasaktan.Nagmakaawa ako mismo sa kanya na huwag niya kaming iwan ni mommy. Pero nabigo ako, iniwan niya pa rin kami.Sobrang sakit na halos magunaw ang mundo ko sa murang edad kong iyon. Simula noon hindi na ako nagmakaawa at humingi ng tulong sa iba. Maliban nalang sa dalawang babaeng pinagkakatiwalaan ko, si Mommy at ang bestfriend kong si Thea. Pero hindi ko inasahang makikilala ko siya at muling matutong magtiwala sa iba. Pakiramdam ko naging perpekto na ang buhay ko. Napaisip ako. Paano kung katulad din siya ni Daddy at iwan din ako sa huli? Hahabulin ko ba siya at magmamakaawang balikan niya ako? O hahayaan ko nalang para magising siya at magsising pinakawalan niya ako?
So what do you think guys?Just kindly leave your comments. Please do vote also kung nagustuhan niyo po.
Thanks!-Princess Aiza 🌻
BINABASA MO ANG
The Game of Chase [ Lee Min Ho & Park Shin Hye ]
Teen FictionThat's what you do when you love someone. You go after them. And that is called "The Game of Chase". Are you willing to do the chase for the sake of your love? If yes,then read this.