Sean Lucas

1.7K 61 8
                                    

04

Sandro

Hindi ko alam kung bakit ko na isipan na puntahan si Denise sa sinabing meeting place ni thalia sakin kagabi.

I must admit that there's a part of me who wants to see her at kamustahin siya pero alam ko naman sa sarili kong naka move on na siya at masaya na siya at ako naman may asawa na.

"Thanks for coming sandro, Akala ko hindi ka na darating eh." Bungad niya sakin nang makita niya kong papalapit sakaniya at saka siya ngumiti.

"Ano sa palagay mong ginagawa mo denise?" Mariin kong tanong sakaniya.

"Bakit kailangan mo pa kong guluhin pati na din si thalia?" Tanong ko pang muli sakaniya.

"Ano pa bang kailangan mo?" Dagdag ko pa bakas sa mukha niya yung lungkot.

"Sorry sandro, gusto lang naman kitang makausap kasi gusto ko lang naman humingi ng tawad sayo." Sambit niya pero hindi siya makatingin sakin ng diretso.

"Alam kong hindi maganda yung paghihiwalay natin kaya nga sa huling pagkakataon gusto kong humingi ng tawad sayo wag kang mag alala eto na ang huling beses na lalapit ako sayo." Wika niya pang muli pero hindi pa siya makatingin sakin.

"Are you done?" Tanong ko sakaniya matapos siyang mag salita.

"Kung wala kana nang sasabihin aalis nako." Wika ko sakaniya at saka tumayo at nag lakad papalayo sakaniya.

Pero hindi pa man ako nakakalayo ng tuluyan nung nagsalita siya.

"Ang swerte mo kay thalia, sana maging masaya kayo." Rinig kong wika niya bago ko umalis hindi ko na tinapos kung ano pa man yung sasabihin niya pa dahil ayoko nang marinig.



















Thalia

Pagkatapos mamin mag usap ni sandro kagabi ay buti na lang nakatulog ako kaagad dahil na din siguro sa sobrang pagod.

Nakapag umagahan na naman ako pagtingin ko sa orasan ay late na pala ko kaya nag mamadali akong lumabas ng bahay sana naman ay hindi traffic at makahanap ako ng masasakyan.

Sinasakto ko kasi talaga na wala na si sandro kapag umaalis ako siya ang na uuna sakin para hindi kami makasalubong o magkasabay.

Pagminamalas ka nga naman walang masyadong sasakyan sa daan nako pano na ko nito!

Late na ko eh.

Maya maya pa ay may narinig akong bumusina mula sa likuran ko kaya muntik ko na matapon yung bitbit ko sa gulat eh.

Medyo na paupo ako doon ah, tatayo na sana ko nang biglang may mag salita nagulat ako nung nakita ko siya sa harapan ko.

"Thalia!" Sigaw niya at saka lumapit sakin.

"Halika na, sumabay ka na sakin." Wika niya at saka inalalayan ako patayo tapos ngumiti lang siya.

"Anong ginagawa mo dito Vincent, Hindi naman kita nakita sa bahay kanina ha?" Gulat kong tanong sakaniya.

"Tsk, pano mo naman ako makikita eh lagi mong iniiwasan si kuya." Wika naman niya at napakamot nalang siya sa ulo niya.

"Eh kanina pa umalis si sandro what are you doing here?" Sagot ko naman sakaniya.

"And isa pa did you forget na we are living in the same subdivision." Wika niya habang nag lalakad kami papunta sa kotse niya.

"At saka I really waited for you kasi alam kong nandito ka pa, halika na bilisan mo." Wika niya at saka hila sakin papasok ng kotse.

Stay With Me: (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon