I love you, Goodbye

1.6K 63 14
                                    


10

Thalia

"Nagising ako sa lamig nung aircon pag mulat ko nung mga mata ko nasa kuwarto na ko, ramdam ko yung init ng katawan ko at lamig ng temperatura sa kuwarto ko. Pinilit kong tumayo para hanapin si sandro, gusto ko siyang maka usap ayoko nang patagalin pa to dahil habang tumatagal mas lalo akong nasasaktan at alam kong ganon din siya."

"Pag labas ko ng kuwarto nakita ko si sandro na nakasandal sa may pintuan ng kuwarto niya na katabi lang ng kuwarto ko."

"Nabaling yung tingin niya sakin kaya hindi ko din maiwasang hindi mapatingin sakaniya."

"Hindi ito kumibo at aktong papasok na siya sa kuwarto niya pero tinawag ko ang pangalan niya dahilan para mahinto siya.

"Sandro.."

Huminto ito sa paglalakad pero hindi niya man lang ako tinignan na animo'y nag aabang siya kung anong susunod kong gagawin o sasabihin.

"Mag usap naman tayo please."

"Tumingin siya sakin, nag tama yung mga mata namin pero wala kong makitang emosyon sa kaniya o reaksyon man lang lalo lalo na sa mga tingin niya sakin ni wala akong maramdaman."

"gusto ko lang namang malaman....m-minahal mo rin ba ako o minahal mo ba talaga ako? Nauutal kong tanong dahil hindi ko kayang sabihin yon o ni marinig kung anumang isasagot niya.

"Nabalot ng katahimikan ang paligid... nanatiling nakatingin sakin si sandro na hindi makapagsalita.

Iniwan mo ko noon thalia, iniwan mo ko at hinayaan mo kong mahulog ulit sakaniya sa loob ng isang taon hindi ka nag pakita sakin, siya yung nandon nung mga panahong iniwan moko." Paninimula niya."

"Nung mga panahong nasasaktan ako.."

Thalia, nung naging tayo naging masaya ko ulit.. oo nag kamali ako at alam kong nag simula tayo sa mali pero hindi ko naman inakala noon na mahuhulog ako sayo, minahal kita nang higit pa sa pag mamahal na meron ako para sakaniya pero nawala yun sa pangalawang pagkakataon, nawala yung saya sa puso ko nung iniwan mo ko at mas pinili mong pairalin yang pride mo kesa sa pag mamahal mo sakin, na imbes na pakinggan mo ko mas pinili mong hindi lumaban at sumuko." Wala pa rin akong makitang emosyon sa mga mata niya.

Ngayon ikaw yung pinili ko at hindi siya ano pa bang kulamg, dapat ko pa bang sagutin yung tanong mo? Mariin ngunit bakas sa boses niya yung lungkot. Yung kaninang walang emosyon niyang mga mata unti unting lumulungkot.

Dahil sa tingin ko alam mo na yung sagot sa tanong mo pero bakit mo kailangan gawin to? Bakit kailan mo pang saktan yung sarili mo? Dagdag niya pa.

Sandro... pinili mo ko dahil iniwan ka niya ulit Hindi ba? Ginawa mo lang lahat nang to dahil nasasaktan ka at gusto mo lang ipakita sakaniya na kaya mong wala siya? Hindi ba? Mariin kong tanong sakaniya para kong tangang naiiyak at natatawa sa harap niya.

At pumayag ka din naman hindi ba?" Tanong niya.

Bakit hindi mo man lang ako hinintay? Bakit hindi mo man lang ako hinabol? Bakit ang bilis mong palitan ako! Bakit hindi nalang ako ulit? Ako yung nandito sa tabi mo pero bakit siya pa din yung nasa puso't isip mo?." Unti unti ko nang nararamdaman yung luha na pumapatak sa mula sa mga mata ko, hindi ako makahinga hindi ko kayang pigilan yung nararamdaman kong sakit.

Alam ko naman eh, alam ko naman na kahit kailan hindi ko siya mapapalitan diyan sa puso mo at tama ka alam ko naman talaga yung sagot sa tanong ko pero nag baka sakali pa rin akong marinig na oo ako yung mahal mo kaya mas pinili mo ko pero mali ako." Wika ko na hindi.. hindi ko na napigilan pa yung mga luha ko at walang patid iyon."

Mahal mo siya hindi ba?" Halos pabulong ko pang wika dahil hindi ko na kaya at ramdam ko ang pang hihina."

"I'm sorry, sorry kung nang dahil sakin hindi mo magawang maging masaya, kung nang dahil sakin hindi mo makasama yung taong mahal mo." Naluluha kong wika, bakit ganito ang hina hina ko para umiyak sa harapan niya, ayoko kong makaramdam siya ng awa sakin dahil alam ko naman na umpisa pala yoon lang naman talaga ang nararamdaman niya para sakin.

Gusto ko lang malaman.. kahit sa huling pagkakataon lang mapagkatotoo ka naman sakin." Pakiusap kong muli sakaniya.

"Mahal mo pa ba siya?" Tanong ko sakaniya."

"Thalia.. please." Pakiusap niya.

Just answer me sandro! Please!" Pag pupunilit ko.

Pumikit ito bago siya sumagot, "Oo." Wika niya, yuumuko siya at umiwas ng tingin sakin.

"I'm sorry thalia." Wala ibang lumabas sa bibig niya pagkatapos niyang sagutin yung tanong ko.

"nakapili ka na. Wag ka mag alala ayos lang ako.

"At wag kang mag alala dahil simula sa araw na to hindi na ko magiging hadlang pa sainyo pinapaubaya na kita sakaniya. Please be happy with her." Sa totoo lang parang gusto ko nalang lumubog sa kinatatayuan ko ngayon.

"Mahal kita sandro.. mahal na mahal kita pero alam kong hindi sapat yun para mag stay ako sa tabi mo, sana maging masaya ka sa piling niya." Nahihina kong wika at inabot sakaniya yung isang brown envelope."

"Nag aalangan siyang kunin yung brown envelope pero kinuha niya pa din iyon."

"Pumikit ako at sinubukang pakalmahin yung sarili ko bago muling mag salita."

Salamat sandro, salamat kasi minahal mo ko sa maikling panahon pinaramdam mo sakin na mahalaga ko kahit na alam kung parte lang din yun ng plano mo noon."

Siguro nga hanggang dito nalang ang lahat, ayoko nang matagalin to dahil ayoko na mas lalong masaktan at alam kung nahihirapan kana at ayokong nakikitang nag kaka ganiyan ka.. kaya.. malaya ka na sandro.. simula ngayon I'm no longer your wife and you could be with someone you truly love." Nanginginig yung tuhod na parang anumang oras matutuba nako sa kinatatayuan ko."

Hindi ko na hinintay na tinignan niya yung nasa loob ng brown envelope at tinalikuran ko siya..

Hindi ito kumibo at pinanood niya lang ako habang nalalakad ako papalayo."

Sa huling pagkakataon umaasa ko na ako yung pipiliin mo na pipigilan niya ko pero hindi.

Bumilang ako at sa bawat hakbang umaasa kong maririnig ko ang boses niya mula sa likuran at pigilan ako.

Isa..

Dalawa..

Bawat hakbang ay mas lalong sumisikip yung dibdib ko.

Tatlo

Apat..

Lima..

Anim..

Pito..

Gusto kong lumingon at tumakbo pabalik sakaniya pero hindi ko magawa dahil hindi na puwede.

Walo..

Dahil hindi naman ako ang pinili niya...

Siyam..

Sampu..

This is a goodbye sandro, this may be the end but I want to let you know that "I will forever love you my love." hindi magbabago yun.. ikaw lang.. i love you my love."

I love you, Goodbye.

Stay With Me: (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon