Sinamahan ako ni Miles at Fourth papunta sa court upang tignan ang nangyayari. Nang makarating kami doon ay madami na ang mga taong nanunuod. Some cheered for Isaac and some for Cole.
"A point for Sy" Terry announced.
Nang pumasok na kami sa covered court ay nakita kong naglalaro sila Cole at Isaac ng basketball. Akala ko naman kung ano ng nangyari, ang OA naman kasi ng pagkakasabi nitong dalawa. Pagkakita samin ni Adrian ay itinuro niya ang bench malapit sa scoreboard at doon kami pinaupo.
"Kanina pa ba sila naglalaro?" Tanong ko sa kanila.
"Timing ka nga eh, kakastart lang" Sabi ni Marcus.
"Eh kayo, wala ba kayong training" Tanong ko.
"Meron, pero support muna kay bossing" Sabi naman ni Adrian.
"Hanggang ilan ba to?" Tanong ko.
"10 daw eh" Sabi ni Fourth.
Nakita kong nagd'drible si Cole ng bola papunta sa ring, ishoshoot niya na sana pero nablock ni Isaac. Si Isaac na ngayon ang may hawak ng bola at drinibile hanggang nashoot niya na ito.
"2 POINTS FOR MY BRO ISAAC" Terry said. Parang baliw, halatang bias eh.
Ng tignan ko ang scoreboard parehong 4 yung score. Na kay Isaac ulit ang bola ngayon pero habang drinidrible niya ito ay nasteal ito ni Cole at nashoot.
"1 point for Sy!" Sabi nanaman ni Terry.
Tumingin-tingin ako sa paligid para tignan kung sino ang mga nanunuod, my eyes landed on a familiar face. It's Cole's girlfriend. She was watching from afar. Nasa entrance lang siya ng court. Binalik ko ang tingin ko sa court nang humiyaw ang mga tao dahil nakashoot si Isaac ng 2 points.
"Avi, cheer mo naman si Isaac." Sabi ni Fourth.
"Kaya nga girl, para maenergized pa siya lalo" Sabi ni Miles.
"Wag na, yung crush niya nalang." Sabi ko.
"Dalian mo na kasi, sabayan kita. Sigaw tayo ah" Sabi ni Miles.
"Hay nako, okay" Sabi ko naman.
Nagbilang kami ng 1, 2....
"GO VI!" Nagulat ako ng boses ko lang ang narinig ko.
"MILES NAMAN EH!" Sabi ko.
"Kala ko kasi pagkatapos ng 3." Sabi niya habang tawang tawa.
"2 points again for Mercado!" Sigaw ni Terry.
Cole looked so determined to win now. Nakuha niya ang bola kay Isaac at ishinoot yun for 2 points. Pagkatapos noon ay nashoot niya ulit ito.
"Another point for Sy!" Sabi ni Terry habang sumasayaw ng laban laban o bawi bawi.
Nabawi na ni Isaac ang bola pero nahihirapan siyang lumusot kay Cole. Ilang sandali ang lumipas ay nakuha ni Cole ang bola pero hindi tumigil si Isaac hanggang mabawi niya ito. Dinala niya na ang bola papunta sa ring. Sinubukang iblock ni Cole ito pero hindi siya nagtagumpay.
"And the winner is Isaac Kalvin Mercado!" Sigaw ni Terry. Parang abnormal talaga.
Cole walked out when he heard that announcement and the girl followed him to wherever he went. Meanwhile, pumunta sa amin si Isaac at binati siya ng mga kaibigan niya.
"Ang galing mo bro!" Fourth said while doing their handshake.
"Mabuti nalang bro tinalo mo yon." Sabi naman ni Terry.
"Bakit niyo naisipang mag 1 on 1 ni Cole, Isaac?" Tanong ni Miles.
"Yan kasing si Cole, kung ano-anong sinasabi." Sabi ni Terry.
BINABASA MO ANG
Girlfriend Perfect
RomanceEvery girl's dream is to be THE perfect girlfriend. Every girl's dream is to have a perfect relationship with someone she truly loves, but as the saying goes "Nobody is perfect". Perfect is defined by our own standards, what is perfect for us might...