18

16 0 0
                                    

We're at the beach, maliligo ng konti dahil aalis na kami mamayang hapon. The whole time they were eating breakfast, Isaac was just silent. Puro tango at iling lang ang nakuha ko. Sinusubukan ko naman siyang kausapin pero deadma ako, parang babae naman to. 

"Vi." Tawag ko.

"Vi!" Tawag ko ulit pero hindi pa rin ako pinansin.

"Isaac!" 

"Isaac Kalvin" 

"Tostadong hotdog"

"Hirap mo naman suyuin"

"Isaac Kalvin Mercado!" 

"Aahh ganyanan ah" Sabi ko at hinagis sa kanya yung towel.

"Bwesit ka, manigas ka" Sabi ko.

Babalik na sana ako sa cottage ng nakaisip ako ng bright idea.

"Isaac Kalvin! Will you marry me?" Tanong ko at napalingon siya.

"No." Sagot niya. Kapal niya ha.

"Hubby! Wag ka na tampo sarap mo ilampaso eh" Sabi ko.

"Ewan ko sayo, Avi." Sabi niya.

"Hon." Tukso ko.

"Avien Marielle!" Saway niya.

"Yes?" I replied.

Lumapit siya sa akin at bumulong.

"Huwag kang nagbibiro ng ganyan kung hindi mo kayang pangatawanan" Sabi ni Isaac naglalakad pabalik sa beach.

"What do you mean?" I asked.

Bumalik siya papunta sakin at nilapit ang mukha niya, sobrang lapit niya. He cupped my face and looked at my eyes. Shet eto nanaman tayo sa mata niyang nakakalasing.

" Will you marry me Avien Isidro?" He seriously asked parang nagp'propose talaga kulang nalang yung singsing.

Nakatingin lang ako sa mga mata niya.

"Answer me, hon. Will you marry me?" He asked again.

Nakatingin pa rin ako sa mga mata niya.

"See, hindi mo nga masagot eh." He said.

He looked at me from head to toe. Pinanlakihan ko siya ng mata. Ang bastos ha.

"Wear my shirt. Huwag kang umiikot ng nakaganyan baka makapatay ako." Sabi niya.

"O.A mo naman, Vi." Sabi ko.

"Isa." Pagbibilang niya.

"Ayoko nga. Di mo ko pinapansin kanina." Sabi ko.

"Dalawa" 

"Bahala ka sa buhay mo." Sabi ko.

"Tatlo. Hanggang lima lang to Avi." Sabi niya.

"Oo eto na. Kainis naman eh" Sabi ko.

"Good girl." Sabi niya at kumindat pa.

"Galit ka pa sakin?" Tanong ko.

"No." He answered.

"Eh ano?" Tanong ko.

"Tampo." Sabi niya. 

"Sorry na nga kasi" Sabi ko.

"Ayoko ng sorry mo." Sabi niya. Ang sungit.

"Eh, anong gusto mo?" Tanong ko.

"Date." Sagot niya.

"Date?" I asked.

"Yes, date." He said.

Girlfriend PerfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon