Chapter 33 - Missing (•﹏•)

136 5 5
                                    

[Blaire’s POV]

Nasa bahay ako ngayon and nagre-ready na kami ni Ren na pumunta sa isang magaling na OB na nirefer ni Mama.

“Blairey bear? Let’s go? May naghihintay nang cab sa baba...” – Ren

Tumayo na ako at lumabas na kami. Tahimik lang din kami on the way to the OB center. Pagdating namin dumerecho na kami dun. Buti wala pang tao.

“Annyeong haseyo~” Bati namin ni Ren sa receptionist.

“Annyeong haseyo. What can I do for you?” – Receptionist

“We have an early morning appointment with Dr. Choi Mina...the OB Gyne? We were refered by Mrs. Kim...” – Ren

Ako naman patingin tingin lang sa paligid. Tinitingnan ko yung mga glassed display ng mga baby tapos napapangiti ako..

“Oh, yes, Miss....Kim Eunjoo?” – Receptionist

“Oh, yes.” Ako na ang sumagot syempre. Para namang si Ren ang magpapacheck up. HAHAHA!

“Please follow me this way...” – Receptionist

Pagpasok namin, binati namin si Dr. Choi. In-ultra sound nya ako sabi naman nya healthy naman daw yung nabubuong baby sa tyan ko. I’m pregnant for 7 weeks already. Nagbigay sya ng payo, katulad ng pregnancy exercise, binigay pa nya yung recommendation, tapos yung right diet for expecting mothers, tapos regular check-up. Eh paano yan, parang hindi naman ako sa kanya makakapag pa check up lagi, pero pipilitin ko...

“Kamsahamnida!~” Nagbow na kami ni Ren

“Neh. Take care, mommy, okay? See you next month~ ^__^” – Dr. Choi

Lumabas na kami tapos tinitingnan namin yung resulta ng ultra sound sa baby ko. Kita ko masaya rin si Ren. Mas excited pa yata sakin. Nung una takot ako pero ngayon, excited ako at masaya. Ganito pala yung feeling kapag magiging nanay ka na. ^O^

Nasa sidewalk lang kami nang may biglang tumigil na dalawang sasakyan sa harap namin. Parang alam ko na to ah. I didn’t know na nakabalik na sila ng South Korea. Akala ko nasa somehwere Thailand or Japan pa sila..

This FANGIRL's In Love With U (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon