Chapter 10

282 16 2
                                    

Napapadalas na ang panaginip nila Chaeyoung at Mina sa isa't isa na kung saan sa panaginip nila ay magkaibigan at masaya sila

"Chaeng? halika punta tayo sa school namin" tuwang sabi ni Mina na hinila siya

Nung nakadating na sila sa school pinakita ni Mina ang kanilang classroom at kung saan siya nakaupo. Pagkatapos nun pumunta naman sila sa library habang naghahanap ng mga libro bigla nalang umilaw ang kanilang mga kwintas

"Anong nangyayare?" tanong ni Chaeyoung

"Hindi ko alam" sabi ni Mina

Hinawakan ni Chaeyoung ang kwintas na patuloy lang sa pagilaw

"Baka may pinapahiwatig ang kwintas" sabi ni Mina

"Ano naman?" tanong ni Chaeyoung

"Hindi ko alam" sabi ni Mina

Lumabas nalang sila ng library at doon nawala ang liwanag ng kwintas

"Ano bang meron sa kwintas na to?" pagtakang tanong pa ni Chaeyoung

"Hali kana Chaeng mukhang lumiwanag lang to dahil magkasama tayo" ngiting sabi ni Mina

"Talaga lang ah" sabi ni Chaeyoung na nakataas ang isang kilay

"Diba mahilig kang magdrawing? halika pupunta tayo sa isang museum" tuwang sabi pa ni Mina

Lumabas na sila ng school at pumunta sa isang museum. Pagpasok nila doon namangha si Chaeyoung

"Ang ganda naman dito pano mo nalaman to?" tanong ni Chaeyoung

"Hindi ko alam mukhang ang kwintas ang gumagawa nito" sabi ni Mina na hinawakan ang kwintas at muli nanaman itong lumiwanag

"Hindi kaba nagtataka kung bakit nangyayare to?" tanong ni Chaeyoung sakanya

"Bakit naman? hindi kaba masaya na nakilala mo ako?" tanong ni Mina

"Masaya pero nakakapagtaka lang kasi eh, ilang linggo na nakakaraan nung nangyare ang mga bagay na ganito" sabi ni Chaeyoung

"Kung ganun itapon mo nalang ang kwintas kung ayaw muna akong makita okaya naman humiling ka kay bathala na hindi na ako ang mapanaginipan mo" malungkot na sabi ni Mina

"Ano bang sinasabi mo? hindi ganun ang ibig kong sabihin" paliwanag ni Chaeyoung

Hindi na nagsalita pa si Mina kundi naglibot nalang siya sa museum na sinundan siya ni Chaeyoung

"Mina~ sorry na okay, maniwala ka hindi ganun ang ibig kong sabihin" sabi ni Chaeyoung

Pero hindi parin siya pinapansin ni Mina kaya naman hinawakan niya ito sa kamay

"Mina? makinig ka ...masaya na ako nakilala kita at napapanaginipan sa tuwing natutulog ako pero ang gusto ko lang malaman kung bakit nangyayare ito" seryosong sabi ni Chaeyoung

"Bakit mo pa kailangan malaman? hindi pa ba sapat na ganito tayo?" malungkot na tanong nk Mina

"Kaibigan kita Mina ...kaibigan kita sa panaginip ko" sabi ni Chaeyoung






"PANAGINIP"  - michaengTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon