Mina's Pov
Pauwi na ako ngayon galing sa bahay nila Nayeon kung saan ginawa namin yung project. Habang naglalakad ako pakiramdam ko may sumusunod sakin, dinig ko ang ang kalampag ng kanyang sapatos kaya naman tumigil ako at naramdaman ko rin na tumigil din siya
Pagtingin ko sa likod wala naman tao kahit anino, binilisan ko ang paglakad at narinig ko ulit ang paglakad niya. Nagtago ako sa isang puno at doon nakita ko na naka hoodie ito na panay ang lingon
"Yaaahhhh" paglusob ko sakanya habang pinapalo sa dala kong bag
"Ouch! sa-sandali" pagilag nito
"Sino ka?! bakit moko sinusundan?!" inis na tanong ko na patuloy parin hinahampas sa bag
"San-sadali lang kasi" pagilag pa nito
"Hi-hindi ako masamang tao!" sigaw nito na napatigil akoKita sakanya ang pagkahingal at gulo ng kanyang damit at buhok. Tinitignan ko parin siya na masama tsaka siya tumingin sakin
"Miss maniwala ka hindi ako masamang tao" seryosong sabi nito na inayos ang kanyang sarili
"Pa-pano naman ako maniniwala sayo?" takot na tanong ko
"Nakalimutan muna ba ...ako yung bumili sa bakery niyo, ako rin yung nakita mo sa school at nabangga mo nung umuuwi ka" paliwanag niya na nagulat ako at tinignan ang mukha nito
"Ikaw nga!" gulat na pagturo ko sakanya
"Pero teka! stalker ba kita?!" tanong ko pa
"Hay hindi nga" iritang sagot niya
"So ...bakit moko sinusundan?" tanong ko pa
"Okay sasabihin ko lahat sayo pero pweding wag dito?" sabi niya na tumingin kami sa palagidSobrang dilim na at wala ng gaanong tao. Pumunta kami sa bukas pa na coffee shop at doon kami nagusap.
Habang kaharap ko siya nagtataka parin ako kung bakit niya ako sinusundan. Kaya naman tinanong ko ulit siya
"Hey! sagutin muna ang tanong ko" sabi ko
"Na ano?" tanong niya tsaka siya uminom ng coffee
"Bakit moko sinusundan?" tanong ko
"Una sa lahat hindi kita sinusundan baka ang tadhana ang gumagawa nito" ngiting sagot niya
"So ano yung kanina?!" inis na tanong ko
"Ahh~ yung kanina ba? pauwi ako sa bahay ng Ankle ko tapos doon ang daan" sagot niya na hindi parin ako naniniwala
"Bakit nung tumigil ako sa paglakad tumigil karin?" tanong ko pa"May nakita akong pusa kaya naman nilapitan ko ito at binigyan siya ng pagkain" sagot nito na hindi parin ako naniniwala
"Pano naman dun sa paglingon lingon mo kanina? na parang may hinahanap ka?" tanong ko pa na tinignan siya seryoso
"Mahilig ako sa pusa, gusto kong iuwi ang pusang nakita ko kanina ang kaso bigla itong tumakbo kaya naman hinanap ko tapos boom! bigla ka nalang lumabas at pinaghahampas ako ng bag mo" sabi niya na tinuturo pa ang bag ko
"Hindi parin ako naniniwala sa mga sinasabi mo" sabi ko pa
"Kung ayaw mong maniwala nasa sayo na yun" asar na sabi niya
"Pano naman yung dun sa bakery at school?!" naiinis na tanong ko
"Paulit ulit nalang" inis na sabi niya tsaka ko siya sinapa sa paa"Ouch! bakit mo ginawa yun?!" inis na tanong niya
"Dahil ayaw mong sabihin ang totoo!" galit na sabi koUmupo siya ng maayos at huminga ng malalim, tumingin siya sa labas ng coffee shop at muli akong tinignan
"Totoo lahat ng sinabi ko, yung dun sa bakery inutusan ako ni Ankle nun, dun naman sa school may dinilever ako nun at nakita nga kita sa may rooftop tapos hindi ko alam bigla ka nalang bumaba nung nakita mo ako" seryosong paliwanag niya
"Na-nakakapagtaka lang kasi eh" tanging sabi ko
"Baka ako ang nakatadhana para sayo" pabirong sabi niya
"Nakatadhana? baliw kaba!" tumayo na ako at binayad ang inorder naminPagkalabas ko sa coffee shop nakita ko na sinundan niya ako pero hindi ko man siya pinansin, nagpatuloy lang ako sa paglakad
"Hey Miss!" paghabol niya sakin
"Sandali!" sigaw pa nito tsaka ko binilisan ang paglakadNapansin ko na hindi kuna naririnig ang boses niya kaya naman lumingon ako at hindi ko na nga siya nakita
"Boo!" biglang pagharap ko at nagulat sakanya
"Nasisiraan kana ba talaga!" sigaw na galit ko
"Bakit kaba kasi umalis?" tanong niya
"Dahil ayoko ng makipag usap sayo!" inis parin na sabi ko
"Bakit ba ang sungit mo?" tuwang tanong niya
"Hindi ako masungit sadyang nakakainis ka lang talaga" sabi ko pa
"Pero nagpaliwanag na ako hindi pa ba sapat yun?" tanong niya
"Hindi kasi kapani-paniwala ang mga sinabi mo" sagot na tumawa lang siya
"Anong nakakatawa?!" inis na tanong ko
"Okay okay ...hindi nakita pipilitin pa" tuwang sabi niya
"Kung ganun umalis ka sa dadaanan ko" sabi ko pa
"Bakit naman? eh dito rin naman ang daan ko" tuwang sabi pa niya
"Anong ibig mong sabihin don? magsasabay tayo?!" iritang tanong ko
"Pwedi rin naman" pagkindat niya sakin tsaka na ako naglakadSumabay nga siya sakin sa paglakad habang pauwi ako, hinayaan ko nalang siya kesa naman sa mainis pa ako at problemahin siya
"Miss? hindi ka parin ba talaga naniniwala sakin?" tanong niya
"Alam mo ...mabait akong tao at hindi ko kayang manakit ng babae" dagdag pa niya na hindi ko man pinapansin
"Kung iniisip mo parin na stalker ako ..okay lang nasa sayo naman yun" sabi pa niya na huminto ako dahil bigla kong naalala ang panaginip ko"Ikaw! sabihin mo ikaw ang nagligtas sakin diba?" biglang tanong ko na nagtaka siya
"Nagligtas saan?" pagtakang tanong niya
"Sa mga lalaki, iniligtas moko don sa tatlong lalaki na gusto akong kidnapin" sabi ko
"Sorry Miss pero wala akong maalala na iniligtas kita" sabi niya
"Ano? pero ...." nang maalala ko na panaginip lang pala yun
"Pero???" sabi niya na seryosong nakatingin sakin
"Wala nvm" sabi ko na naglakad na ulitHindi niya maalala? sigurado naman ako na siya ang nagligtas sakin nun, pero bakit ganun? hay nakakainis na! ano ba talaga nangyayare?! ...mga nasa isipan ko
"Miss? san mo galing ang kwintas?" biglang tanong niya
"Bigay ng Lola ko" sagot ko
"Maganda ah" sabi niyaHindi ko namalayan na nasa harapan na pala ako ng bahay namin, bago pa ko pumasok tinignan ko ang lalaki at nakita siyang nakangiti
"Dyan ba ang bahay mo?" tanong niya
"Oo dito nga" sagot ko
"Okay sige pasok kana" ngiting sabi niya na naweirduhan ako sakanya
"O-okay sige ingat ka" sabi ko
"Nga pala anong pangalan mo?" tanong niya
"Mina, Myoui Mina ikaw ba?" sabi ko at hinihintay ang sagot niya"Yugyeom, Kim Yugyeom"
BINABASA MO ANG
"PANAGINIP" - michaeng
FanfictionIstorya ito kung saan palaging napapanaginipan nila Myoui Mina at Son Chaeyoung ang isa't isa pero kailan man ay hindi pa nagkikita sa totoong buhay. Pero umaasa parin sila na kahit isang araw ay magkita silang dalawa . "Hanggang panaginip nalang ba...