BOBBY UNIVERSITY SCHOOL
"Hi Chaeyoung! Goodmorning" tuwang bati ni Eunha na nakita niya ito naglalakad patungo sa classroom
"Goodmorning" sabi ni Chaeyoung na nagulat si Eunha
"Oh? binati mo ako?" gulat na tanong nito
"Ayaw mo?" sabi ni Chaeyoung
"Gu-gusto pero nakakapagtaka lang kasi" sabi ni Eunha
"Ang alin?" tanong ni Chaeyoung
"Hindi kana suplada sakin" tuwang sagot ni Eunha tsaka niya ito inakbayan"Anong ginagawa mo?" gulat na tanong ni Chaeyoung sakanya
"Sabay na tayong pumasok sa classroom" tuwang sabi ni Eunha
"Alisin mo nga kamay mo" inis na sabi ni Chaeyoung na hindi ito pinakinggan ni Eunha
"Hay ikaw talaga" inis pa na sabi nito na hinayaan niya nalang si Eunha at pumunta na sakanilang classroomTime Skip
Habang nagkaklasi na sina Chaeyoung nakatingin lang ito sa labas ng bintana na para bang malalim ang kanyang iniisip
Miss na miss nakita Mommy ...gusto na talaga kitang makita ..sa isip ni Chaeyoung na para bang maluluha na siya
"Chaeng? okay ka lang?" pabulong na tanong ni Jeongyeon sakanya
"Okay lang ako Unnie" ngiting pilit na sagot ni Chaeyoung tsaka na siya bumalik sa pakikinigPagkatapos ng kanilang klasi nag ayos na ng gamit ang magkakaibigan, napapadalas narin ang paghintay at paghatid ni Yugyeom kanila Chaeyoung at sa kaibigan niya
"Chaeyoung?" pagtawag ni Jihyo sakanya
"Bakit Unnie?" tanong nito
"Hindi kaba nagtataka kung bakit lagi tayong hinihintay ni Yugyeom?" tanong ni Jihyo na tumingin sila sa labas ng classroom
"Oo nga Chaeng nagtataka rin ako" dagdag pa ni Dahyun
"Baka may binabalak siyang masama satin?" sabi pa ni Sana
"Baka naman gusto niya ang isa satin?" biglang sabi ni Jeongyeon na tumingin sila lahat sakanya"Baka gusto niyang makipagkaibigan satin alam niyo naman lagi siyang nabubully" paliwanag ni Chaeyoung
"Alam ko rin na hindi masamang tao si Yugyeom sobrang bait, maalaga at mapagitindi siyang tao" seryosong dagdag pa nito
"Ohh~" manghang sabi ng mga kaibigan niya tsaka na sila lumabas ng classroom"Hi guys" tuwang bati ni Yugyeom sakanila
"Hello~" tuwang bati ni Sana
"Hatid kuna kayo" sabi pa ni YugyeomHabang naglalakad sila nasa likod sina Chaeyoung at Yugyeom sa harapan naman nila sina Jeongyeon, Jihyo,Sana at Dahyun kung saan nagkukwentuhan silang apat
Tahimik lang sina Chaeyoung hanggang sa biglang umilaw ang kwintas na nakita ito agad ni Yugyeom. Pagkailaw tinago agad ni Chaeyoung ang kwintas sa damit niya
Ano nanaman ba nangyayare?? bakit bigla nalang umilaw ang kwintas? ..tanong niya sa sarili niya
"Nga pala Yugyeom pasensya kana kung hindi tayo natuloy sa rides" sabi ni Chaeyoung
"Okay lang may next time pa naman diba?" tuwang sabi ni Yugyeom
"Oo naman basta yung wala tayong ginagawa" sabi ni ChaeyoungMaya maya pa bigla nalang nabunggo ni Chaeyoung ang nasa harapan niya dahil bigla nalang sila tumigil sa paglalakad
"Ouch!" paghawak ni Chaeyoung sa ulo niya dahil naguntugan sila ni Jihyo
"Sorry" sabi ni Jihyo
"Bakit kayo tumigil?" tanong ni Chaeyoung
"Na-narinig namin kayo na magrirides?" nahihiyang tanong ni Jihyo
"Ah yun ba, niyaya ko kasi siya na magrides nung bakasyon natin pero hindi natuloy dahil nagsleep over tayo sa bahay mo" sagot ni Chaeyoung
"Ganun ba ...ka-kailan pa kayo naging close?" tanong ni Jihyo
"Simula nung nagpartner kami sa task" sagot pa ni Chaeyoung
"So ...close nakayo?" tanong pa ni Sana
"Medyo" sagot ulit ni Chaeyoung
"Kailan niyan kayo aalis?" tanong pa ni Jeongyeon na naiirita na si Chaeyoung sa mga tanong ng mga kaibigan niya
"Hindi pa namin alam okay?" sagot naman ni Chaeyoung
"Pe-" magtatanong ulit sana si Dahyun pero inunahan na siya ni Chaeyoung
"Hay guys kung iniisip niyo nagdadate kami ni Yugyeom hindi totoo yun dahil kaibigan ko siya, kaibigan natin siya ...eh ano ngayon kung minsan lumabas kami? ganun din naman ginagawa natin diba?" inis na sabi ni Chaeyoung tsaka na naglakadHinabol siya agad ni Yugyeom at tinawag siya pero hindi ito lumilingon
"Ya! Chaeyoung-ah? sandali lang" paghawak ni Yugyeom sa balikat nito
"Bakit?" inis na tanong ni Chaeyoung
"Nagtatanong lang naman mga kaibigan mo,kaya wag mo silang pagsungitan" mainahon na sabi ni Yugyeom
"Bakit pa kasi nila kailangan magtanong ng ganun" inis na sabi pa nito
"Gusto lang nila akong makilala okaya naman gusto nilang malaman kung anong klasi akong kaibigan sayo" paliwanag ni YugyeomTumingin si Chaeyoung sakanyang mga kaibigan na hindi man lang umalis sakanilang pwesto. Nakita niya ang mga ito na malungkot kaya naman binalikan niya ang mga ito
"Pasensya na sa nangyare" pagyuko ni Chaeyoung
"Okay lang sanay nakami sayo" ngiting sabi ni Jeongyeon na niyakap siya
"Kahit pa pagsungitan mo kami ng paulit ulit kaibigan ka parin namin" tuwang sabi ni Dahyun na niyakap rin siya
"Okay lang na magkamali minsan" ngiting sabi ni Sana na niyakap rin siya
"Naiintindihan ka namin Chaeng pero sana ilugar mo rin ang pagiging masungit mo dahil hindi lahat ng tao natitiis ang ugali mo" seryosong sabi ni Jihyo
"Pasensya kana Unnie, hindi ko talaga gusto na ganito ako" sabi ni Chaeyoung
"Kahit na ganun mahal na mahal ka namin" tuwang sabi ni Jihyo na niyakap siya ng mahihpitSamantalang si Yugyeom pinagmamasdan niya lang ang magkakaibigan na nakangiti. Pagkahatid ni Yugyeom sa mga kaibigan ni Chaeyoung, nagpasya na muna itong yayain na si Chaeyoung na kumain
Habang naghahanap sila ng lugar kung saan pweding kumain nakita ni Chaeyoung ang isang maliit na store kung saan nagtitinda ito ng ice cream. Doon pumunta siya na sinundan siya ni Yugyeom
"Gusto mong kumain niyan?" tanong pa ni Yugyeom
"Yup favorite ko ang ice cream" ngiting sagot ni Chaeyoung habang tumitingin sa mga flavor ng ice cream
"Anong flavor ang gusto mo?" tanong ni Yugyeom sakanya
"Strawberry and Vanilla" sagot nito"Excuse me? isang order ng strawberry at vanilla ice cream, isa din pong order ng cookies and cream" pagorder ni Yugyeom
Maya maya pa binigay na nila ang kanilang ice cream at si Yugyeom ang nagbayad. Sobrang tuwang kumakain ng ice cream si Chaeyoung na para bang bumalik siya sa pagkabata
"Sandali Chaeng" biglang sabi ni Yugyeom na pinunasan siya sa labi
"A-anong ginagawa mo?" gulat na tanong nito
"May dumi ka kasi" sabi ni Yugyeom
"Oh ayan wala na" tuwang sabi pa ni Yugyeom at nagkatitigan ang dalawaIsang minuto ang lumipas nakaramdam ng pagkailang ang dawala sa isa't isa kaya naman naglakad na ang mga ito ng tahimik
Pagdating sa bahay nila Chaeyoung ganun parin sila na tahimik at naiilang sa isa't isa
"Sige na mag iingat ka salamat sa paghatid" sabi ni Chaeyoung
"A-ahm, okay sige ba-babye" nauutal na sabi ni Yugyeom tsaka na umalis
BINABASA MO ANG
"PANAGINIP" - michaeng
FanfictionIstorya ito kung saan palaging napapanaginipan nila Myoui Mina at Son Chaeyoung ang isa't isa pero kailan man ay hindi pa nagkikita sa totoong buhay. Pero umaasa parin sila na kahit isang araw ay magkita silang dalawa . "Hanggang panaginip nalang ba...