Chapter 1
“Hindi ko tinatangkilik ang opinyon ng mga taong walang kredibilidad. Mas uunahin ko pa ang magbasa ng mga libro kaysa ang makinig at mag-aksaya ng atensiyon sa mga taong puro basura ang lumalabas sa bibig,” nakangiting wika ni Faye sa kausap na si Annette. Nasa Espresso Cafe silang dalawa dahil katatapos lang ng kasong hinawakan ni Faye. Bilang kaibigan at kasama sa trabaho ay sinusuportahan lang siya ni Annette sa pagkakapanalo sa kasong hinawakan niya. Isa kasing Trial Lawyer si Faye, pareho sila ng trabaho ni Annette pero mas bihasa naman ang isa sa Family at Divorce.
“Chillax ka lang Attorney, bakit ba palagi nalang ang init ng ulo mo pag napag-uusapan na natin si Iyan?” natatawang sagot ni Annette. Naka-head to head kasing minsan ni Faye si Iyan na kilala bilang isang batikang abogado sa panahon ngayon. Hindi niya nagustuhan ang ugali ng lalake dahil nagpakita na kaagad ito ng kapreskuhan sa kanya bago pa man magsimula ang paglilitis. Nang maipataw ang hatol ng huwes sa kaso at itanghal na panalo ang kampo ni Faye ay nakatanggap pa siya ng side comment mula kay Iyan.
Huwag kang masyadong magsaya, sinuwerte ka lang… Iyon ang mga salitang tumimo sa isipan ni Faye pagdating kay Iyan kaya kahit anong mangyari ay hindi niya ito binabati o nginingitian man lang kapag nagkakasalubong sila sa lobby ng Supreme Court. Bilang isa sa mga magagaling na abugada sa kumpanya nila, nasaling ang pride ni Faye nang marinig mula kay Iyan ang salitang ‘swerte’, hindi kasi siya naniniwala sa salitang iyon lalu na at pinaghihirapan niya ang kasong hinahawakan niya makapaghatid lang ng hustisya sa kanyang kliyente.
“Hoy! Natulala ka na diyan Attorney!” tapik ni Annette sa kanya.
Pasimpleng kinurot ni Faye ang pisngi para bumalik sa kasalukuyan ang kanyang isipan. “Hay naku. Kumukulo kasi ang dugo ko kapag naaalala ko ang lalakeng iyon. Kahit ang hitsura niya kinaiinisan ko sa totoo lang.”
“Matagal nang panahon na nangyari iyon, hindi ka pa rin ba nakakamove-on?” nakataas ang kilay na tanong ni Annette.
Umiling siya. “There’s something about that guy that irritates me.”
“Uy ha, hindi ba’t sabi nila there’s just a thin line between love and hate? Baka kung ano na iyan.”
Matamis na ngiti ang isinagot ni Faye sa kaibigan. “Thin line ba kamo? Oo, I call it insanity,” sagot niya. “Mas gugustuhin ko nang mabaliw sanhi ng ibang bagay kaysa ang mabaliw sa lalakeng iyon.”
Natatawang umiling si Annette bago siya tinampal sa braso. “ Lukaret ka talaga Attorney! Eh hindi ba’t pareho lang iyon? Nabaliw ka rin, meaning to say, hindi mo alam ang dahilan ng pagkabaliw mo kapag nagkataon. It might be Iyan, it might be not. Who knows.”
“Tama, kaya kung ayaw mong mabaliw ng dahil sa kanya, ibahin nalang natin ang topic. Puwede?”
“So inaamin mong nababaliw ka na nga sa kanya kaya nagkakaganyan ka?”
Nanlaki ang mga mata ni Faye. “What? Wala akong sinasabing nababaliw na ako dahil sa lalakeng iyon!”
BINABASA MO ANG
Unfaithfully Yours
RomanceTwo great lawyers once met and clashed inside the courtroom.... But will their hearts also clash while their love for each other starts to make it's presence known not only to their friends but to their clients too? Unfaithfully Yours speaks about...