CHAPTER 8

2 0 0
                                    


Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, organizations, places, events, locales and incidents are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons; living or dead, or actual events are purely coincidental.

A/N: This story contains typographical ang grammatical errors. This is not edited. Mayad nga gab-i. Pangabuhi mayad =)

"Uyyy. Mauna na ako ha?" maga-alas kwatro na kasi at pagod na ako kakalaro.

"Uuwi ka na agad?" tumango ako kay Homer kahit na ang totoo ay hindi naman talaga ako uuwi. Pupunta ako kila Tita Aryan to check Silver and to bring him foods.

"Ihahatid na kita."

"No!" biglaang pagtanggi ko, "I can manage, hehe." Bawi ko sa para naman hindi ako magmukhang kahinahinala.

Kampante na akong lumalakad papalabas sa kanto nila Justine. Akala ko klaro na sa kanila na aalis na ako at hindi na ako magpapahatid, pero laking gulat ko nalang nang biglaang sumulpot sa likod ko si Anton.

"Hey," hinila niya ang braso ko pero agad ko din iyong binawi. "Wait me here, kukunin ko lang ang sasakyan ko."

"No," dalidali kong tutol saka siya tinapik sa braso. "I'm good. Balik ka na doon." Ningitian ko siya saka sinenyasan na bumalik nalang.

"wag ngang matigas ang ulo mo." Ngumisi ako sa kaniya na parang nangungutya.

"Bumalik ka na kasi! Ikaw ang wag matigas ang ulo." Saka ko siya tinawan at sinenyasan ulit na umalis na.

Napakamot pa siya sa ulo saka umiling-iling. Padabog siyang tumalikod sa akin saka lumakad pabalik kila Justine. Nang masigurado kong wala na siya ay tinahak ko ang daan papuntang hypermart.

Kumukuha ako ng pringle nang mahagilap ng mata ko si Francesia; an old friend from my past. Isang metro lang ang layo namin kaya naman tinulak ko ang cart ko papalapit sa kaniya.

Tumingin siya sa gawi ko at kitang kita ko ang pakagulat sa mukha niya. NApakurapkurap pa siya saka napayuko at saka tatalikod sana pero hinawakan ko ang braso niya.

"H-hey," nahihiya niyang sabi sa akin nang makaharap siya sa akin. "y-you l-look fine." Nauutal niyang sagot. I smiled at her to lessen the tension.

"I do. Ikaw? You still work there?" tumango lang siya saka hinawi ang buhok.

"Im so sorry Chan, hindi ko talaga alam kung anong iaasta ko ngayon." Bahagya pa siyang napatawa na may halong hiya. I can feel that she's tensed dahil nanginginig ang boses niya.

"It's fine Fran-"

"Its not FINE Chan. I ruined your life, walang ayos doon." Umiling ako sa sinabi niya.

"Come on. Wala kang kasalanan dito. I made the decision kaya wala kang dapat na ika-guilty." I tapped her shoulder kaya naman napabuga siya ng marahan, "You still smoke." Napatawa pa ako dahil amoy mint ng sigarilyo ang hangin na lumabas sa baba niya. Bahagya din siyang napatawa.

"You stopped?" tumango ako sa tanong niyang yun. "Ayos yan, bagong bago."

Sabay kaming bumili ni France. We catched up with each other, its just a simple conversation pero madami akong nakuhang impormasyon sa kanya. I also told her how my life changed when we went abroad for my recovery. She even told me na ihahatid niya ako sa bahay but I refused.

Nagdoorbell ako sa pintuan nila Tita Aryan dala-dala ang plastic na may lamang mga pagkain. Ilang Segundo lang aybinuksan ito ni manang. She was wearing a big smile and she's not even surprised that I visited them.

Chasing Dreams//On-Going(Slowed Down)Where stories live. Discover now