1. First Encounter

8 0 0
                                    


1. FIRST ENCOUNTER

JAKE

"Jake honey, yung baon mo!" I turned and frown when I saw my mom na nagmamadali na makalapit sa akin habang papasakay na ako ng kotse.

"Mom, you don't have to do this anymore." I told her but to my surprise bigla niya akong binatukan. What the! Magrereklamo sana ako nang iginiit niya sa dibdib ko ang dala niyang lunch box.

"Ako ang kausap mo kaya magtagalog ka!" she hissed, nanlalaki pa ang mga butas ng ilong. "At isa pa, kahit na college ka na ngayon, baby pa rin kita." She patted my head and kiss me on my cheek. I sighed at saka niyakap ang mom ko at hinalikan sa noo.

"Okay mom, sorry. I'll go now, malelate na po ako." Sabi ko pero nagulat ulit ako ng binatukan na naman niya ako. What the hell! Nilambing ko naman na siya di ba?

"Sinabing h'wag mag...Tsk! Sige na, ingat ka. Dahan-dahan lang sa pagmamaneho ha. I love you baby big boy kooohuhuhu.." Sabi niya na niyakap ako at hinimas ulit ako sa ulo. Jeez, minsan talaga tinatanong ko sa buhay kong hiram kung nanay ko ba talaga si Kristel Dale Shunga Salvador. I mean, she's a cool mom for me and I love her so much, pero minsan talaga di ko maiwasan na maisip na may aning aning ang nanay ko.

I nod at saka sumakay na sa kotse na binili sakin ni dad after ng High School graduation namin. This is my reward for being an honor student. Medyo inaway pa siya ng mom dahil baka daw kung saan saan lang ako gumala at mabarka sa mali. Hmm.. But at the end na-convince din namin si mommy, on one condition, 7pm sharp ang curfew ko. *blank expression. Nag-aral ako nung vacation magdrive, and now from student's license to non-pro. Next time yung pro.

Habang papasok ako ng University ay hindi ko maiwasan na mapangiti nang mabasa ko ang malalaking letra na nakasulat sa arko which is, BONGGA UNIVERSITY. I heard a lot of good feedbacks about this University kaya nagkainteres din ako, besides this University is one of the famous. Hindi naman ako mahilig sa famous, but one reason is I want to see what my parents experienced in this University. Dito rin kasi sila nag-aral at nagkakilala ayon sa kwento nila.

I parked my car at the parking lot. Pagbaba ko sinalubong ako ng best friend kong si Troy na ikinagulat ko.

"Hey buddy! Surprise!" sabi nitong inakbayan ako. Tinanggal ko naman ang pagkakaakbay niya dahil naiinitan ako.

"Why are you here?" tanong ko habang naglakad na at sumunod naman siya sakin.

"Told yah." Sabi nito pero napakunot ako dahil hindi ko matandaan kung kelan niya sakin sinabi na dito sya mag-aaral. Ang sabi niya kasi sakin ay isinasama siya ng mom niya sa US para doon na mag-aral.

"Hmp. I called you last night right?" he said. Napaisip ako pero wala akong matandaan na tumawag siya sakin.

"Yeah." Sagot ko para matapos nalang.

"You're not happy?" tanong pa niya na nagpout. He's always like that, acting like a girl, pero babaero yan, habulin ng mga babae.

"Tsk! Shut up, Troy." Tumahimik naman siya, alam niya kasing once I said enough, it's enough. Ayaw ko ng makulit at paulit-ulit. Sapat na yung mom ko sakin na makulit.

Habang pinag-aaralan namin ni Troy ang mga building ay may bumangga sa akin sa dibdib. Napayuko ako ng konti, and when I did that, I smelled a strawberry mixed shampoo. When she lifted her face, nagtama ang mga mata namin.

"So-sorry. Sorry talaga." Sabi nito. I don't know her but I felt that I knew her. Ewan ko, she looks familiar.

"Look where you're going." I told her at saka siya nilampasan.

"Yabang." Narinig kong sabi nito. Tsk! Anong mayabang sa sinabi ko? Ang alam ko, nagpaalala lang ako.

"Hey, miss...? He's not mayabang, he's a good looking guy right?" si Troy na hindi pala sumunod sa akin at kinausap ang babae.

"Of course not!" she hissed.

"Weh? Then why are you blushing?" says Troy. Haay..Tsk! The girl look pissed and I called Troy na agad naman lumapit sakin. Bago ako tumalikod ay muli kong tiningnan ang babae then I smirked.

CHINIE

Since it's my first day in College life ay maaga akong nagpahatid kay daddy sa University para malibot ko ang lugar. Ayaw pa nga ng mommy dahil baka daw may makakilala sa akin at pagkaguluhan. But I told my mom na huwag siyang mag-alala dahil iba naman ang itsura ko on the camera at ang itsura ko kapag normal lang ako. And besides, hindi naman ako ganon kasikat.

Wearing a fake glasses, no make-up and a pigtail hair style ay feel na feel ko na isa lang akong normal na studyante. Unlike the other side ni Chinie na ayos-na ayos, fashionable sa mga teen magazines. Mas gusto ko ang ganito, yung malaya kang nakakagalaw kahit magtumbling ka pa dyan.

Nalibang ako kalilibot sa napakalaking University kaya nagmadali na ako na hanapin kung saan ang Building ng department ko. Kakamadali ko ay hindi ko napansin na nakabangga na pala ako ng tao. Nang mag-angat ako ng ulo ay medyo napatingala ako dahil matangkad ito sakin at nakita ko ang isang lalaki na may maamo, yet nagmumukha siyang parang suplado dahil sa medyo pagkakasingkit ng kanyang mata. Nagkasalubong ang mga tingin namin but I don't read kung ano ang nasa isip niya, kaya agad akong humingi ng pasensya.

Nagsorry ako sa kanya pero sinungitan lang ako. Nilambingan ko paman din yung pagkakasabi ko tapos tatarayan ako ng lalaking 'to! Yabang.

Habang nakatingin ako sa likod ng mayabang na lalaki ay may humarang sa mukha ko na isang lalaki. "Hey, miss...? He's not mayabang, he's a good looking guy right?" sabi nito. Katulad ng lalaking mayabang ay matangkad rin ito at sige na nga, gwapo na sila. Tss. Namula ako sa hiya dahil nasabi ko pala ng malakas ang nasa isip ko then I answered him. Denying that that boy is a good looking. Bakit ako aamin?!

"Weh? Then why are you blushing?" sabi nito. Magpoprotesta pa sana ako nang tawagin siya ng lalaki at agad naman siyang sumunod. Nagkatinginan ulit kami nung lalaking nakabangga ko nang magsmirked ito bago tumalikod at lumayas.

Aba! Tssh! Tse ka rin! Wish ko lang hindi ko na makasalubong kahit kailan yung dalawang 'yon!

Note: How's the chap 1? Pls comment and like, then follow. Thank you!

-SharePinkMOvesx II

Ang Kwento ng Tanga Seson 3Where stories live. Discover now