3. Daddy meets my friends

4 0 0
                                    


3. Daddy meets my friends.

Natapos ang unang araw, sinundo ako ng daddy at pagkarating ko ng bahay ay agad akong nahiga sa kama ko. Haiist. Paikot ikot akong gumulong-gulong sa kama dahil maghapon na hindi nawala sa isip ko ang mga ngiti ni Jake. My gass! I think I'm out of my mind! I mean, he's mayabang pero parang hindi naman pala, tahimik lang siya at bihirang magsalita pero, ewan ko kung 'yon nga talaga siya. I think I want to know him more! Aisssh! Ginulo gulo ko ang buhok na akto namang pagpasok ni nana Ester.

"Hija, bumaba ka raw at kakain na." sabi niya sakin, tiningnan pa niya habang iiling-iling bago ito lumabas. Aiiish! Akala siguro nasisiraan na ako ng bait!

Habang nagdi-dinner kami ay kinamusta ako ng mommy tungkol sa unang araw ng pagpasok ko then after that, ang pinag-uusapan na namin ay tungkol sa schedule ng susunod na magiging pictorial ko. Haaist.

Pagkatapos kumain ay pinuntahan ko si daddy sa garden habang nagkakape. "Daddy." Tawag ko sa kanya pero hindi niya ko pinansin.

"Daddy." ulit ko pero wala pa rin kaya kumandong ako sa kanya dahilan para mapa-shit siya.

"Shit! Tsk!" expression niya na talaga yan kapag nagugulat siya. TSs.

"Kanina pa kita tinatawag, daddy. Ano ba kasing iniisip mo?" tanong ko. Tumayo ako at lumipat naupo sa upuan.

"Nothing. I just....nothing." sabi lang nito at saka nagbuntong hininga. Nagkibit-balikat ako at saka nagkwento tungkol sa karanasan ko kanina sa school. Pati na yung lalaking naencounter ko ngayong araw at ang bago kong friend na si Dea.

Ganito kami ng dad, siya ang mas nakukwentuhan ko ng mga nangyayari sa akin kaysa sa mom ko na mahilig magshopping, magpaganda, etc. Ewan ko ba don, pati ako eh dinadamay niya. Si mommy nga ang nagpasok sa akin na maging model sa isang magazine. Which is fine with me dahil nag-e-enjoy rin naman ako, but meron time na feeling ko, gusto ko mag-break at huminga ng malalim.

"Angel, kung may poporma sayo, iuwi mo agad dito sa bahay, o kaya ituro mo sakin bukas kung sino yang lalaking kinukwento mo." Sabi ni daddy sa medyo nakakatakot na tono but his expression is blank. Haiist.

"Yeah, fine." I answered, daddy knows best kasi para sa akin. Don't get me wrong, I love my mom but I think mas attached ako kay daddy.

"Ah, daddy. Hindi mo pa ba ako ibibili ng ca....."

"No." sagot nito agad kahit hindi pa ako tapos magsalita.

"No?" i said in disbelief. Gusto kong ihatid ako ni daddy palagi sa school, but thinking na baka naabala ko siya o baka napapagod siya sa paghatid-sundo sakin ay gusto kong matuto na magmaneho para sa sarili ko. Pwede din naman na sa driver nalang niya ako ipahatid at ipasundo, ayaw naman niya.

"Not yet." Bawi nito, so may pag-asa pa ako. Gusto ko rin naman magkaroon ng sariling kotse para syempre, makapunta ako sa gusto kong puntahan.

Kinabukaan ay hinatid ulit ako ng daddy, nagulat ako ng mag-parked sya sa parking lot ng campus at bumaba.

"Why, daddy?" tanong ko. He looked at me expressionless at nagets ko kung ano ang ibig niyang sabihin.

"My God, daddy nakakahiya! We're not even friends! Kakakilala lang naming kahapon, remember?" mahina kong sabi yet it sounds like panicking. Eh pano naman kasi, nakakahiya! Kahapon ko lang nakita at nakilala sina Dea, Troy at Jake tapos gustong i-meet agad ni daddy. My gass!

"But..." hindi pa natapos magsalita si daddy nang may tumawag sa akin.

"Chinie! Hi!" si Dea na nagwave sakin. Napatingin siya sa daddy ko at lumapit samin.

"Hello po. I'm Dea, Chinie's friend." Pakilala niya sa dad. Iba talaga 'tong si Dea eh, but I like her for being jolly, sige na nga talaga , friend na kami. Mukha namang hindi siya plastic katulad nalang ng mga naging friend ko nung High School na bina-back stab ako. Hmp!

"Hey! Good morning ladies and...." Si Troy na kabababa lang ng kotse niya katapat ng pinarkingan ni namin at natigilan ito ng makita ang daddy.

Dea wave at Troy, while daddy gestured to Troy na lumapit ito samin at lumapit naman ito.

Tumango ang daddy kay Troy, nararamdaman ko naman ang aura ni dad na nakapalibot sa kanya at sa tingin ko ay ramdam rin ito ni Troy kaya umayos ito ng tindg at formal na nagpakilala.

"Troy Canlas po, friend ni Chinie and Andrea." Sabi nito. My gass! Friend friend na pala kami ngayon!

Tumango tango ang dad nang may isa pang pumarada na black na kotse sa katabi lang namin at iniluwa naman nito si Jake. My gass! Ano ba ito? May nananadya ba?!

Clueless na bumaba ito sa sasakyan na para bang wala kami rito. Kung hindi pa siya binati ni Troy ay hindi kami mapapansin.

"Ahh, this is Jake, daddy. F-friend ko rin." Lintik na yan! Nautal pa ko sa harap ng daddy ko! Siete!

Tumingin sa akin ang dad habang nakasalubong ang mga kilay. Gass! Nabigla ako! Aaminin ko na nabigla ako at kinabahan nang makita ko si Jake, bakit?! Bakit?!

"Friend?" tanong ni daddy na sa akin nakatingin.

"Yes, daddy...friend... they are my friend." Sabi kong kinalabit kalabit si Jake na malapit sakin na katabi si Troy. Patapangan na 'to ng hiya!

"Friend?" this time ay si Jake naman ang tinanong niya at pasimple kong binawi ang kamay kong pinangkalabit kay Jake. Parehas blangko ang mga itsura nila kaya di ko alam kung nakuha ba ni Jake ang hangin sa paligid namin.

"No, old man." Sabi ni Jake sa daddy at pagkatapos ay tumingin sa akin at saka tumalikod paalis.

Parang may cold air na dumaan sa pagitan naming apat na naiwan. Si Dea ay napanganga at si Troy naman ay magalang na nagpaalam at sinundan agad si Jake. Si Dea ay nagpaalam na rin ng maramdaman siguro niya ang maitim na aura na pumapalibot sa daddy ko. Kaya ang ending, kaming dalawa ni daddy ang naiwan. My gass!

"I'm going, angel." Sabi ng daddy. Pagkatapos nitong humalik sa noo ko ay sumakay na ito sa sasakyan at pinaandar. Hindi ko nabasa ang nasa isip ni dad ng umalis siya at hindi niya hinintay ang paliwanag ko. Gass! Ano namang ipapaliwang ko?! The hell is wrong with Jake? Hindi daw kami friend? Eh di h'wag! Panget!

...

Note: multimediaJake, when answering "No" to daddy Von. ;)

Comment naman dyan po oh.. at paki like.hehe. May maligaw sana na mga readers dito ng season 1 &2.. ^^

-SharePinkMovesx II

Ang Kwento ng Tanga Seson 3Where stories live. Discover now