CHAPTER 6 (He's so Mysterious)

21 0 0
                                    

Siete...

Nandito ako ngayon sa harap ng office ni Sir Pieere, Ayoko talaga maging model. Nakakabwisit!!!

Kung diko lang boss yun, makakatikim sakin yun eh. Kung sabagay si Ms. Panio naman boss ko pero tinarayan ko. Eh magkaiba naman ang sitwasyon eh.

"Miss, is Mr. Pieere available at this moment?" Tanong ko dun sa secretary nya. Medyo matanda na ang secretary nya. Siguro nasa mid 30 na to.

"No Ma'am, may tao po sa loob ehh, pero tawagan ko lang sya ano pong name nyo? Importanate po ba?" Magalang na sabi ng secretary nya.

"Carla po. Medyo importante nga po eh. Sige po Thanks." Ayoko na ipagpabukas o mamaya tong pagtanggi ko sa kanya, ayoko nga maging model, di naman yun ang pinunta kong trabaho sa company na'to.

"Sir...Ms. Carla is here and she wants to talk to you. She says it's urgent....hMmm Yes Sir. Ok.." kausap nya si Reece sa telepono.

"Ms. Carla, pasok na daw kayo." Nakangiting sabi ng secretary nya.

Buti naman at may oras si Sir Pieere ngayon.

"Thank you hah." Ngumiti ako at tuluyan ng pumasok.

Pagpasok ko, nakita ko si Ms. Panio na nakangisi.

Hay naku ang nakakabwisit nyang pagmumuka ang bumungad sakin.

"Ms. Torres, you may take your sit." Habang tinuturo nya ang sit na nasa harap nya na bandang kanan.

"Thanks." Sabi ko sabay upo ng dahan dahan.

"It's good that you came here, I'll straight to the point, Ano ang nirereklamo ni Ms. Panio na hindi mo daw sya ginagalang as your supervisor?" Ahhhhh..kaya naman pala nandito tong alamid na'to dahil dun, nagsumbong sya. As if naman takot ako.

Di pa man ako nakakasagot, nagsalita na ang alamid.

"That's true sir, that lady didn't know how to respect me, to think that I am her supervisor. She's rude and---" di ko na sya pinatapos.

"Ohh what did you say? I'm rude? Well, to tell you honestly, Yes I am,,it depends to whom i'm dealing with. Isn't it rude to answer even if you're not asked. Sir Pieere's asking me. right sir?" nakakainis to akala ata nya, aatrasan ko sya porket nandito sa harap ng GM ng CC.

Siguro yung iba sa inyo, iniisip na wala sa lugar ang kamalditahan ko, na kahit kaharap ang Boss namin ehh ganito ako. Basta ako, bwisit sa babaeng to. Saka baka pag nalaman ni Sir Pieere na ganito ako ehh iurong nya ung pagkuha sakin bilang model.

"Yes Ms. Torres, you can speak now, explain your side." Sabi ni Reece.

Napaismid na lang ang alamid na yun.

Alam nyo ba ung alamid? pusang bundok yun. Yun lang gusto ko itawag sa kanya ehh. Kanya kanyang trip lang.

"Sir kung yung sinasabi nya po ehh yung pagtataray ko sa kanya sa Parking Lot kahapon, ehh totoo po yun. Pero She just pulled my trigger, that's why i exploded. Not to mention those useless errands i did for her, during work time, it's like i'm her personal slave." nakakairita talaga pag naaalala ko yung katangahan na pagsunod ko sa kanya.

"So, masama ba utusan kita ehh supervisor mo ko." nakukulele na tenga ko sa pagsabi nya na SV ko sya. Alam ko naman yun ehh.

"No MAM..Pero yung maya't maya at kahit walang ginagawa ang mga kasama ko at ako na busyng busy sa pagbuo ng concept para sa gagawing advertisements sa new products natin eh iba na. Like yung pagpapa photo copy halos kada 2 hours (Oo ganyan sya..bwisit) Tapos, pagbigay ng mga reports kung kani kanino. At pati pag-order ng pagkain nyo. Dinaig ko pa nga ang runner ehh."

Thanks for the Heart Break (ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon