CHAPTER 5 (My Fierce Side)

23 1 0
                                    

Lunes ngayon at sa tingin ko, magiging nakakailang na araw para samin ni Z ito simula nung sabado na hinatid nya ako pauwi. Naging pala-isipan sakin yung mga nasbi nya. 

Z..ano ba talaga magiging papel mo sa buhay ko?

Sa tingin ko, hindi na lang basta paghanga tong nararamdaman ko para sayo, pero ayoko muna sabihin. Ayoko mag-conclude sa mga bagay na di pa naman ako sigurado.

Starting this day, di na kami gagamit ni Via ng iisang kotse. napagkasunduan namin na gumamit na ng kanya kanya naming kotse, kasi mag oovertime na sya, masyadon syang maraming ginagawa, ako din naman ganon.

I'm busy. Sakin kasi nakaassign ang paghahanap ng bagong model para sa advertisement ng susunod naming product. Nasabi ko na ba sa inyo na ang CC ay isa sa mga leading Company para sa mga girl's stuffs. Yes, girl's stuffs like cosmetics. May gawa din kaming mga damit pero we're into make-ups talaga. Nakakapagtaka na ganito ang product namin diba? Pero tinayo daw ito para regalo ng owner sa asawa nya.

Busy kami lahat, may kanya kanya kaming toka. At ito nga ang napunta sakin, gaya ng ginagawa ng iba nagpa audition din ako, makakasama ko si Ms. Panio para dun. Nasa akin na din ang profile ng mga mag ttry mag audition.Bukas ang screening.

Busy lang ako sa pagkilatis ng mga profile ng mga sasali.

Diko na namalayan na lunch na pala.

Sigurado naman ako na sabay kami ni Z. Simula nung 1st week ko dito sabay kami. Kaya kahit naiilang ako, yayain ko na sya, gutom na din naman ako ehh.

Paglingon ko sa tabi ko which is yung pwesto ni Z. Aba at wala na, dina ata ako hinintay, sana sinabi nya. tsk.

No choice ako, kakain ako mag-isa nito.

Nakakailang hakbang palang ako.

"Uhy Zane, are you going to cafeteria?" Napalingon ako, nakita ko si Z at si Ms. Padio. kakarating lang ata ni Z sa area nya,.

"Ah yes ma'am, why?" Si Z di man lang ata ako nakita.

"Can I go with you?" Aba at, ako ang kasabay ni Z no.

"Sure Ma'am. Wala naman po akong kasabay kapag lunch." hah? ano daw>? ehh ano pala ako?

"That's great." naglakad na sila palayo ni hindi man lang ako niyaya ni Z.

Anong nangyari kay Z? Bakit nya ako iniiwasan? Napano yung lalaking un?

Nakakainis. pero wala akong panahon mainis sa kanya.

kakain na lang ako.

Pagkatapos ko kumain. Bumalik na agad  ako sa pwesto ko. Masyado pa kong maraming gagawin.

Napansin ko lang, hindi ko masyadong nakikita si Z, Ni hindi ata umuupo sa cubicle nya. anong meron? Iniiwasan ba nya ko? ano namang nagawa ko sa kanya?

Mamaya pag balik nya, kakausapin ko sya.

Oo ako na unang mag-aaproach sa kanya.

Wala akong nakakasama dito sa trabaho bukod kay Via kundi sya, ayoko namang laging awkward ang sitwasyon kapag kaharap sya.

Natapos ko na yung ginagawa ko pero wala pa din sya. Asan kaya yun. Wala naman akong gagawin pa kaya magiikot ikot muna ako.

Ah alam ko na,  bibili na lang ako ng hot choco sa vending machine sa labas ng office.

Naghulog na'ko ng barya. Teka? bakit ayaw pa lumabas?

nakakapagtaka naman. Haru mukang alam ko na. Kinain ng machine. kulang pa ng limang piso, kahit sakto naman yung ininsert ko na coins.

Thanks for the Heart Break (ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon