CHAPTER 2 (Can't Take My Eyes Of Him)

51 1 0
                                    

Sasabihin ko na kay Via ang mga nararamdaman ko, waaaahhhh puputok na ang dibdib ko, anlakas ng kabog. I like him na talaga..to think na magka department kami at magkatabi pa ng cubicle.

Lunch break.

Pupunta na ako sa cafeteria. Hinahanap ko si Via. Wala pa siya dito ah..

*vibrate* *vibrate*

Ano bay an..muntik na’ko atakihin. Nakakagulat naman ‘tong cellphone ko. Sino kayang nagtext?

From Bhezt:

Di muna ako makakasabay bhezt. Dami pa pinapagawa sakin at di pa ako tapos. Eat well huh.

Aba at nakakapag text pa ang bruha.

Gutom na ko. Oorder na nga ako at gutom na ang anaconda ko sa tiyan.

Uupo na’ko ng biglang may nagsalita sa likod ko.

At muntik ko ng mataob ang tray na hawak ko sa pagkabila.

“Franz, pwede ka bang makasabay sa pagkain?”

UMAYGAD..!!! hindi ako maaaring magkamali..iisa lang ang may  nagmamay-ari ng napakagandang boses sa aking pandinig. Unti unti akong humarap sa nagsalita at siya nga. Ang aking pinapangarap, nakangiti sya sakin.

“ah eh..oo ba. Wala din naman ako kasabay eh.” Akalain mong nakasagot pa ako ng maayos sa tanong niya.

Ngumiti sya ulit at kinuha ang tray na dala ko. Pinatong niya yun sa lamesa.

“hmm Franz..tara na, upo ka na.” ano ba yan? Di ba nagsasawa ang lalaking ito sa pag ngiti? Lalo akong nahuhumaling ehh.

“ahhy oo..oo uupo na nga.” Nakatayo pa pala ako, masyado ko siya pinapantasya.

Diko namalayan.

Kumakain lang ako ng tahimik. Msyadong occupied ang utak ko ng mga plano ko para sa aming dalawa? Hah? Ano ba naiisip ko.

Delete delete!!

“Franz, bakit ka umiiling? Di ba masarap ung pagkain?” ahhy umiiling ba ko?haru!!diko na namalayan un ahh..kakahiya naman.

“ahh ehh..wa-wala..may naalala lang..hehehe” *fake smile*

“mind to share?” hala at nagtanong pa siya, baka pag sinabi ko na siya ang iniisip ko eh maturn off siya.

“ahh wala yun.” Nakakahiya. Sinubo ko na lang yung sandwich ko.

Tapos na kami kumain.

Nagbubukas na’ko ng chocolate ko ,Hershey may favorite…hmmm yummy. Hindi pwedeng hindi ako kakain nito araw araw. Laging may laman ang bag ko nito.

Naalala ko pa nung college na nawala yung Hershey sa bag ko. Talagang iniyakan ko yun.

Ang OA ba? Ehh eto ang favorite ko at energy booster ko eh.

Nagulat ako nung pagtingin ko sa kanya. Nagbubukas din siya ng chocolate at Hershey din. Nagningning ang mga mata ko.

Napansin niya siguro na nakatingin ako sa kanya.

“Uhy. May chocolate ka din? At Hershey pa.” ngiting ngiti na naman siya ohh.

“ah-eh. Oo. Naku di kumpleto ang araw ko pag wala nito, saka ito kasi ang favorite ko. Dapat araw araw ako kumakain nito. Pero minsan yung ibang brand naman ang kinakain ko.” Tuloy tuloy ko yan sinabi.

Humagihik siya ng mahina. “nakakatuwa ka naman.”

“Ahy pasensya na. masyado ata akong madaldal.” Anu ba naman yan. Baka nadadaldalan siya sakin. Asar naman ohh..!

Thanks for the Heart Break (ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon