Ang matawag o mabansagang "Macho" ay maituturing na "pride" ng isang lalake.
Noong unang panahon, kapag ang isang lalake ay macho o matipuno, ginagawa syang lider ng isang grupo. Kaya naman walang kahirap hirap na kumuha ng magiging asawa ang isang lalakeng macho noon. Halos mabali ang leeg ng mga kababaihan kapag nakakakita ng macho at tiyak na pinagpapantasyahan nila ito. Gayunman, hindi lahat ng lalaki ay matatawag na macho o makisig kahit pa malaki ang kanyang pangangatawan.
Paano nga ba maging macho? Narito ang ilang tips para makitaan ng pagiging macho..
Pagpapapogi. Ang mga lalakeng malinis sa pangangatawan ay hindi nakakalimutan magpapogi. Pero hindi naman ibig sabihin nun ay dapat na nating ubusin ang maghapon sa harap ng salamin. Ibig sabihin ng nito, kailangan mong mag-ahit ng bigote, maging mabango at maging malinis sa katawan.
Haircut. Iwasang magpahaba ng buhok kung hindi naman bagay sayo. Magkaron ng haircut na bagay sa personalidad mo.
Huwag maging mayabang. Kung gusto mo talagang maging macho, dapat na maging mabait o may gandang asal ka din. Kung uma-attitude ka o hindi magandang pag uugali, iwsang ipakita ito sa publiko. Posibleng matawag na arogante at kainisan ng mga babae. Tsk. Minus pogi points. Maging " smart", magalang at manatiling gentleman sa lhat ng oras.
Malusog na pangangatawan. May macho bang sakitin? Sino? Si Johnny Bravo?
Hindi naman kailangan malaki ang maskels mo, sapat na yung hindi ka palagiang dalahin sa ospital. Mag exercise. Healthy diet. At huwag kalimutang uminom ng *insert supplement brand name here*.
Be dominant. Hindi naman ibig sabihin nun magiging bastos ka na. Dapat lang na maging dominante ka sa inyong date. For example, ikaw ang dapat na unang kumuha ng menu at paorderin ang babaeng ka-date. Shempre ikaw din dapat ang magbabayad.
A/N: Hindi naman ibig sabihin ng pagiging macho e dapat malaki na katawan mo o palagi kang laman ng gym. Cause to tell you the truth, nag evolve na ang mga kalalakihan over the passed few years. Karamihan samin, naligaw na palayo sa TUWID NA DAAN. Nag gygym nadin ang mga beks. Duhh!?
May ikekwento akong fanneh fanneh beri. XD
Papunta po akong Baclaran from Moa to meet someone samwer ober der. XD Nakasakay ako sa jeep. Dun sa dulo para makababa ako agad. Sa katabi ko, may dalawang lalakeng maganda katawan na nag uusap. Bulungan sila. Hahaha. Hanggang sa napuno na yung jeep. Sa opposing seat naming tatlo, may teenage mutant Sirena na kulang nalang maglaway at sakmalin yung dalawang lalake sa harap nya. Tas nakita ko nagblush si ateng. I dunno why. Tas tinignan ko yung katabi kong lalake. Nilabas nya dila nya para basain labi nya habang nakatingin dun sa bading. Tapos umandar na yung jeep. Si ateng kulang nalang sumabog sa sobrang kilig. Yun pala kinikindatan ng katabi ko. Hanggang sa...
Bading: bayad po. Isang Baclaran. *smile kay pogi*
(ano? magmomotel na kayo?)
tas nakita ko kumuha ng pera sa wallet yung katabi ko sabay..
Lalakeng katabi ko: bayad nga po. Bacla-ren. *sabay ngiti din kay beks*
Nakita ko reaksyon ni beks eh. Para syang pinagsakluban ng langit at lupa. XD tas yung dalwa kong katabi nagholding hands pa. XD And I was like, O.O
pero sa totoo lang gusto kong tumawa ng tumawa at gumulong sa kalsada. Hahaha. Kaso naalala ko, anlaki ng katawan ng dalawa kong katabi. Baka maoffend at bugbugin ako. Kaya tumawa nalang ako sa isip ko. Hahaha. XD
Lesson: Huwag maniniwala sa mga nakikita mo. Hindi lahat ay totoo.
-------------------------short update. May problema ko sa mga stories ko.
para dun sa mga nag-aabang ng DNJ (Diary ni Jin) maantala po muna update. Nagdeactivate po ako ng Fb account same with my Fb page. Yun lang po.
-----------------
BINABASA MO ANG
YOU-Man!
SachbücherKung isa kang lalake na naghahanap ng katuwaan, o babae na gustong may mas malaman pa tungkol sa mga kalalakihan, para sainyo to..