Types of MEN women cant resist..

204 8 5
                                    

Here's the list of different men women cant resist..

Nagtataka  ba kung baket marami sa mga kalalakihan ang palaging nakakakuha ng " quality" girlfriend? Well, hindi yun nadadaan sa gandang lalake o well-defined mong six pack ABS (Ang TUNAY na LALAKE ay walang ABS), nasa diskarte yan! Gandang lalake mo nga at may ABS, pero wala kang girlfriend. Palibhasa, lalakwe rin ang gusto. Hahahaha. =)

Below are seven of these "ideal types" of guys na kinalolokohan ng mga kababaihan. Nawa'y matulunga kita sa problema mo sa mga babae. May paliwanag ndin dyan..

THE MVP..
– The MVP o Most valuable player o simpleng mga athlete, sila ang isa sa mga napapasama sa list ng mga heart throb. Sino ba naman ang hindi mapapatili kapag magaling mag-shoot ang isang guy di ba? Isang edge sa isang lalaki para mapansin siya ng girls ay yung paglalaro niya ng basketball pero okay din naman kahit ibang sports. Nakakadagdag pa rito ang angas nila pagdating sa court, yung tipong feeling nila sila ang hari at kahit sinong girls ay magkaka-crush sa kanila. Feeling winner na sila non.

A/N. Kaso karamihan sa mga players, singers din. Ala Beyonce kung kumanta ng "Love on Top". Wooh! Hilig sa mic.
Di ako under this category.

THE PERFORMER.
– “Isang harana lang ang puso ko ay mapapasayo” ang korni di ba? Pero sinong hindi magkakagusto kapag ang isang lalaki ay ubod ng galing kumanta? It was like habang kumakanta siya feeling mo nasa isang music video ka siempre kayo ang bidang dalawa. Kasama rin dito ang mga marunong mag-play ng musical instruments; gitarista, drummer, PIANIST etc. Ang gitarista kahit saan mo yan ilagay maraming girls ang maaattract sa kanya dahil sa talent niya, yun bang feeling ng mga girls pwede silang haranahin araw araw pag ang magiging boyfriend nila ay marunong mag-gitara. Matatawag ring ‘the performer’ ang dancer, kahit pagbalik-baliktarin at paikot-ikutin mo man ang mundo iba ang hatak at aura ng dancer sa mga babae. May spark sila na madaling makakuha ng atensyon ng mga babae. Kaya kung ako sayo, mag-aral ka na ng isang maituturing mong talent mo talaga, panghatak rin yan ng girls pare.

A/N. Sinong mahilig magPiano? Nako. Naliligaw ka ng landas p're.
Kung talent mo talaga ang pagsayaw, palagi mong tandaan na ang TUNAY na LALAKE ay di SUMASAYAW.
Di rin ako under dto.

The MR. SUAVE
– Hoy hoy hoy hoy hoy hoy! Kung kilala niyo si Mr. Suave gets niyo na ito pero kung hindi ay i-e-explain ko na rin. Ang mga Mr. Suave ay yung mga habulin ng babae or minsan nai-co-connect din sa mga bad boy. Sila yung mga tipo ng lalaki na ubod ng galing dumiskarte sa mga girls na pag napansin ka ng isang girl ay truly na makukuha mo ang attention niya. Karamihan ng girls mabilis ma-attract sa mga bad boys or guys na may bad boy image kasi feeling nila once na magiging sila ay ang next goal nila is mapagbago ang bad to good and then ang lovestory nila ay magiging happily ever after. Related ito sa mga teleseryeng bad boy ang leading man at ang leading lady ay ang magiging dahilan kung bakit magbabago ang guy.

A/N. Si Denyel Pedille ang best example ko dito. Yung gumanap syang ALBULARYO sa SDTG. Madadagdagan na naman ata ang linya ni P. Fashkwal at Sam MigLights.
Ang daming gantong uri ng lalake sa ma kwento dito sa WP. Paulit ulit ng concept. Nakakasawa. Diba, Pareng Yowen?
Di din ako dito. Nice guy ako e.

The Wit Man.
– The walking dictionary yan ang tawag sa mga taong tila alam na yata ang lahat ng bagay pati ang real meaning nito. Yung mga brainy guys o matatalino ang isa sa mga pinaka-unang napapansin ng mga girls, yun bang ang datingan e mala- Detective Conan… gwapo na matalino pa, saan ka pa? Sa pagsasalita nila, sa aura nila miski sa pananamit nga alam naming mga girls pag brainy ka o hindi. Lahat ng babae mabilis ma-attract sa matatalino kasi unang una alam nila na pag naging boyfriend na nila yung guy e for sure at pasok sa banga na may maipagmamalaki agad sila sa ibang tao.

A/N. Eto talaga pare. Sa lahat ng nasa list, eto pinaka nakaka-attract sa mga babae. At wala ka pang lalabagin samga RULES ng TUNAY na LALAKE. Kaya, payong ka-TNL, aral mabuti!
Medyo pasok ako dito.

The "You-Dont-Know-You're-Beautiful" Guy.

– Sila yung mga lalaking hindi aware na kung anong biyaya ang mayroon sila – sa looks. Pinapakita nila sa lahat kung ano at sino sila, mga simpleng gwapong lalaki na sadyang totoo lang talaga sa sarili nila. Oo, gwapo sila pero sila yung mga lalaking hindi bino-broadcast na gwapo sila, turn on sa girls pag totoo at humble ka. Ika-nga ng One Direction Fans “You Don’t Know You’re Beautiful , That’s what makes you beautiful.”

A/N. Ayun. Finally. Ito ang kategorya ko. Di ko pinagkakalat na GWAPO ako, kasi HUMBLE ako. Pero, ang KAGWAPUHAN ko ay di parang PASSWORD na ako lang ang nakakaalam. (Hi kay Emosyon aka RedRanger. Nabasa ko to sa "Tagay Tayo". Nagpaparamdam po ako sa mga Rangers. *Ehem!*)
Eto lang pare, di mo kailangang ipagkalat na gwapo ka, lalo na kung hindi naman talaga. Stay low lang mga pare at wag magpopost ng pic sa FB na kita ang hubad na katawan, tawag dun ka-GAYSHIT-an.

The Kengkoy.

– Lahat ng tao ang gustong makasama ay yung mga joker. Kaya naman ang isa sa mga hindi mawawala sa isang barkada ay ang joker o tawagin nating mga kengkoy. Halos lahat ng babae mabilis maattract sa mga lalaking ma-joke o palabiro kasi masayahin at gustong gusto ng mga babae ang tumawa. Ang mga joker na ito ay hindi na kailangan ng looks para sabihing attractive dahil sa mga banat palang nila ay panalo na. At dahil mahilig tumawa at gusto ng mga babae ang nakangiti sure na sure na ang lagi nilang hahanapin ay mga joker na guys.

A/N. Under din ako dito. (Oh diba? Gwapo na, Kengkoy pa.)
Mahilig ang babae sa mga lalakeng may sense of humor. Yung parang walang kaproble-problema. Kaya kung parati kang seryoso sa buhay mo, wala ka talagang magiging girlfriend.

The Boyfriend.

– Iba ang spark pag nagkaroon ang isang lalaki at isang babae ng kakaibang closeness o friendship. Kung minsan ang simpleng friendship ay mauuwi sa pagiging close friends to best friends at hahantong sa feeling ng girls na secured sila na hindi na nila kailangan ng boyfriend at all. Yung ‘the boy friend’ ang mga tipo ng lalaking nagpapakita at nagpaparamdam sa girls na special sila at may kakaiba silang relationship. Sila rin ang tinaguriang Crisostomo Ibarra kasi mga gentleman sila. Minsan pa nga ang closeness na to ay humahantong sa feeling ng girls na may ‘kuya’ na sila na ready silang ipagtanggol anytime. At ito ang pinaka-nakaka-attract na type ng guy na makikita ng kahit na sinong babae.

A/N. Pasok nanaman ako dito. Ang gwapo ko kasi. XD
Wala nako masabe, the statement above explains all..

Pwede din namang maghalohalo yang mg yan sa isang tao, tulad ko, Witty na, Kengkoy pa, Humble na, Gentleman pa.
Ikaw? Anong klaseng lalake ka?

____________________________________________

Maraming salamat po sa pagsuporta nyo. :) As of December 24, 2014, 3:29am, ang YouMan! (Ikaw, Lalake!) ay #32 sa NonFiction. XD

------------------------
Vote. Comment. Be a fan. =)

------------------------

credits: Amalia Tandang, Flippish.com

YOU-Man!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon