Chapter 14

473 28 3
                                    

Alas-sais y media pa lang ng umaga ay nakagayak na si Arian upang pumasok. Maaga siyang gumising kaya't heto siya ngayon, hinihintay ang kupal niyang kaibigan. Kahit kailan talaga, napakakupad kumilos ng buwisit na 'yon. Buti pa si Nix, laging maaga at ako lagi ang hinihintay, naiinip niyang sabi sa sarili.

Hindi na nila kasabay si Kale na pumasok dahil sa Henderson University na ito nag-aaral at malayo ito sa university nilang dalawa. Nakakalungkot dahil nawalay ang pinakakamamahal kong si Nix sa 'kin at naiwan ang damuhong Fuentes na kasama ko.

Tinawagan na niya ang kupal niyang kaibigan na si Troy dahil ilang minuto na ang lumilipas ay wala pa rin ito. Malilintikan talaga sa 'kin ang lalaking 'yon oras na dumating siya. Malayong-malayo talaga siya kay Nix ko.

Sa halip na mamuti na ang kanyang mata sa kahihintay ay pinili niya munang bantayan ang kanyang baby, si Maggie. Ang himbing-himbing naman ng tulog mo baby ko. Manang-mana ka talaga kay mama mo, ang cute-cute. Sarap panggigilan.

Habang hinehele ni Arian si Maggie ay may bumusina sa labas. Si kupal na siguro 'yon. Hinalikan niya muna sa noo ang bata saka dahan-dahan inihiga sa crib nito. Kinuha na niya ang kanyang bag at dali-dali nang lumabas.

"Ano ba 'yan Fuentes, ang tagal-tagal mo masyado! Kinultaban mo pa ata 'yang bayag mo. Mag-drive ka na, dali!" sigaw na utos ni Arian kay Troy habang itinaas lamang ng huli ang kanyang middle finger sa kanya saka biglang pinaharurot ang motor.

"Alam mo panget, kung di ka lang talaga mahal at hahanapin ni dude, matagal na kitang inihulog sa tulay. Pucha ka!" sigaw nito habang nagda-drive papasok. Marahan naman niya itong kinurot dahil baka maaksidente sila. Humanda ka talagang Poncio ka.

Nang makarating ang dalawang magkaibigan ay mabilis bumaba si Arian at iniwan si Troy. Pagpasok sa kanilang room ay tiningnan niya muna ang kanyang selpon. Halos tumalon siya sa tuwa nang mabasa niya ang isang mensahe mula kay mahal niya sa kanilang group chat at may mensahe rin ito para sa kanya. Tinatanong nito kung kailan puwedeng mabisita ang kanilang anak.

May anak na kaming dalawa ni mahal, si Maggie. Tatlong taon na siya at tulad ng kanyang mama ay makulit ito. Malaki ang pasasalamat ko sa kanya dahil tinanggap niya kaming dalawa kahit sa maikling panahon lang na nagkakilala at nagkasama kami.

'Di naman siya mapakali sa sobrang saya at daig niya pa ang kinikilig. Eh kasi naman, ang sweet sweet niya masyado at thoughtful. Kulang na lang ay mabasag na ang screen ng kanyang selpon dahil sa diin ng kanyang pagta-type. I'm so excited!

Nagsimula na ang kanilang klase at 'di niya namalayang dumating na si Troy na nanlilisik ang mga matang nakatingin sa kanya. Nginisian na lamang niya ito at nakinig na sa kanilang propesor.

***

Katatapos lang ng kanilang klase at lunch break na. "Ramirez panget, tara punta na tayong canteen. Nagugutom na ako." Sasagutin na sana ni Arian si Troy nang biglang tumunog ang kanyang selpon.

Pagbukas niya ng mensahe ay 'di niya inaasahan ang nag-text. Si Miss Natalie. Sinabi nito na mamaya na ang pool party at itinatanong kung saan sila magkikita-kita para sabay-sabay na. Nakikiusyoso naman ang kaibigan niyang kupal kaya inilayo niya ang selpon. Matapos mag-reply ay ibinulsa na niya ito.

"Hoy panget, ano 'yon ha? Siguro sugar daddy mo na namang kano 'no? Napakahilig mo talaga kahit kailan!"

"Alam mo Fuentes, nakakagago ka. Kung 'di kaya kita isama mamaya. At dahil mahabagin akong tao, huwag na tayong pumasok ngayong hapon. Mag-ready na lang tayo para sa pool party natin mamaya. Nag-text kasi sa 'kin si Miss Natalie kani-kanina lang," paliwanag niya kay Troy. Nag-chat na rin siya sa kanyang mahal na 'di na sila papasok.

Falling with a Bartender (GL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon