Chapter 23

444 19 12
                                    

Sa mga nakalipas na araw ay naging tahimik ang buhay ni Kale sa Henderson University. Dalawang araw siyang lumiban matapos siyang mawalan ng malay at nagpagaling.

Hindi ko rin alam kung ba't hindi pa ako natuluyan no'n tutal gustong-gusto naman na nila akong mawala, sabi ng kanyang isip.

Sa loob ng dalawang araw na 'yon ay siya lang mag-isa at hindi rin niya nakakausap ang kanyang mga kaibigan. Kahit sina Troy at Arian ay wala ring kaalam-alam sa nangyari. Ayaw niyang ipaalam sa mga ito dahil ayaw niyang pag-alalahin at baka makadagdag lang siya sa kanilang stress.

Kaya ko naman ang aking sarili simula pa lang. Ngayon pa ba na ito lang ang sinapit ko? Walang-wala pa 'to.

Kasalukuyan siya nasa cafeteria. Nakahinga siya nang maluwag nang mapansin niyang wala ang mga bullies. Mangilan-ngilan lamang ang mga estudyante rito at ang iba'y nakatingin lang sa kanya.

Medyo mabagal ang kanyang paglalakad dahil nakakaramdam pa rin siya nang kaunting sakit sa bandang tiyan niya. May band-aid din ang kanyang pumutok na kilay.

May naririnig din siyang ilang bulungan pero hindi na niya pinansin pa. Wala ngang mga bullies, mga tsismosa naman ang naiwan.

Namili lang siya ng tubig at umalis na. Hindi niya alam kung saan siya patungo ngayon hanggang sa napadpad muli siya sa garden na dati niyang pinuntahan. Umupo na muna siya sa isa sa mga bench doon.

Ang sarap tumambay dito bukod sa napakatahimik ay napakasariwa ng hangin at hindi mainit buhat sa mga punong nagbibigay ng lilim.

Inilapag muna ni Kale ang kanyang biniling tubig sa tabi at huminga nang malalim. Sumandal siya saka ipinatong ang kanyang naka-stretch na mga braso sa sandalan at pumikit.

Hay sana lagi na lang ganito. Napakasarap at walang istorbo sa mundo ko. The tranquility of the place brings peace on my mind and a positive energy.

Makalipas ang ilang minuto ay dumilat na siya at saglit niya munang hinubad ang kuwintas saka ito tiningnan nang maigi.

Kung nasaan ka man ngayon, how I wish na tangayin ng hangin 'tong mga sinasabi ko papunta sa 'yo. Sa dami ng mga pinagdadaanan ko ngayon, gusto ko na tuloy sumama sa 'yo.

Natawa na lang siya nang pagak dahil sa kanyang naisip at mas hinigpitan ang hawak sa kuwintas. Pagkaraa'y isinuot na ulit niya ito. Masyado na akong nagiging sentimental.

Kinuha ni Kale ang kanyang Walkman saka earphones at ipinasak ito sa kanyang tenga. Sumunod naman ay ang kanyang sketchpad at lapis.

Nagsimula na siyang gumuhit ng mga naiisip niyang bagong disenyo ng sasakyan habang nakikinig sa kanyang Walkman. Patuloy lang siya sa pagguhit kaya hindi niya namamalayan ang oras.

Nang makatapos siya ng ilang modelo ay ibinalik na ang sketchpad at lapis sa kanyang bag at pumunta na sa kanyang klase.

***

"Class, keep all your notes. We'll be having our quiz." Mabuti na lamang at nakahabol si Kale sa kanilang klase dahil kung hindi ay babagsak na talaga siya ngayong sem. Hindi na umimik pa ang kanilang propesor nang hinihingal siyang pumasok. Alam na nila na lagi akong late.

Tumakbo ako dahil nawala sa isip ko na may klase pala kami ngayong hapon.

Nagsimula ang kanilang quiz at dictation ito. Hindi niya maiwasang antukin dahil boring at paulit-ulit ang kanyang mga kaklase na hindi nila narinig at mahina ang boses ng propesor. Mga para-paraan. Gusto lang nilang patagalin dahil wala silang maisagot.

Matapos ang quiz ay nag-lecture lang sila at gumawa ng activities sa sumunod na subject. Puro discussion ang kanilang ginawa. Laking pasasalamat niya na wala silang klase sa last subject dahil maaga siyang makakauwi.

Falling with a Bartender (GL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon