Chapter 49

69 3 0
                                    

"Tapos na ang maliligayang araw niyo. Ngayon, balik training na ulit tayo dahil ang makakasagupa natin next week ay ang Georgetown Legends, isa sa mga top contenders din sa buong college basketball dito sa Pilipinas. Pangalawa sila at sumusunod sa Bluecrest Rebels. Aware naman kayo kung paano maglaro ang Rebels di ba? Ganon din ang Georgetown Legends but unpredictable sila kaya ngayon palang wag na kayong tumunganga at magtraining na kayo!" Pumalakpak na si coach Ellie at pinamadali na ang mga players niya.

"Si Oliveros, wala na naman?!" Nagsimula na namang mag-init ang ulo ni coach Ellie nang di na naman niya mapansin si Kale.

"Kanina pa po rito coach sa likod niyo. Nakikinig mabuti sa mga aral at turo niyo."

"Talaga ba Oliveros? Kung nakikinig ka pala bakit nandito ka pa?! Training na!"

Sumunod na agad siya bago pa siya mahampas ng kung anumang ihahampas nito sa kanya.

Drills muna ang ginawa nila at ilang saglit lang ay nagfocus na siya sa shooting.

Seryoso si coach Ellie habang pinapanood ang mga players niya ngunit manghang-mangha rin siya sa ipinapakitang 3-point shooting ni Kale. Walang mintis at pulido lahat ng tira. Sinolo nito ang half-court habang kasama nito si Yuri na nagbabalik ng bola sa bawat rack.

"And...beng! Easy," chill na sabi ni Kale habang nakataas pa ang kanang kamay niya nang maishoot niya ang huli bola mula sa corner.

Nagsimula ulit siyang mag-3-point shooting hanggang maikot niya ang buong half court. Inulit niya ito ng ilang beses at nang magsawa ay nagset siya ng timer sa kanyang wristwatch upang ichallenge ang sarili at pressurin ito.

Unang tira niya ay mintis agad kaya sa tuwing nagmimintis siya ay napapailing siya at napapa-tsk sa sarili.

"Shit talaga. Puro bano ng tira ko. Ang hina ko na," wika niya sa sarili.

"Oliveros, break muna tayo. Kanina pa tayo naglalaro. Di ka pa ba pagod? Nagwater break sina captain oh," sabi sa kanya ni Yuri nang mapansin nitong naliligo na siya ng pawis at wala ng pumapasok ni isa sa tira niya.

"Break? Seryoso ka ba? Break is for the weak! Di ako magbebreak hangga't di ko nakukuha ang outcome na gusto kong mangyari. Ang hina ko nang maglaro, bullshit. Alam mo bang ako ang pinakabata at pinakamagaling na 3-point shooter?" pagyayabang niya pa rito na ikinataad ng kilay ni Yuri.

"Hmm, weh ba? Ba't ilang taon ka lang ba no'n? Alam mo pagod ka lang kaya mo nasasabi yan. Di kasi kapani-paniwala na magaling kang 3-point shooter. No'ng una mo lang ako nakuha kasi pasuspense ka lagi pero ngayon I doubt it na," at natatawang naiiling ito. Inaasar siya.

"Noon kasi yon ngayon wala ng galing. I was 15 that time tapos laging champion at MVP pa hay nako. Saan ka pa, di ba Yuri?"

"Gago ka talaga Oliveros. Niyayabangan mo na lang ako sa mga kwento mo. Mga tira mo nga ngayon hindi pangchampion at MVP. Magmula ngayon ikaw na si yabang. Magbreak na lang tayo kesa magpataasan ng ihi rito. Wala akong mapapala!" at kinaladkad na siya nito pabalik ng bench.

"Gatorade," wika ni Jin sabay abot nito sa kanya.

"Ayoko ng purple gusto ko blue."

"Ang yabang na nga choosy pa! Wag mo kayang palitan captain. Pahuli-huli kasi magbreak." Namumuro na sa kanya si Yuri.

"Buti naman at nagbago ka na Oliveros. Mukhang ayaw mo nang makalasap ng mga pingot at hampas ng towel ko ah. Ganyan dapat ang ipinapakita mo sakin hindi puro kagaguhan sa loob ng court gaya ng dati. Nawa'y magtuloy-tuloy yang ginagawa mo para naman di ako magsising kinuha kita para sa team ko," komento sa kanya ni coach Ellie.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 22 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Falling with a Bartender (GL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon