Chapter 3

2 1 0
                                    


Yvette's POV

Kakauwi kolang galing trabaho at bakit andaming tao dito sa tapat ng bahay namin.

agad agad akong lumapit at di ako makapaniwala sa aking nakikita bakit may mga ambulansya dito anong nangyayari.

"Ma , bakit may ambulansya anong nangyayari?" nadatnan kong naiyak si mama at thane 

"Ang iyong papa inatake sa puso, pano na kami ni thane?"

patuloy lang sila sa pagiyak at parang ayaw mag sink in sa utak ko ng nangyayari bakit kelangang maging ganito ang buhay ko. Isusugod din dapat kagad si papa sa ospital ngunit nasa ambulansya palang kami ay binawian na ito ng buhay, dipa din ako makapaniwala sa nangyayari pano na ito ang hirap ng walang tatay sa isang pamilya.

Patuloy lang sa paghihinagpis si mama at si thane naman ay tahimik lang, iniisip ko din kung san ako kukuha ng mga panggastos dito. Mahigit isang linggo din kaming nagluksa sa pagkamatay ni papa, patuloy pa din ako sa pagtatrabaho kahit na kinukulang na din ako sa tulog at kain.

Hindi ako makapasok ngayon sa trabaho kasi may sakit si Mama, walang magaalaga sa kanya dahil may pasok si Thane, naawa din ako kay mama kahit minamaltrato nila ako ay mahal kopa din sila. Ilang linggo nading may sakit si mama at ayaw naman niya magpaospital kaya wala akong magawa.

"Ma , pupunta muna ako sa baba ihahanda olang kakainin niyo at gamot sa lagnat" tinignan niya lang ako at umalis nadin ako. Diko mapigilang di mapaiyak bakit ganto nangyayari sa buhay ko sa buhay namin nila mama , lagi nalang bang ganito ginawa kona ang lahat pero wala pa din ganon pa din trato sakin nila mama na para lamang akong isang aso na pag kailangan nila ay aamuin at pag hindi na ay itataboy nalang.

Pagkatapos ko maghanda ng makakain ni mama at ng iinumin niyang gamot ay kagad akong pumanhik. Agad kong nabitawan ang mga pagkain kong dala ng makita ko si mama na nakahandusay sa sahig .

"Ma gumising ka wag ka muna sumama kay papa ma, bakit naman ganito pano na kami ni thane" pilit kong ginigising si mama ngunit hindi na ito magising .

Bakit ba ganito, may kasalanan ba akong nagawa bakit ganto ang kapalit na sakit pano na kami ng kapatid ko.


GiseiWhere stories live. Discover now