wherever you'll be (1)

88 1 0
                                    

A woman drowns in a lake in Zamboanga. Little did she know that she'll be engulfed to an alternate timeline where her alternate self is being chased by the authorities for the things she has the right to fight for.

CONTENT WARNING: This story contains theme such as drowning, mention of death, and attempted suicide.

1991

Haka-haka ng matatanda ang lawa na malapit sa gubat. Marami nang nawawala dito, iba't ibang tao, iba't ibang edad, iba't ibang pangalan.

Nangangain daw ang lawa sabi nila. Ni-isang bangkay, walang umangat. Ilang taon na ang nakalipas, ilang buwan. Pero ngayon, wala pa ring may alam kung bakit.

Nakatingin lang si Perdita—o Itang na mas gusto n'yang itawag sa kanya—sa lawa na para bang hinihila s'ya nito. Binubulungan na tumalon at magtampisaw sa malamig na tubig nito. Mataas ang sikat ng araw ngayon, mainit. Napaupo naman si Itang sa damuhan at sinimulang paglaruan ang maaabot na parte ng lawa gamit ang kamay n'ya.

"Gusto kong pumakawala." bulong nito sa sarili n'ya. Hindi naging madali ang mga nakaraang buwan ng buhay n'ya. Kinailangan n'yang umuwi dito sa Zamboanga galing Maynila dahil lumulubha na ang sakit ng kanyang ina. Ang kanyang ama, hindi na lang nagparamdam. Isang malaking katanungan sa isipan n'ya ngayon.

Hindi n'ya natapos ang pangalawang semestre dahil dito. Mas kailangan s'ya ng pamilya n'ya, mas kailangan s'ya ng ina n'ya. Wala nang ibang mag-a-alaga sa kanya kung hindi s'ya at ang nakababata n'yang kapatid dahil kailangang kumayod ng kanyang panganay na kapatid sa Canada bilang Nars. Makakapaghintay pa naman daw ang pag-aaral, ang kanilang ina... baka raw hindi na.

Hinubad ni Itang ang suot n'yang pantalon para hindi mabigatan ang katawan n'ya pagkalusob sa lawa. "30 minutes..."

Umatras s'ya at saka tumalon sa lawa. Parang paru-parong nakawala sa bahay-uod. Pero kanina n'ya pa napapansin na hindi s'ya umaangat sa lawa, nararamdaman na parang hinihila pa s'ya nito pababa hanggang sa napapikit na lang s'ya at hinayaan dalhin ng tubig ang kanyang katawan kung saan.

"Perdita... Itang... Itang, gising..." naramdaman n'yang may umaalog sa katawan n'ya, "Itang... Uy... 'Di pwede 'to..."

Inubo nang malakas si Itang kaya napaupo ito mula sa pagkakahiga sa damuhan. Hingal na hingal s'ya at tinignan ang paligid. Nasa gubat pa rin s'ya, basa, at iba ang suot.

Ramdam n'yang sinasakal ng pantalon n'ya ang kanyang binti at nagtaka dahil tinanggal n'ya naman ito kanina. Nang naaninag na sino ang umalog sa kanya, mas lalo pa s'yang nag-taka.

"Buddy? Anong... anong ginagawa mo rito sa Zamboanga? 'Di ba may klase pa kayo sa piyups?" tanong ni Itang kay Buddy na umupo dahil sa pagod sa paggising sa kanya. Si Buddy naman ang nagtaka ngayon.

"Ikaw ang dapat kong tanungin Itang, paano ka nakatakas sa mga pulis?"

but i didn't like the ending ♪ eraserheadsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon