Eram's POV :Andito ako ngayon sa loob ng isang silid kung saan ang aking pinakamamahal na kapatid ay nakahiga walang malay at malamig na . Iyak ako ng iyak hindi ko kasi alam ang gagawin ko nakayakap lang ako magdamag sa kanya . Siya ay tinakpan na ng puting tela sa buong katawan . Binuksan ko ang tela sa parte ng mukha niya . Bumuhos ang luha ko kasi bakit ang bilis ng nangyari , bakit ang bilis ng oras ? Kasalanan ko ata kung naisugod ko agad ang kapatid ko hindi siya sana mamamatay at kung sana binantayan ko siya eh sana nakita ko agad siyang inatake sa puso para madala ko siya agad sa ospital kasalanan ko to ! .Sinisisi ko ang sarili ko sa nangyari .Hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako ....
"Kuya , Kuya ! " tawag sa akin ng cute kong kapatid ..
Niyakap ko siya bigla. " Buti buhay ka pa , akala ko mawawala ka na sa buhay ko ei "
" Kuya , alam mo po huwag ka na po malungkot nasa magandang kalagayan na aki ngayon at sana kuya , Huwag mo na sisihin sarili mo sa mga nangyari kasi alam mo ba Kuya , na may plano si God kaya po ako lumisan at sana huwag ka rin mawawalan ng tiwala at pananalig sa kanya kasi Kuya mahal na mahal ka ni Lord at may magandang mangayayari pa sa buhay mo po , huwag niyo na po ako isipin kasi masaya na po ako kasama si Lorsd , byebye Kuya I Love You " sabay kiss sa akin.
May sasabihin pa sana ako pero bigla nalang siyang naglaho ... at nagkaroon na ako ng malay panaginip lang pala .. Tinignan ko ng maigi ang kapatid ko at ngumiti ako ,
" Sana nga nasa maganda ka ng kalagayan kapatid ko , Salamat sa lahat, mahal na mahal kita" sabay halik sa noo niya at nilagay ko ulit ang puting tela sa mukha niya at umalis ako sa kwaro na iyon ng walang reaksyon ...
" Bakit nandito ka ! ? Matapos mong iwan mo si Mommy tapos pupunta ka sa burol ng kapatid ko ! anong klase kang ama . " sabi ko sa daddy na dumating sa burol ng kapatid ko ang kapal din ng mukha niya kasi kung kailan wala na ang kapatid ko doon palang siya pupunta sa amin .
" Patawarin mo ko anak , hindi ko sinasadya na talikuran ko ang pagiging ama ko sa inyo , nagmamakaawa ako papasukin mo ako gusto ko makita ang kapatid mo ! " kitang kita ko sa mata ni Daddy ang pagsisisi at luhang tumutulo sa kanyang mata .
" Sa ngayon Dad hindi pa kita mapapatawad sa lahat ng mga ginawa mo remember ikaw ang dahilan kung bakit namatay si Mommy ! But then pinapayagan kitang dalawin ang kapatid ko "
" Maghihintay ako anak , Maraming salamat " at bigla niya akong niyakap .
Throwback ! ...
"Ma , saan ka po pupunta ? "
" Sa Daddy mo ! hahabulin ko siya anak , mahal na mhal ko siya ! " nagpupumiglas si Mommy at pumasok na sa sasakyan hahabulin niya ang Daddy kasi biglang lumayas ito at pumunta sa nanay ng step sister ko .
Nabalitaan ko nalang sa TV ang nangyari kay Mama namatay siya sa car accident at ng dahil iyon kay Daddy kaya simula noon kinamuhian ko na si Daddy hindi ko siya mapapatawad .
End of Throwback ...
Iyak ng iyak si Daddy ng nakita niya ang anak niya sa kabaong ... May sinasabi siya habang siya ay umiiyak sinisisi niya ang sarili niya sa pagkamatay ng kapatid ko ..
Ang Life ay maikli lang kaya sulitin natin ang bawat araw na kasama natin ang ating mahal sa buhay kasi pwedeng bukas o ngayon ay mawala na siya...
Life is Short , at may hangganan ang buhay ng mga tao . Tandaan, lahat tayo ay mamatay . At wala kang aalalahanin kung nasa KANYA ka na kasi sa Kingdom ka ni God mapupunta..
BINABASA MO ANG
Grace Changes Everything
Tâm linh" Malalaman mo lang ang Purpose mo sa Buhay kung nasa KANYA ka na " Paano kung ang mga magulang mo hindi nagtitiwala sayo , hindi ka nila sinusuportahan sa lahat ng bagay na ginagawa at hindi ka nila pinagdedesisyon sa buhay mo... Pero Pano kung ang...