Bakit ba palagi nalang akong alone , palagi nalang akong walang makausap ? , hindi ko rin kung alam kung totoong kaibigan ba ang mga kaibigan ko sa akin. Palagi ko nalang tinatanong si God . Na bakit ganito ang naging buhay ko mayaman nga ako eh parang wala naman nagmamahal sa akin. Sa sobrang pagiisip ko sa mga bagay na hindi ko dapat nararanasan ngayon hindi ko napansin na nakatulog na pala ako habang tumutulo ang aking luha sa kaliwang mata ko...
" Ijo , may dapat kang malaman " umiiyak na sabi ni Yaya habang kausap niya ako.
" Ano iyon yaya ?? bakit ka po umiiyak ? " nagaalala kong tanong kay yaya.
" Kasi .... "
" Ano nga yaya sabihin mo na !! "
" Iyong mama at papa mo naaksidente iyong eroplanong sinasakyan nila papunta dito "
Hindi ko alam ang gagawin ko sa mga sinabi ni yaya sa akin bigla nalang bumuhos ang luha sa aking mata.
" Yaya !!!! Huwag ka namang magbibiro ng ganyan " sabi ko kay yaya na ngayon ay umiiyak pa rin .
" Ijo , huhuhu " iyon nalang ang nasabi ni yaya at niyakap niya ako . Iyak pa rin ako ng iyak.
" Nasaan na si Kuya !!! Yaya !! puntahan natin iyong airport siguro naman may nabuhay pa at baka sila mama iyon " pataranta kong sabi kay yaya na agad naman sumangayon at pumasok na kami sa kotse at pinaandar na ng driver namin.
" Bilisan mo naman kuya !!! " iyak kong sabi na alam ko namang traffic , hindi ko lang matanggap na ang pinakamamahal kong magulang ay mawawala lang ng ganun ganun. Ayoko !!! Ayoko !!!
" Sir ! traffic po ei . pero pwede niyo na rin po lakarin mga 15 mins. nalang naman po kalayo ito sa airport. " dali dali akong lumabas at tumakbo . pinigilan pa ako ni yaya pero patuloy pa rin ako sa pagtakbo !! Takbo lang ako ng takbo at sa pagtawid ko !
BOOOIIGGGGGSsSSSHHH !!!!!!
Nagblack na ang paligid at hindi ko na alam ang nangyari. Tumulo ang aking luha na kanina pa nangingilid sa aking mata .
Sana sa buhay ng tao iiyak mo na ayos na , kalimutan mo nalang ayos na , maging positive k nalang ayos na , pero theres such thing na sinusubok tayo ni Lord at doon tayo magiging mas magiging faithful kay Lord.
Eram's POV
Shemay bakit naman ganito !! Bwiset bad timing naman oh . Lord sana po mawala na po ang traffic ..
Andito ako ngayon sa kotse ko , at nasa tabi ko naman ang kapatid kong kanina pa hindi makahinga . Kanina kasi habang naglalaro siya nakita ko nalang siyang nangisay at parang hindi nakahinga , may sakit kasi siya sa puso ei . Kaya ngayon dadalhin ko siya sa ospital . Napakatraffic talaga , hindi na ako nakapag hintay malapit na naman ang ospital ei kaya nilabas ko na ang kapatid kong hirap na sa paghinga at ako ay sobrang alalang alala sa kalagayan ng aking kapatid . Lord tulungan niyo po kami. Pagkadating ko sa ospital dali dali ko siyang hiniga sa may higaan ng ospital para dalhin sa emergency room...
Hintay ako ng hintay doon. Hindi ko alam ang gagawin ko , natataranta na ako , palakad lakad ako , iyak ako ng iyak .
Siya nalang ang kasama ko sa buhay sana hindi siya mawala sa akin :(( ikamamatay ko kung mawala man sa akin ang kapatid /step sister ko :((
Pagkalabas na pagkalabas ng doctor , tinanong ko agad kung ano na ang kalagayan ng aking kapatid ..
" Doc , kamusta na po ang kapatid ko " malungkot kong sabi .
Tumitig ang doctor sa akin wala siyang reaksiyon , parang malungkot , naawa , nagdadalamhati .
" Doc !! Ano na po ang kalagayan ng kapatid ko " ulit ko na iyak ng iyak.
BINABASA MO ANG
Grace Changes Everything
Espiritual" Malalaman mo lang ang Purpose mo sa Buhay kung nasa KANYA ka na " Paano kung ang mga magulang mo hindi nagtitiwala sayo , hindi ka nila sinusuportahan sa lahat ng bagay na ginagawa at hindi ka nila pinagdedesisyon sa buhay mo... Pero Pano kung ang...