Chapter 6 : God's Plan

40 2 0
                                    

Inusisa kong maigi kung sila ba talaga iyon .

Pumikit ako.

And then dumilat ako ..

Woah ! Thank You Lord ! :)

"Mom !! Dad ! "

sigaw ko at patakbo akong lumapit sa kanila at kitang kita ko ang ngiti sa mga bibig nila.

" Son ! "

Niyakap ko si Mommy ng mahigpit at hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako ..

Happy ako kasi buhay sila. They still alive . And hindi na ako mangungulila pa nagpapasalamat talaga ako sa Diyos kasi ngayon ko lang nalaman ..

May mga bagay na hinihiling natin sa Panginoon pero hindi iyon natutupad. But the lesson is Marami palang bagay na BINIGAY na ni God sa atin na hindi naman natin hiniling.

" Akala ko wala na kayo ?! Akala ko iniwan niyo na ako "

" Hindi namin magagawa sa iyo yun anak , na ngayon alam na namin ang pagiging mabuting mga magulang sa iyo. Nagpapasalamat ako sa Diyos na nakaligtas kami dun sa trahedyang iyon. At ikaw anak anong nangyari sayo ? Ang tagal na namin ikaw hinanap .. Sabi ni Yaya nung nalaman mo daw na bumagsak ang eroplanong sinasakyan namin eh umalis ka daw at 3 buwan kang nawala saan ka ba pumunta ? " pagpapaliwanag ni mama .

" Oo nga anak alam mo labis ang pagaalala namin sa iyo nun , kahit nasa gitna kami ng trahedya ikaw pa din ang iniisip namin pero salamat talaga sa Diyos na nandito ka na kahit na hindi ako naging mabuting ama sa iyo eh babawi ako sa iyo ..." sabi ni Dad.

" Mom , Dad , Nung nalaman ko po kasing bumagsak ang sinasakyan niyo pong eroplano eh dali dali po akong pumunta sa airport para icheck na buhay pa po kayo pero sa pagmamadali ko po ay nasagasaan po ako at buti po mabait po ang nakabangga po sa akin at inalagaan nila po ako kahit sinisisi ko sa kanila lahat lahat na nangyari sa buhay ko . Nabulag din po kasi ako nun at ngayon nakakakita na ako . God opens up my blind eyes and Im so thankful for that ."

" Ang dami palang nangyari sa iyo anak pero tapos na iyon pare parehas tayong buhay ngayon kaya magcelebrate tayo ! " sabi ni Dad.

Iyon nga after ilang weeks naging mabuting magulang na ang mga magulang ko nagkaroon na rin sila ng time sa akin na dati ay inaasam asam ko sa kanila .

Hinahanap ko pa rin ang babaeng nagalaga sa akin . Pero di ko alam ang apelyido nya kaya hindi ko siya mahanap sa FB.

Naikwento nila Mama na sila lang sa buong company nila ang nabuhay .
Ang pagkakaalam ko kasi nagtatrabaho ang mga magulang ng tropa ko dati na sila Kevin Ervin at Kim..
Nakakalungkot naman isipin na ang dami na palang nangyari , ang daming na ring problemang dumaan.

Nasaan na kaya sila ?

Yung babae ?
Yung tropa ko dati ?
Yung batang babae ?

Marie's POV :

" Mom ! Nasaan na kaya yung lalaking nabangga natin ? " tanong ni ko kay Mama.

" Anak , siguro nasa maayos na siyang lugar wag mo na siyang aalalahanin " nagulat naman ako sa sinabi ni Mama . Why ?? Bakit ganun ang nangyari.

" What ?! Patay na po sya ?! " Malungkot kong tanong.

Tumawa naman ng malakas si Mom. Pisti. Niloloko ba ako ni Mama.

" Anak , Nakauwi na sya sa kanila iyon ang ibig kong sabihin napaka OA mo naman " Ahh okay hindi kasi nililinaw ni Mommy eh.

" Mom , Ready na ako ikaw po ba ? "

" Siyempre naman ! :) Yaya ! " tawag ni Mama kay Yaya Pasing .

" Bakit po Maam ?"

" Pakisabi kay Tonio na ihanda na ang kotse magsisimba na Tayo ." nagulat naman si Yaya.

" Hala Baket ? Po kami kasama ? " tanong ni Yaya . Kasi naman dati hindi namin sila sinasama kapag nagsisimba kami ewan ko ba kay Mama pero nagbago ata ang ihip ng hangin simula nung nangyari ang trahedya bumait na si Mommy sa mga kasambahay namin.

" Huwag ka nang magtanong magbihis ka na para makaalis na tayo "

" Sige po Maam "

sa pagalis ni Yaya ngumiti sa akin si Mama nakikita kong masayang masaya si Mama ngayon sa bago niyang karelasyon.

Relasyon kay God. <3

Authors POV :

Pumunta na nga sa Church sila Marie, ang Mama niya at kasambahay nila isama na rin natin ang driver nila .

Masayang masaya silang dumating sa Churh..

Sa isang banda naman ay nandoon din ang mag amang Eram at Ethan magkasamang nagdarasal .

Natapos na ang service at nagkamustahan ang lahat nag Life group ang mga kabataan pati na rin ang mga matatanda.
Hindi alam ng mama ni Marie at Tatay ni Eram na magkakatagpo ulit sila.
Nagkausap sila.

" Lea , bakit ka nandito ilan taon din tayong di nagkita ah kamusta ka na ? " gulat na gulat pa rin ang mama ni Marie kasi nga mahabang panahong din silang hindi nagkita nito.

" Ah eh. Oo nga Ethan . Kasama ko kasi anak ko. Masaya akong nakita ka ulit !"

" Ahh okay nasaan siya ? nagasawa ka na pala ulit . Ay kasama ko din pala ang anak ko dito ? "

" Hindi na ako nagasawa pang muli Ethan "

" Eh sino Tatay ng anak mo ? "

" Ah eh. --- " naputol ang usapan nila dumating kasi si Marie.

" Mom , sino po siya ? " Ngumiti naman ang dalaga sa papa ni Eram.

" Ay Anak siya pala ang Tito Ethan mo "

" Paano ? " bigla namang dumating si Eram at lumapit sa kanyang ama.

" Pa , ano ? Uwi na ba tayo ? " nakita naman nito nakausap ng papa niya ang ginang sa harap nito. " Papa magkakilala po ba kayo ? Oh ? Marie diba mama mo siya ? "

" Oo anak sya ang Tita Lea mo. "

" Oo kuya Eram magkakilala daw po sila eh .. "

Pumunta sila sa Fastfood para kumain at magkwentuhan na rin nasabi na rin ni Ethan kay Eram na si Lea ang ina ng step sister niya walang imik si Eram pero kahit ganun tinatago niya nalang ang kalungkutan niya tuloy pa rin silang lahat sa paguusap. Nalaman rin ni Marie na tatay niya ang tatay ni Eram.

Bigla nalang umalis si Marie ng walang paalam at hinabol ito ni Eram. Hindi matanggap ni Marie kasi buong akala niya patay na ang kanyang tatay tapos ganun nalang sasabihin ng mama niya.

----------------------------

Mahabang panahon rin bago makapag update sorry po :) Thank You po sa lahat ng bumabasa nito . Sana Ivote niyo rin po :)

Punung puno ng twist ang kwentong ito. Find out sa susunod na chapter kung paano naging tatay ni Marie ang tatay ni Eram.

Godbless Us All :D

@

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 11, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Grace Changes EverythingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon