Chapter 2 : Wrong Friends

183 4 0
                                    

Ako ngayon ay nasa school siyempre nagaaral ng mabuti . Wala naman kasi akong kaibigan dito sa room namin kasi nga gusto ko ako iyong nilalapitan , Ako yung kinakausap , at ako yung unang ina - approach.

" Sstt stt ! Anthony ! "

Nagulat ako first time na may tumawag sa pangalan ko , kaya lumingon naman ako hindi naman ako yung snob na tao.

" Bakit ? "

" Hindi ka pa ba nagsasawa mag-aral ? "

Tanong niya sa akin matapos akong mag respond sa pagtawag niya sa akin. Ay siya nga pala si Mark ! Ang astig na lalaki sa room namin , maraming nagkakagusto sa kaniya kasi gwapo daw , matalino rin , pero ang ayaw lang ng tao sa kanya ay ang pagsama niya sa isang frat . Dahil kasi dun naging basagulero na 'to pero parang cool yun no para hindi lang pagaaral inaatupag mo . Joke !

" Hindi "

tipid kong sagot . Totoo naman na hindi na ko nagsasawang mag-aral kasi sanay na ako daily routine ko na kaya ito . Hindi naman ako gumagawa ng gawaing bahay pinagbabawalan ako sa computer , sa gadgets at kung anu ano pa. Edi magaral nalang para di masayang ang oras.

" 'lika nga tigilan mo muna yang pag-aaral na iyan sumama ka sa amin "

lumapit siya sa akin at inaalok akong sumama sa kanila . Saan naman nila ako isasama . May narardaman akong kaba ah. Baka kung anong gawin nila sa akin ipabugbog , imassacre , i salvage . Hala nababaliw na utak ko siguro naman di nila gagawin sa akin yun.

Sumusunod lang ako kay Mark kung saan siya pumunta pero parang may kutob akong di maganda . Tss . At nakarating kami sa isang tagong bakanteng lote dito sa loob ng school Ang creepy lang kasi walang mga estudyanteng pumupunta dito.

" Siya na ba 'yon Mark ? "

Tanong ng isang matabang kasing edad ko rin kay Mark .

" Oo Master "

" Hoy ! Bata ! Anong pangalan mo ? "

" Ako po ba ? " tanong ko.

" Ay Hindi yung katabi mo. " pilosopo. Wala naman akong katabi .tss.

" Ako nga . " sabi ko ulit.

" Tanga siyempre ikaw ! Ikaw lang naman ang taong tinitignan ko e "

" Anthony ang pangalan ko , bakito tinatanong "

" Wala lang bakit ba ? masamang magtanong. "

" Hindi naman. Uyy Mark bakit mo ba ako dinala dito. " Tanong ko kay Mark na nasa tabi ng matabang lalaki . Actually lima sila yung isa may salamin sa left side ng mataba , yung isa maliit sa may katabi ni Mark at iyong isa matangkad sa tabi naman nung may salamin.

" Uyy master bakit ko daw dinala siya dito " ay bastos tinatanong , tinananong niya sa iba . sumagot naman yung mataba .

" Aayyy !! Welcome to the Federasyon kumare may kekemberlu aketch seyu " Hahaha ! bagay sa kanya . Ano daw FeDeRasyon ?!! So mga bakla sila.

" Hoy ! Wag niyo kong masama sama diyan sa grupo niyo ah ! " sabi ko at biglang humagalpak ng tawa ang mga ungas.

" Haha BOBO ! kami magiging bakla sa gwapo naming ito " sabi nung katabi ni Mark. Paepal di ko naman kinakausap.

" Huwag mo kong mabobo - Bobo Honor student ako no. "

" Wala kaming pake " sabi nung mataba.

" Sasabihin ko na kung bakit kita pinapunta dito kasi kulang kami ng isang ka member , Pwede ka ba maging kaibigan namin tapos sali ka sa grupo naming GIMME 6 di ba cool ! "

Grace Changes EverythingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon