BOM'S P.O.VPauwi nako. Gabi na, nandito lang naman ako sa park kung saan nagkakilala kame ni kyungsoo. Pumunta ako dito para makapag isip, kailangan kong mag isip kase baka lalo akong maging baliw pag pinakinggan ko ang damdamin ko kesa sa isip ko.
Muntik na nga akong masagasaan kanina, kase sa sobrang saket nang puso ko di ko na alam kung anong nangyayare sa kapaligiran kaya tumigil muna ako dito.
Sa totoo lang gusto ko nang mamatay, pero di ko den kaya kase kailangan ako ni Dara. Di ko sya kayang iwan noh, ako lang naman ang pinagkakatiwalaan non baka pag nawala ako magpakamatay din yon. Sya lang ang dahilan kung bat pa ako uuwi , kahit gusto ko muna magpakalayo di ko magawa kase panigurado nag aalala na yon saken tsaka ayaw ko naman ma-apektuhan sya sa mga problema ko.
Sa ngayon napag-isipan ko na mag move on na lang, alam ko namang di madalian yon at mahirap pero yon lang naman ang choice ko diba? Oo masaket pero kailangan. Kailangan kong maging matatag, lalo na halos araw araw kong makikita si kyungsoo dahil magkaklase kame sa ibang subjects. Gusto ko na nga lang lumipat ng school pero di den pwede kase nga ang may ari non ay ang daddy ni Dara kaya di yon papayagan na lumipat pa sa ibang school.
Kailangan ko ipakita kay kyungsoo na matatag nako. Kailangan magsisi syana pinakawalan nya ang isang katulad ko na napaka sexy. Kahit maguilty lang sya masaya na ako. Para naden to kay dara kase ayaw kong makita nya na malungkot ako kailangan kong pilitin na maging masayahin paren.
Ngayon uuwi ako nang parang walang nangyare. Kailangan kong tiisin tong saket.
DARA'S P.O.V
Wala paren si bom hanggang ngayon, umuwi ako kase di ko sya mahanap kung saan saan. Papatayin ko talaga si kyungsoo pag may nangyaring masama kay bom.
'DING DONG'
Agad akong tumakbo sa pintuan nung narinig ko yung doorbell.
"BOM!" Pagkabukas ko nang pinto, doon ko nakita ang kanina ko pang hinahanap. Halos maiyak ako sa itsura nya ngayon. Yung mata nya halatang pagod na pagod sa kakaiyak, yung damit nya napaka dumi pero nakangiti lang sya saken ngayon. Halatang tinitiis nya yung saket.
"San ka ba nagpunta ha!? Kanina pa kita hinahanap! Nagaalala nako sayo muntik ko nang mapatay si kyungsoo kase akala ko nagpakamatay ka na T.T" Tumawa naman sya at nagsalita.
"Hahahaha grabe ka naman dara gumala lang ako tsaka bat naman ako magpapakamatay noh sa tingin mo iiwan kita?"
"Eh kase ikaw eh. Di mo manlang sinabe kung san ka pupunta. Okay ka na ba?" Tanong ko sa kanya
"Oo naman, drama mo teh. Hahahahaha" Bigla ko syang niyakap.
"Bom wag ka nang magpanggap okay lang kung umiyak ka sa harap ko kahit ngayon lang, ilabas mo lang ang nararamdaman mo" Pagtapos nang ilang segundo, naramdaman ko na na umiiyak na sya.
"Bwisit ka dara, sinusubukan ko pa naman ang acting skills ko pero di pala ako ganon kagaling. Sobrang saket pala dara." Lalo nyang hinigpitan ang pagyakap saken, habang ako hinihimas ko lang ang likod nya. Ilang minuto kame ganon ang ginagawa. Ramdam na ramdam ko ang saket sa bawat pagpatak ng luha nya, basa na nga yung damet ko eh. Bigla naman syang humiwalay sa yakap, pinunasan nya ang luha nya at nagsalita.
"Salamat dara ah, kahit kailan talaga maasahan kita. Pwede bang simula bukas kalimutan na naten si kyungsoo? Simula sa umpisa, lahat nang tungkol sa kanya kalimutan na naten."
"Pano ka naman?" Bigla naman sya ngumiti, isang malungkot na ngiti.
"Wag kang magaalala dara. Pipilitin ko."
"Sige kung yan ang gusto mo pero wag mong kakalimutan na nandito lang ako pag kailangan mong magdrama ah." Nginitian ko sya
"Oo naman" Huminga sya ng malalim at biglang nagsalita
"Gutom nako dara! Ano bang pagkain?"
"Wait lang bommie nakalimutan kong magluto! Gusto mo bang magpadeliver na lang tayo?"
"Wag na! Mas gusto ko luto mo! Magluto ka muna magshoshower muna ako ang dumi ko na hahahaha" Tumango nalang ako tapos umakyat na sya.
Siguro nga mas okay na yung ganito. Mas mabuting pilitin nyang mag move on kesa magdrama pa sya. Alam kong masakit pero kakayanin yan ni Bom.
Tapos ko na lutuin yung dinner namen, si bom naman reding ready na kumain.
"Hmmm ang sarap talaga ng luto mo dara!"
"Ako pa! Hahahaha" Masaya akong nakikita na masaya si bom.
"Bom, papasok ba tayo bukas?"
"Oo naman, bakit ano bang meron bukas?" Tengene mo dara ang tanga mo, onga pala sabi nya kalimutan na ang lahat.
"Wala naman hehe"
Pagkatapos naming kumain nanood muna kame ng movie, dapat love story papanoodin namen kaya lang napagsunduan namen na horror na lang hahahaha.
Di naman ganong nakakatakot yung movie masyado lang overrated kaya sumikat. Pagkatapos namen manood natulog na kame.
~
Andito na kame sa school, as usual pinag titinginan kame nang mga tao. Di ko den alam kung baket eh. Si bom? Okay lang naman sya.
Papasok na kame ngayon sa english subject. Wala pang gaanong estudyante sa loob, kaya malaya kameng pumili ng upuan namen, as usual magkatabi kame ni bom.
Unti unting pumasok na yung mga estudyante sa loob nang classroom and shit nandito sya...
~~~~~~~~~~~~~~~
AUTHOR'S NOTE:
HIII ^___^ DAPAT HAHABAAN KO PA TO KAYA LANG KAILANGAN KO KAYONG BITININ KAYA TINAPOS KO DITO.
PINROMISE KO SA INYO NA LALAGYAN KO NANG COMEDY TONG CHAP NATO KAYA LANG DI KO NALAGYAN HUHU SANA MAINTINDIHAN NYOKO, MAHIRAP MAGSINGIT NANG COMEDY DITO KASE SOBRANG DRAMA PERO SA NEXT CHAP TALAGA MERON NA YAN WAG KAYONG MAG ALALA ^___*
LOVE LOTS,
Freya_21

BINABASA MO ANG
Dealing With HER...
RomantizmHi this is My First Story. This Story is all about Romance, Comedy and Drama Okay? Main cast is 2NEXO! May mga interaction din ang mga ibang YG Artist dito because i'm a YG Stan. So if you're a hater this story is not for you :)))