"I'll make you pay, Fia. I'll screw your heart as you screwed mine, darling."
-Marco-
❤️❤️❤️Kiss
Mabilis kong binawi ang kamay ko mula sa higpit na pagkakahawak niya at tinalikuran siya. Napatingin na ako sa cupcakes sa harap. Parang nalusaw ang puso ko sa mga sandaling ito. Kailangan kong kumalma sa sarili, dahil nakabibingi ang pintig ng puso ko. Napalunok ako, at kumuha ng isa pang cupcake ngayon.
"Can I have another one?" Mapang-akit na boses niya. Mariin lang siyang yumakap sa likurang bahagi ko, at inabot ang cupcake na nasa harap ko ngayon. Napapikit mata na ako.
Shit, Fia! Kaya mo 'to. Sa ginawa niyang ito, ay mas lalong nanghina lang ang tuhod ko.
"I like the rainbow ones that you've made." Tikhim niya at tumabi sa akin. Hindi na ako makapagsalita, at umurong na 'ata ang dila ko ngayon.
His fresh scent is intoxicating inside me. Ngayon na malinaw na sa akin ang lahat ay parang bumalik na ang buong damdamin ko sa kanya. It was like yesterday, that night as it seems like it happened yesterday.
"Are you tense? Perhaps you've remembered everything now?" Mahinang bulong niya.
Napatingalang nakatitig na ako sa kanya, at napatiim bagang na siya. He shake his head and smile while biting his cupcake. Umiwas na ulit ako, at pasimpling humarap na sa mga bisita na nandito.
"Aren't you going to talk?"
"I don't know what you are talking about, Marco." Sabay lunok ko.
"Darling. . ." He sensually smirked and moved closer to me.
I cleared my throat and tried to clear my mind.
This is insane!
Sana nga umalis na siya at ng makahinga naman ako. Pero mukhang malabong mangyari ito. Ilang beses na siguro akong nagmura ngayon sa isip, hanggang sa pasimpling siyang humawak sa tigiliran ko at bumulong na.
"Good luck, darling. I think you'll lose the bet."
Agad lang akong napatitig sa kanya at mas inayos ang sarili ko. Biglang uminit lang ang ulo ko sa mga sandaling ito.
"Do you think so? Hindi pa tapos ang araw, Marco. Hindi mo ako matatalo. Kaya huwag ka ng mangarap na makukuha mo ang gusto mo."
Bahagya na siyang natawa at umiling nadin.
"I like that... Ito 'ata ang nagustuhan ko sa' yo, Fia."
Umayos na siya at humarap sa akin. Imbes na sa mga bisita napako ang mga mata ko ay sa dibdib na niya.
Good god, Marco! Pinahihirapan mo talaga ako! Isip ko habang titig na titig sa kanya.
"That beautiful eyes of yours, Fia. How can I forget that, darling." He leaned closer and placed both of his hands on each side. We stared deeply as I swallowed hard. I tried to stop my heart from beating so much. Pakiramdam ko mababaliw na ako ngayon sa harap niya.
"How could you forget that night, Fia? Are you playing with my feelings? Dahil ba niloko ka ng nakaraan mo ay lolokohin mo na rin ako?" galit na titig niya.
Lunok lang 'ata ang kaya ko ngayon.
How could I tell him I felt guilty and chose to run away from him?
How can I tell him that Perlita really existed but she wasn't me? Paano ko ipapaliwanag sa kanya na sila naman talaga ni Perlita ang una at tinapos ko lang ito.
BINABASA MO ANG
The Billionaire Next Door ✅(MBBC#2)
RomanceMatured Content. The story of Marco Walter Mondragon and Sofia Pearl Sarmiento (MBBC 2) My new neighbour next door has it all, in a perfect score. His tantalising deep brown eyes are melting. He's not just handsome, but his hard-and-sexy body is ja...