Warning: This is rated SPG. Contains significantly matured SPG, lol. Read at your own risk.
I love you
"Fia!"
Pumara na agad ako ng taxi. Huminto ito sa harapan, pero mabilis lang siyang humarang at sinara ang pinto. Umikot siya patungo sa driver at kinausap ito, at umalis na ang taxi. Naiinis akong tinitigan siya. Kaya tinalikuran ko na.
Naglakad na ako at alam kong nakasunod siya sa akin ngayon. Hanggang sa humawak na siya sa kamay ko.
"I'll take you home, Fia."
"Akala ko ba wala ka ng pakialam sa akin, Marco? Just live me alone!"
Wala naman dahilan na mag away pa kaming dalawa. Tapos na kaming nag-usap kanina at tinapos na niya ang lahat sa amin.
"I know I made such a big mistake, Marco. And I am deeply sorry. Hindi ko alam kung paano mo ako mapapatawad, at hindi ko hinihingi ito sa' yo ngayon. Pero naman, Marco, huwag mo naman akong pahirapan ng ganito." Sabay patak ng luha ko.
Ramdam ko lang ang matinding buntonghininga niya at matinding titig nito sa mga mata ko. I can still feel his pain, and it's piercing inside me. Parang karayom ang mga titig niya ngayon. Hindi ko kayang tapatan ito, kaya yumuko na ako at mabilis na pinahirang muli ang luha ko.
The heck! The shots made me more worst emotionally.
Hindi ko kasi ma-kontrol ang damdamin ko ngayon, at parang nagwawala lahat ito sa loob ko.
"Let go!" Bawi nang kamay ko. Ayaw niyang bitawan ang kamay ko at nakayukong nakatitig lang siya.
"I'm sorry. I'm so guilty to you and to Perlita. She told me to start talking to you, because she became too weak. Sasabihin ko rin naman sa' yo ang totoo pero nagdadalawang isip ko."
"Before she passed away, she told me how much she loved you and was thankful every day because you made her happy, Marco. . . you make her smile. You are the reason why she likes to wake up every morning." Sabay pahid ng luha ko ngayon.
"She loves all the roses that you send every day. . . the love letters, the messages, everything. You made her heart flutter, and yes, it made my heart flutters too. . . and I'm sorry."
Bumitaw na siya nang hawak ngayon at napapikit-mata na ako. Hindi ko magawang titigan siya nang sinabi ko iyon dahil hindi ko masasabi ang lahat kong tititig ako sa kanya.
"Walang akong intensyon na lokohin ka. Nang mamatay si Perlita ay pinagpatuloy ko lang ito. Hindi ko naman inakala na - hindi ko alam. . . I'm sorry because I fall in love with you."
Napaupo na ako mula sa pagkakatayo. Hinilamos ko lang ang dalawang palad ng kamay ko sa mukha. Napuno na rin ito ng luha. Ang sapatos lang niya ang nakikita ko ngayon.
Nakatayo pa rin siya sa harapan ko na walang imik. Huminto ang kotse sa tapat namin at may lumabas dito.
"Salamat, Clark," boses ni Marco sa kanya.
"No worries, bro. Ingat kayo."
Rinig ko ang pagtapik niya sa balikat ni Marco at ang hakbang niya palayo. Pinunasan ko na ang luha ko. Naupo na si Marco at maingat na hinawakan ang braso ko.
"Let's go, e-uwi na kita."
Tumayo na ako at hindi na ako tumitig pa sa kanya. Nakabukas na ang pinto ng kotse sa side ko, kaya ako na mismo ang pumasok dito. Tinakpan ko lang ang mukha ko. May panyo naman akong dala, at pinikit na ang mga mata. Umandar na ang kotse.
BINABASA MO ANG
The Billionaire Next Door ✅(MBBC#2)
RomanceMatured Content. The story of Marco Walter Mondragon and Sofia Pearl Sarmiento (MBBC 2) My new neighbour next door has it all, in a perfect score. His tantalising deep brown eyes are melting. He's not just handsome, but his hard-and-sexy body is ja...