Chapter Eighteen

13.6K 524 32
                                    



❤️❤️❤️


Namulat ako at ramdam ang agos ng luha sa gilid ng mga mata ko. Ang dream catcher agad ang unang nakita ko na nakasabit sa bintana. Ramdam ko ang sakit sa puso ko. Ang bigat ng pakiramdam ko.

"Are you okay, Fia?" si Dr Lhui sa akin.

Maingat akong bumangon sabay pahid ng luha at tumango sa kanya. Binigyan niya ako ng tubig at ininom ko 'to.

There's something different about the taste of the water because when I swallowed it, I felt the cold and shivered. Parang nahugasan ang loob ko ngayon, dahil kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko.

"Dr Lhui. . . "

"It's okay, Fia. Take your time, and when you're ready Conrad is outside." Ngiti niya. Lumabas na agad siya at iniwan ako. 

Ilang minuto rin akong tulala sa sarili, at tinitigan ang tattoo sa palapulsuhan. Maigi ko rin na pinagmasdan ang kamay ko ngayon.

I remember the engagement ring that Marco gave me. After what happened that night, I left him together with the ring. That was wonderful, the most beautiful lovemaking for me. But I chose to go away and left him hanging.

Naalala ko pa ang pag-alis ko na sakay ang maliit na bangka ng gabing iyon. Swerte na namataan ko ang isang mangingisda na malapit sa room namin. Nautusan siyang ayusin ang poste bago mangisda. Hindi siya gumamit ng motor boat dahil maingay at ayaw niyang magising ang mga turista.

I only left a single note for Marco, telling him to forget me and pretend I didn't exist.

Tumingala na ako at mariin na inayos ang sarili.

Come-on, Fia. Kaya mo 'to! Kung mapapaginipan ko man siya gabi-gabi ay kakayanin ko. 

Naalala ko lang din si Perlita.

Shocks! I'm sorry, Perl. . . I'm so sorry. 

ANG nakangiting mukha ni Conrad ang sumalubong sa akin. Ngumiti ako sa kanya. Kahit papaano ay gumaan na ang pakiramdam ko ngayon. I felt the puzzle are back in my life. Buo na ulit ako at haharapin ko na si Marco. 

Maybe the best way is to forget everything. Ewan ko.

"Hi, baby..." Sabay yakap at halik niya sa pisngi ko.

"Are you feeling better after that session?"

"Yes, way a lot better."

"Let's get some refreshments. You will be better. You. Ikaw pa? You're one of a hell furious Fia that I know." Pabirong tawa niya.

Nahinto ako nang lakad at sinapak ang likod niya.

"Oo, makakatikim ka talaga sa akin kung sasabihin mo 'to sa pinsan mo!" Sabay turo ko sa kanya.

Umiling-iling na siyang humarap sa akin.

"Do you think I didn't know? I knew it all along, Fia, and I do respect you a lot. At pabayaan mo na si Marco na maging baliw sa 'yo. Problema na niya 'yon!" Tawa niya at nauna nang humakbang palayo sa akin. 

Ang baliw talaga.

We had a good talked and I felt a lot better. Palabiro rin naman si Conrad kaya naibsan ang pag-aalala ko ngayon.

Nang matapos kami ay bumalik na ako sa condo. Hapon na din kasi at palubog na ang araw.

NAKANGITI akong nakaupo sa labas ng balkonahe at mariin na pinagmamasdan ito. Nilingon ko pa ang balkonahe ni Marco. Wala 'ata siya, at mukhang walang tao rin sa loob. Pinikit ko na ang mga mata ko. Ang mukha lang din ni Marco ngayon ang nakikita ko. 

The Billionaire Next Door ✅(MBBC#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon