Paubaya: chapter 2
"So what's your hobby, mahal?" I asked him, he started to kiss my cheeks at panggigilan ito
"My hobby? Alam mo na ah! Paglalaro ng basketball at pag aalaga sa'yo" sambit nito, napatingin naman ako sa mga estudyanteng nagtatakbuhan sa field.
"Mahal, kung darating yung time na ikakasal tayong dalawa. Gusto ko ng malaking bahay!" sambit ko, hinawakan niya naman ang kamay ko
"Gusto ko ng court sa tapat ng bahay!" suhestyon niya. Hindi talaga nawawala ang pagba-basketball nitong taong 'to
"Tss! Lagi nalang basketball!" nagtatampong sabi ko, pinisil niya naman ang cheeks ko
"Tss! Lagi nalang ako Sef" sabi niya, napatingin naman ako sakanya at napairap, "Mas marami nga akong time kay Sef, e!"
pero totoo naman, mas marami siyang time sa akin!
"Boss, tama na lampungan! Tawag na tayo ni Coach!" sigaw nung kasamahan niya, nag-middle finger naman 'to at sumigaw ng 'gago' sa kasamahan.
"Sunduin kita after practice ko baby. Ready yourself huh! Treat kita sa bagong restaurant na nakita natin!" sambit nito at nagtatakbo na, napangiti nalang ako habang tinitignan siya.
My baby never failed to make me happy.
Napatayo na lang ako at naglakad, mukhang hihintayin ko nanaman mag 6pm para makasama si Theo.
“Mag aabang ka ba ng game ni Theo mamaya?" nasa girls comfort room ako ngayon, nasa cubicle ako kaya 'di ko malaman kung sino ang mga babaeng nag open ng topic about sa boyfriend ko
"Bukas pa ang game nila!" rinig kong sagot nung isa
"Bakit kasi ayaw mo pang harutin? Mukhang nagkakamalabuan naman na sila ni Sef! Sa pagkakaalam ko nga masyado non sinasakal si Theo, e! Ikaw baga naman basketball player tapos pagbabawalan ka ng girlfriend mong mag-practice!" sambit nung isa, napahawak ako sa palda ko at pinipigilan ang sarili kong sumabat sa kanila, sa pagkakaalam ko isang beses ko lang pinagbawalan mag-practice si Theo! yun ay nung nilalagnat siya at inuubo! mga bwiset na 'to.
"Alam mo 'di nalang din ako magugulat kung isang araw, magsawa si Theo sa kanya"
Napa-tayo ako sa pagkakaupo at napakagat sa labi ko. Kahit kailan 'di pumasok sa isip ko na darating ang araw na magsasawa sakin si Theo! Sino sila para pangunahan lahat!
Lalabas na sana ako pero nag ring bigla ang cellphone ko, nagbago lang ang mood ko nang mabasa ang pangalan ni Theo sa screen
"Hello, my teytey!" masayang bati ko sakanya, buti nalang mayroon akong Theo.
"Hi baby! We're done on our training! Saan ka? Nasa field ako!"
"Wait for me there! 'Wag ka aalis!" sambit ko. narinig ko namang natawa siya kaya lumabas na 'ko ng cubicle at nakita pa na nakasalubong ko ang mga bruhildang nagchichikahan about sa amin ng boyfriend ko
"K-Kanina ka pa dyan?" sabi nung isa, hindi ko nalang sila pinansin at nagtatakbo na.
Nakita ko na sa field si Theo na nakatitig lang sa phone niya, dali dali akong lumakad papunta sakanya at niyakap siya
"Ready?" tanong niya, napakunot naman ang noo ko
"For foods, baby! Remember pupunta tayo sa new restaurant na nakita natin!" excited na sabi niya, hinawakan niya naman ang kamay ko at sabay kaming naglakad
"ganda talaga ng bata mo, pre!" sigaw nung kasamahan niya
"pakyu, back off! sakin 'to!" balik na sigaw ni Theo kaya natawa nalang ako ng patago.
6:02 pm nang marating namin ang restaurant na sinasabi niya, nasa table na kami at nagkukwentuhan, basketball ang topic namin at excited talaga siya kapag ganito ang usapan.
"Kanina sabi ni coach na ang galing ko raw! Pano ba naman 'di gagaling, supportive yung girlfriend ko!" sabi niya sa akin, I smiled at him at naalala pa ang sinabi nung mga babae kanina sa c.r, tss! sinasakal ko raw si Theo
"Kanina nung nasa c.r ako mahal, I heard some girls tapos topic nila is tayo.." panimula ko, napaayos naman siya ng upo, interesado sa kwento
"What about them baby? May sinabi ba silang 'di maganda? Sinabihan ka ba ng ugly? Who are they? Should I teach them a lesson?" sunod na sunod na sabi niya
"Sabi nila pinagbabawalan kita palagi sa practice, sinasakal raw kita at nagkakamalabuan na tayo. Love, if you think na nakakasakal na 'ko, please tell me right away okay? para maga-adjust ako," sambit ko, nakita ko namang napataas ang kilay niya at hinawakan ng madiin ang kamay ko
"Don't worry mahal, ready naman ako magpa-sakal. That's part of relationship. Tsaka gusto kong pinagbabawalan mo 'ko at susunod lang ako sa lahat ng gusto mo"
Dumating na ang order naming foods at kumain na rin kami, pinaghahati niya pa ako nung chicken. Para akong bata na kailangan pang i-paghati ng manok. Grabe naman kasi mag alaga ang isang 'to. No words to describe how lucky I am to have Theo in my life.
"Alam mo, Sef. Handa na 'ko" sambit niya, naglalakad kami ngayon papunta sa kotse niya, hawak niya pa ang kamay ko
"Handa saan?"
"Handa na 'kong mahalin ka at alagaan habang buhay. I wanna be your end game, baby. Gusto kong alagaan ka at ang magiging anak natin. Hindi ko naiimagine na kasama yung iba. Ikaw lang ang nai-imagine ko, sana next time 'di na 'ko puro imagine. I wanna marry you, mahal. Whatever it takes, gusto ko nang mag-stay sa tabi mo. Alagaan ka ng alagaan ng alagaan."
BINABASA MO ANG
"PAUBAYA" 15 Chapters By Jhiabanana
Short StoryThis is 15 chapters story only. Read to relate ;)