[•Rec: ]"Last question, anong mga advices mo sa mga taong gusto rin ang basketball?" tanong ko
Ngumiti naman si Theo at tumingin sa camera, "enjoy everything lang. 'Wag magpaka-stress. enjoy the game. Alam ko na darating yung time yung mga pagod niyo sa practice, masusuklian lahat. Y'all will be successful basketball player someday!"
"Thank you Mr. Chua for answering all of our questions." sambit ko, pinatay ko naman ang recorder at napatingin sa kanya.
Inaayos ko na ang bag ko at handa na sanang magpaalam sakanya pero biglang may pumasok na babae, napatingin ako at nakita yung asawa niya. Si Fritzie pa rin pala talaga. Nag iba ang shape ng mukha nito at medyo tumaba siya, maganda pa rin ito tulad ng dati.
Tumingin ito sa akin at ngumiti, "Oh. Hello!" bati niya, tulad ng dati mabait pa rin at pala-ngiti.
Nakipagkamay ako sakanya at nagpaalam na. Lumabas na 'ko ng bahay nila pero nagulat nang biglang tumambad sa harap ko si Theo, dala nito ang kahon na inaabot niya sakin kanina
"dalhin mo 'to at basahin mo." sambit niya, tumango naman ako at ngumiti.
"Ah Sef.. ihahatid na kita" sambit niya, agad naman akong humindi pero sinabi niya lang na sa gate lang sa village nila niya ko ihahatid. Tumango nalang din ako at nanghingi pa ng permiso kay Fritzie, agad naman itong tumango.
"Bakit bigla kang nawala?" tanong nito, napakunot tuloy ang noo ko
"nawala?"
"after nung beach party, nawala ka tapos hindi na ulit pumasok, nalaman ko nalang sa iba na nasa japan ka na." sambit niya.
After nung beach party namin, nalaman kong may sakit ako kaya madalas dumugo ang ilong ko. Nagpagamot ako sa ibang bansa at nagpunta ng Japan, kala Lolo ako tumira para na rin makalimutan ang alin mang rason kung bakit lumalala ang sakit ko at ang stress.
"Japan" sambit ko lang, ang layo nung gate, nakakainis! Gusto ko ng umalis.
"Ah, that's why. Akala ko nga kinasal kayo nung lalaking yumakap sa'yo nung huling pag uusap natin," sabi niya, sinong lalaki?! teka si Brevin ba?
"Si Brevin? Hindi! Hindi ko na nga din alam kung nasaan 'yon! Wala na akong balita sa kanya."
"Sef, I'm sorry." muling sabi niya, napatigil naman ako sa paglalakad.
"Tapos na 'yon! Matagal ng tapos! Magkakaanak kana nga ata tapos iisipin mo pa 'yon!" natatawang sabi ko.
"Nung nag-japan ka, 20 years old tayo that time. Nabuntis ko si Fritzie kaya pinakasalan ko siya. Ayokong maging gago katulad nung iba na pagkatapos mabuntis, iiwan kaya pinakasalan ko kaagad." sambit niya, napangiti naman ako at nag-thumbs up pa.
"Tama 'yang desisyon mo."
"Kahit kailan 'di naging tama yung desisyon ko," sambit niya, hindi naman ako sumagot at nagmadali nalang sa paglalakad.
"Thank you Sef."
"For?"
"Wala ang dami kong natutunan before. I treasured all of our memories. Thank you for 6 years. I know sobrang late ko na sasabihin na nagpapasalamat ako pero ewan kada araw ata nagpapasalamat ako kahit 'di mo alam." sambit niya, ngumiti naman ako at tinapik siya sa balikat
"Thank you din. Nakikita kong masaya ka kaya okay lang din naman, masaya na din ako. Salamat sa pagpayag magpa-interview and thank you rin sa laman ng kahon na 'yan!" natatawang sabi ko, kinuha ko na mula sakanya ang kahon nung makarating kami sa gate.
"Thank you.." sambit ko at nagpaalam na. Naglakad na 'ko palabas ng gate nang tumunog ang cellphone ko, tumatawag si Monik.
"What happened?!" sabi nito sa akin, muling nanumbalik ang pagkairita ko
"Monik sa lahat ng iinterviewhin ba't ako pa yung napunta dito!!!" iritang sabi ko
"Kinukwento mo kasi 'yan sakin diba, so naisip ko na perfect siya na isama sa documentary, you know! Siya nalang kulang at maipapasa na natin ang project — By the way highway! Alam mo bang bukod kay Boss may mas mataas pa tayong boss na makikilala ngayon?! CEO siya ng Berave Company at CEO rin nitong building natin! Dalian mo na diyan baka maunahan ka pa niya!" sambit ni Monik at pinatayan na 'ko, nagpara naman ako nung taxi at sumakay. Habang nasa byahe ay 'di ko maiwasang macurious sa laman nung kahon. hassle kung bubuksan ngayon.
"Thank you po" sabi ko sa driver at nagbayad na, nagmadali akong tumakbo sa tomorrow agency bldg at dumiretso sa comfort room. Nag ayos muna ako ng mukha bago pumunta ng 3rd floor kung saan ang office namin.
Hinihingal pa 'ko nung makarating sa 3rd floor. Nakita ko na ang mga kasamahan ko na nakapila habang nakatingin sa lalaking nakaupo sa swivel chair, nakatalikod mula sa amin.
"Sorry, I'm late." sambit ko
"Lagot ka." bulong nung isang kasamahan ko na si Ash. Napakapit naman ako ng madiin sa palda ko.
Baka ipahiya ako nito! Wag naman sana!
"Guys I wanted y'all to meet our CEO." sambit nung boss namin, umikot naman ang upuan at saktong nagtama ang mata namin
" Our CEO, Mr. Brevin Geiz Pangilinan"
"Brevin?!" gulat na sigaw ko, hindi ako makapaniwala, nanumbalik ako sa katinuan nung kurutin ako nung kasamahan ko
"Brevin ka dyan? Close kayo?! CEO 'yan. tanga"
Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko.
si Brevin!
Siya ang CEO at ang boss ng boss namin!!!!
BINABASA MO ANG
"PAUBAYA" 15 Chapters By Jhiabanana
Historia CortaThis is 15 chapters story only. Read to relate ;)