CHAPTER EIGHT

234 21 8
                                    

Lumipas ang sampung minuto nakarating narin kami ni Erene sa coffee shop. Since maaga pa at nag-aayos pa sila sa loob. Nag banyo muna si Erene kaya tumambay muna ako sa parking lot ng shop. Inilabas ko ang kaha at nag-sindi ng sigarilyo dahil na-iistress ako bat ba napaka-pangit ng panaginip ko. Grabeng pagnanasa ng panaginip ko kay Jin at humantong sa nai-kama nya na ako at kinasal pa kami. Sinipa-sipa ko ang mga malilit na bato sa parking lot.

"Smoking again, Honey?" nagulat kong lingon sa kanya. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko, nabibingi ako sobrang lakas nito, ngunit di ko pinahalata. Si Jin, lang yan, sarili kalma, sabi ko sa isip ko. Sabay harap sa kanya. "Bakit pa napaka-hilig mong magsalita pagnaka-talikod ang tao? Multo ka ba nung unang panahon bigla-bigla ka nalang susulpo't tapos magsasalita. At bakit ang aga-aga pa andito ka na." Naitapon kong bigla ang sigarilyo dahil sa gulat ko. Tumingin ako sa mga mata nya balak ko sana syang titigan ng masama ngunit bumaba ang aking paningin sa kanyang labi.

Nailang akong bigla, inilihis ko ang aking paningin sa daan. Bakit parang nararamdaman ko kung gaano kalambot ang kanyang labi. King inang panaginip to napapahamak ako bakit din ba ang laswa ng utak ko. Zinere! umayos ka, wag mo syang pagnasaan,hindi ka rapist in mind.

Nagkamot lang sya ng ulo pagkatapos ngumiti. "Are you that stress, again? naninigarilyo ka ulit. As you said it's your way to relieved your stress. So, kanino ka naman na stress this time?" Di naman sya nang-aasar katunayan sincere naman ang kanyang pagtatanong. Di ko lang talaga maiwasang maasar sa kanya.

Mula noong una kaming magkita ay mainit na ang dugo ko sa kanya. Sya ang first kiss ko, king ina. Ang yabang kasi at spoiled brat ng dating nya. Tsk! mayaman nga naman. Nang tumingin ako sa kanya nakakapaso ang kanyang mga tingin. Di ko na makakayanan ang mga tingin na iyon na mula sa kanya."Woi, stop, starring at my face, will you. It's feels like you're falling in love with me completely. But I'll take it as compliment. Cause I don't like you." sabay ngisi ko at nakasalubong ang kilay na tumigin ako sa kanya. "Btw stop, interrogating me. Bukod ba naman sa pagiging DOH. NBI ka naman ngayon. Tsk! dami mong trabaho ah, ay TSISMOSO ka rin pa pala! pinag-diinan ko ang salitang tsismoso. "Tsismoso ako? masama bang magtanong bakit stress na naman ang honey, ko." sigaw nya sakin di sya maka-paniwalang sinabihan ko sya ng tsismoso.

"Pwede ba wag ka ngang sumigaw magkaharap tayo king ina. Oo, tsismoso ka dahil daig mo pa ang tsismoso sa kanto kung mag-interrogate. Walang uso ang katahimikan sayo eh no." maangas kong sabi sa kanya.

Sakto namang lumabas si Erene mula sa coffee shop. Nagtataka syang lumapit sa amin. Ang kanyang mukha ay nagtatanong kung bakit andito si Jin ng ganitong kaaga. "Hi, handsome joker andito ka pala. What are doing here? May meeting ka with Almaeh? Or andito ka for my bestfriend Zinere. Manliligaw ka ba? ay ang haba ng buhok mo, girl nahihirapan na kong dalhin." napakaraming tanong ang ibinigay ni Ere kay Jin. Umaandar naman ang pagiging ibon nya.Dapat silang magsama parehas silang tsismoso at tsismosa.

Sumingit na ko bago pa kung anong masabi ni Erene sa Joker na to. "Shut up, Ere. Kung wala kang matinong sasabihin manahimik ka please, ang ingay mo. Mag-sama nga kayong dalawa parehas kayo maingay!" bumalik na ko ng coffee shop. Iniwan ko silang dalawa. Ang aga-aga akala mo mga ibon ang iingay.

Umupo lang ako sa bakanteng mesang naroon na may malapit binata.Nag-order din ako ng black coffee habang nag-aantay. Maya-maya ay dumating na din si Almaeh. At kasunod nyang pumasok ang sina Erene at Jin.

"Hi,Zine,kanina pa ba kayo? sorry ngayon lang ako. traffic din kasi." paumanhin ni Almaeh samin. "Nope, kani-kanina lang din kami." sensero kong sabi para di naman mag-alala si Almaeh. Nabaling ang aking paningin kay Jin dahil nasa likod ni Almaeh ay si Jin. Dahil matangkad ito ay ang joker na mukha nito ang nakikita ko at ang mga reaction nya habang nakatingin ng maigi sa mukha ko. Tsk! sinira talaga nito pagiging maangas ko.

MS. SERIOUS MEETS THE JOKERWhere stories live. Discover now