CHAPTER 24

335 17 8
                                    

JIN HERMES POV.

"Good morning honey." bati ko sa kanya sabay yakap, ngunit tumango lang si Zinere.

Hehe nahihiya siguro ang gwapo mo kasi Jin at mahal ka nya. sabi ko sa sarili ko.

Hinalikan ko sya sa labi. Mas lalo syang namula. Haha iba talaga epekto ko sa kanya.

Tumayo sya at hinila ang tubo ng swero. Akala ko galit sya pero iba ang kanyang ginawa.

Ang cute ni Zinere. Nagsepilyo muna sya.

"Good morning." bati nya sa'kin.
bumalik sya sa kama ngunit nakaupo nalang sya .

Umupo rin ako at ninayakap ko sya nang mahigpit.

Pinisil ko ang pisngi nya "Honey, kahit ikaw pa ang may pinakamabahong hininga sa buong mundo, mamahalin pa rin kita. I love you flaws and I love you, Zinere Athena Lorenzana."

"I love you too, Joker." ngiti nya sa'kin.

Mahal na mahal ko ang babaeng ito.

Biglang may kumatok. Pumasok ang kinaiinisan kong si Dale. "Good morning! you two. How's your sleep? It feels like ba na nasa five star hotel kayo? May payakap pa oh. Paalala ko lang nasa ospital ito." sabay iling pa nitong Dale pero ang mata ay na kay Zinere.

"Your eyes, Dale! know you limitations, girlfriend ko yang pinagnanasaan mo!" inis kong sabi sa kanya.

"Tss! What a jealous guy. Relaks, May mata ako para makita ang mga pasyente ko hindi lang para sa girlfriend mo." tawa nya pa.

Lumapit kay Zine si Dale tinignan ang temperature nito. Tinanggal na ang swero. Sobrang laki na ng ngiti nitong Dale pagkatapos.

Ayoko talaga sa kanya naiinis ako.

"Pwede ka nang manapak uli Zine, wala ka ng lagnat. Mas okay ka pa sa kalabaw. I will recommend you some vitamins. Nurse Jennybeth will bring it here before you go home." ngiti nya pa uli.

"Woi, Dale! Tigilan mo nga yang pagpapacute mo. Naiinis ako!" konti nalang talaga sasapakin ko na sya.

"Nagseselos ka ba, honey? May gusto ka ba kay Dale?" ngisi ni Zine.

"Woi, Snow, kadiri ka. Wala sa vocabularyo kong maging bading dahil masarap kumain ng tahong lalo na pagbasa. At kahit maging babae ako di ko papatulan yang Dale na yan!"
Natatawa ako dahil hindi nakaimik si Zine. Tumingin sya kay Dale kung nakahalata ba ito.

Saktong nagtama ang mga paningin namin. Ngumiti lang ako sa kanya. Ngunit ang sinukli nya ay masamang tingin.

"I'll go na, I have my rounds with the other patients. Zine, inom tayo minsan." kumindat lang si Dale at umalis na.

"Woi, Zinere wag kang makikipag inuman kay Dale, unless kasama ako."

"Tss! oo na. Akin na yung jacket mo. liligpitin ko na. Uuwi na tayo mamaya. Parating na si Erene."
Tinawanan nya lang ako.

Saktong dumating si Erene. Maraming dalang pagkain.

"Saan galing yan, Ere?" tanong ni Zine

"Naku sa baba nagkakagulo. Andito daw kasi ang anak nang may-ari ng ospital at naka confined. Ayun nagpahanda sila. First time daw kasi nangyari to. Binigyan tayo."

Bakit ba ang chismosa talaga ni Ibon. Tapos ang hindi matigil ang bibig. Ngayon naman akala mo magugutuman kami eh ang dami pa naming pagkain.

"Tss! tinangap mo naman kahit kailan ka talaga." natatawang sabi ni Zinere.

MS. SERIOUS MEETS THE JOKERWhere stories live. Discover now