CHAPTER TEN

227 22 4
                                    

"Wag mong.. kalimutan ang gamot mo... " tanging nasabi ko nalang sa gitna ng mahigpit na yakap na iginawad nya sa akin.

Mahal na ba kita Jin? Bakit ganito  sa tuwing hahawakan mo ko. Sobrang lakas ang tibok ng puso ko.

Bumitaw ng pagkakayap si Jin sakin. Hinawakan nya ang kabilang pingi ko. Papalapit ng papalapit ang kanyang mukha sa aking mukha. Ngunit nakatingin lamang ako kanyang mata. Napaka-lapit na namin sa isa't-isa. Amoy ko na ang hininga ni Jin. Halo-halong amoy at napakabango.

Dinampian nya ng halik aking labi. Halik na nakapag-papawala ng lahat ng agam-agam ko sa kanya. Aaminin ko nagugustuhan ko na ang ginagawa nya sakin at nagugustuhan ko na si Jin. Naipikit ko nalang ang aking mga mata nagpapatianod kung anong kahihinatnan ang halik na ito.

"Woi, Zinsaltik wala ka bang planong umuwi?  My ghad, I'm pretty!  kanina pa ko dito sa labas.  Natikman na ko laha't-lahat ng mga lamok alam na nila kung gaano ako kasarap!" sigaw ni Erene sa labas ng gate.

Nag-katinginan kami ni Jin. Nahiya akong bigla ngunit di ko pinahalata. "Una na kami Joker, yun...yung gamot mo wag mong kalimutan inumin sa tamang oras." Inulit ko na nga lang sabihin ba't ba ako nabubulol, iniwan ko nalang sya at wala ng lingo lingon pa. Dahil alam ko paglumingon ako di ko na mapipigilan ang sarili kong magpa-iwan dito.

Paglabas ko ng gate naka pamewang na si Erene. "Ang arte ng king ina." sabi ko sa kanya sabay sakay sa motor ko. "Woi, Zinere alam mo bang sarap na sarap ang lamok sakin. Baka maya-maya lang dengue na abutin ko. Buti naawa ka pa at lumabas ka! Ang tagal-tagal mo sa loob anong ginawa nyo ni Joker?" kahit kailan di matigil bibig ni Erene walang patawad kahit madaling-araw na. "Di magpasalamat ka sa kanila dahil sila lang ang nakaka-alam na masarap ka pala. Tara" pina-andar ko ang motor ng mabilisan.

Pagdating namin sa bahay dumiretso agad ako sa kwarto. Naligo at nagtoothbrush lang ako at nahiga na din. Ngunit biglang nag beep ang cellphone ko tanda na may nag text.

[Good mornight, honey. Dream with me. Arasseo] sabi sa text.

[San mo nakuha number ko?] dahil alam ko na kung sino sya.

[I get it from Almaeh.
Hehe, surprise?]

[Nope. Disappointed]  reply ko sa kanya. Lagot sakin si Almaeh.

[Woi, alam ko naman na kikinikilig ka dyan, Zinere my loves. hahaha] tsk!  kalalaking tao matext masyado.

[Kumusta, kamay mo? Maayos na ba at nakakapagtext ka na?] reply ko sa kanya. Nawalang bigla antok ko.

[Nagiging okay basta ikaw ang katext ko. ❤❤❤ may tatlong puso yan my loves para I love you.] sus, napaka oa ng king ina.

[Kung hindi honey, my loves naman. Bakit marami ba kaming katext mo?  Geh, matutulog na ko.]

[Wag muna honey,Hindi ah ikaw lang andito. Hehe di kayo kasya sa puso ko pag dalawa. Marami ang sumubok pero ikaw lang nakapasok.] pagkabasa ko ng text nya napangiti ako. Ngunit di na ko nag reply. Kalalaking tao keyboard warrior.

[Woi, honey, tulog ka na? ang daya naman dapat sabay tayo.Anyway
Saranghae yeobo.❤❤❤😘] pagkabasa ko uli ng text nya lalo akong napangiti at masayang natulog.

JIN HERMES POV

Maaga akong nagising. I text Zinere right away. Mabuti nalang malakas ako kay Almaeh,  Di talaga sya nagdalawang-isip na ibigay cellphone number ni Zinere.

[Good morning honey ,as I woke up this morning, I keep thinking of you. Because I really really love you.Keep safe papakasalan pa kita. Saranghae.] send. Di baleng di sya mag reply alam ko namang palihim syang kinikilig.

MS. SERIOUS MEETS THE JOKERWhere stories live. Discover now