CHAPTER 14

290 19 8
                                    

ZINERE'S POV.

Nakauwi na kami dahil hinatid kami ni Jin. Nagpapasalamat ako dahil hindi sya umuwi at hinitay na kami. Ibang-iba ang nakita ko Jin ngayong gabi. Umupo muna ako sa labas ng bahay at nagsindi ng sigarilyo. Malakas pa rin ang buhos ng ulan ngunit hindi na kagaya kanina na parang nagwawala ang langit.

May nakita na naman akong mga bulto sa labas ng bahay. Ang tibay nyong magmanman, umuulan pero andyan kayo naka-antabay. Siguro nga napatay nyo aking ama, ngunit sa pagkakataong ito wala na kayong magagalaw ni kahit isa sa mga mahal ko. Nasabi ko sa isip ko. Di ko nalang sila pinansin.

Nagpatuloy ako sa paghit-hit ng sigarilyo. Napatingin ako sa langit, ngayon lang akong umuulan na hindi tumulo ang aking luha, hindi ko masyadong naramdam ang sakit, marahil andoon si Jin, na nagpagaan ng kalooban ko. Sa isang yakap nya tila ba nawala lahat ng sakit. Mas gumagaan ang pakiramdam dahil siguro komportable na akong andyan sya handang makinig.

Bakit nga ba sa tuwing makararamdam ako ng sakit sa mga nakaraan ko ay laging andyan si Jin handang makinig sa mga hinaing ko.

"Woi! Zinsaltik ano ang ini-isip mo?" di ko namalayan katabi ko na pala si Erene.

"Wala, inisip ko lang mapapadalas ang pagsasama namin ni Jin. Natatakot akong tuluyang mahulog ang loob ko sa kanya. Makakaya ko bang mahalin at ipagtanggol si Jin kung magkataon? Paano kung saktan nya lang din nya ako?" napapailing kong tanong kay Erene.

"Ang advance mo kasing mag-isip. Hindi ba pwedeng eenjoy mo muna yang nararamdaman mo. Tanggapin mo ang pagmamahal nya. Nakikita ko naman ang sincerity ni Jin, sayo. Mahal ka talaga nya, Zinere. Pag sinubukan mo naman syang mahalin, wala namang mawawala. Bigyan mo sya ng chance. Kung para ba naman yan sa ikatatahimik ng puso mo. Pagbigyan mo ang nararamdaman mo para kanya. Sinabi ko naman sayo hindi ba mahal mo na sya, ikaw lang itong ayaw tanggapin. Lolokohin mo ang puso mo kung ganyan ka ng ganyan." maharahil ay tama nga si Erene. Niloloko ko nga lang ba ang puso ko na hindi ko mahal si Jin.

"Sa magiging araw na magkasama kayo kilalanin mo ang nararamdaman mo sa kanya Zine, at pagnakilala mo na saka mo isipin ang sinabi ko. Sabi nga nila ang pagmamahal ay parang isang sugal kailangan mong tumaya para manalo. Kaso tsambahan lang din kung laging panalo ang kalabasan nito at hindi ka maging talo." seryoso nyang sabi kapag kuway nagsalita uli.

"Ang pagmamahal ang pinakamasarap nating mararamdaman pero ang kalakip nito ay pagmamahal din ang magiging rason kung bakit tayo masasaktan. Pero diba minsan kailangan din natin talagang masaktan, doon lang kasi natin malalaman na ang pagmamahal ay hindi lang puro kilig. Kailangan rin nating tanggapin ang realidad na masasaktan talaga tayo dahil nagmamahal tayo." ngumiti sakin si Erene. Hindi ko alam kung saan kinuha ni Erene ang mga sinasabi nya sakin. Pero tama sya kaya napabuntong-hininga ako.

"Woi! Zinere, hindi porket wala akong karanasan di mo na ako paniniwalaan. Alam mong dati pa, ako na ang adviser mo!" sigaw nya sakin. Dahil nakita nyang parang di ako naniniwala sa kanya.

"King ina,  Erene! Naniniwala naman ako. Hindi ba pwedeng tinitimbang ko ang mga sinabi mo. Lakas mo rin mang jugde wala naman sa lugar." tumahimik sya dahil sa sinabi ko kapag kuway hinawakan ko ng balikat nya.

"Salamat!  Ere, hindi ko alam ang gagawin ko kung wala ka dito. Salamat sa mga payo mo. Asahan mong susundin ko yan kahit na wala ka pang karanasan sa pag-ibig at wala kang manliligaw." nginisihan ko lang sya at pumasok na sa loob ng bahay.

"King ina ka, Zinere!  may saltik ka talaga! okay na sana eh, Fyi! marami akong manliligaw di ko lang sila sinasagot. Makikita mo magboboyfriend din ako!" naaasar na sabi ni Erene.

MS. SERIOUS MEETS THE JOKERWhere stories live. Discover now