Kabanata 1 - Adviser

931 20 3
                                    

TAON 1999...

Nakaismid na pinagmasdan ni Serafina ang kaibigang si Khrystell. Matapos itong bumalik na blooming na blooming, nagkaroon pa ito ng jowa na lalo niyang ikainggit. Nakakainggit ang lovelife nito! Gusto niyang maglupasay sa inggit. Hindi lang iyon, ang gwapo pa ng boylet nitong si Althdolfer.

"Serafin!" Si Khrystell.

Napatingin siya sa kaibigan. Kasunod nito ay ang boyfriend nitong ang gwapo!

"Mang-iinggit ka lang na may boyfriend ka, eh." Inismiran niya ang kaibigan pero tinawanan lang siya nito.

"Saan ba si Russel?"

Napaubo naman siya ng wala sa oras sa pangalan binanggit ni Khrystell. Ang salbahe talaga ng babaeng ito! Alam kasi nitong crush niya ang lalaking kaibigan ni Althdolfer kaya ganito ito magtanong sa kaniya na parang sila ang magkasama lagi. Samantalang isang linggo palang ang nagdaan simula nung bumalik ito na blooming at inlove na inlove.

"Pwede ba, huwag ako ang tanungin mo sa kaibigan ng boylet mo. Mauna na nga ako sa room natin. Che!"

"Pero iisang room lang tayo Serafin."

Ay oo nga pala. Iisang room lang sila. Nakataas ang kilay na binalingan niya ang kaibigan at humawak sa braso nito. Baka saan na naman siya mapupunta nito. Sa tuwing nasa paligid kasi si Brylle, nawawala siya sa hwesyo. Natutuliro ang kaniyang utak at nagiging maharot siyang babaeng sunod nang sunod sa lalaki. Kahit siguro dalhin siya nito sa kanal, sasama siguro siya.

Nasa harap na sila ng pintuan ng Bonifacio 4-A nang biglang lumitaw mula sa kung saan si Brylle na nakangiti. Muntikan malaglag ang kaniyang puso kung hindi niya agad nahawakan iyon.

"Russel!"

"Oh?"

"Ilang beses kong sinabi sa'yo na delikado 'yang ginagawa mo. Baka may makakita sa'yong iba na bigla ka na lang lumitaw sa hangin."

Sita ni Khrystell dito na tinawanan lang ng lalaki. Pero ng mabaling ang tingin nito sa kaniya, agad itong tumahimik at matagal siyang tinitigan. Nailang tuloy siya ng wala sa oras.

"Hi, Serafin."

Napangiwi siya. Masyadong seryuso ang boses ng lalaki at nakakatakot 'pag seryuso ito. Sa kaniya lang naman ito seryuso makipag-usap dahil pagdating sa mga kaklase nila at sa mga babae, maloko ang lalaki. Sadyang nag-iiba lang ang ugali nito kapag siya ang kaharap at kausap.

"H-hello..." naiilang na sagot niya at hindi niya kayang titigan ang mga mata nito.

"Pasok na tayo. Nasa loob na ang 1st adviser natin." Si Althdolfer ang nagsalita at ito na rin ang nagbukas ng pintuan.

Natigil ang paglecture ng kanilang 1st adviser nang pumasok sila. Nasa kanila rin nakatuon ang lahat ng atensyon ng mga kaklase nila lalo na ang mga kababaehan na halatang naglalaway pa rin sa dalawang gwapong nilalang na kasama nila.

"Good morning Mr. Lopez!" magkapanabay na bati nila.

Tanging tango lang ang sagot ng 1st adviser nila pero ang weird lang dahil pansin niyang sa kaniya ito nakatingin na hindi niya alam kung bakit. Bagong Guro nila ito at mabait naman ito, 'yon nga lang masyado itong mahigpit lalo na pagdating sa klase.

Deritso sila sa kanilang pwesto sa kanang bahagi ng room. Sa panghuling row sila dahil iyon ang gusto ni Russel at dahil okay lang sa kaibigan niya, kaya pumayag na rin siya. Siya ang malapit sa bintana at katabi niya si Khrystell habang magkatabi si Brylle at Althdolfer.

Pero habang nagsimulang mag-lecture ang kanilang 1st adviser sa umagang iyon, wala siyang maintindihan o sa madaling salita, wala siyang balak makinig. Ginugulo na naman ni Brylle ang kaniyang focus sa pakikinig. Napapansin niya ang panakaw-nakaw nitong tingin sa kaniya na parang may gustong sabihin.

Palihim niya itong inismiran kahit ang totoo kinikilig siya. Ayaw lang niyang sabihin nito na marupok siya at sa isang titig lang nito, bibigay na ang kaniyang tuhod kahit iyon naman talaga ang laging nangyayari.

"Ms. Natividad!"

Bigla siyang napatayo nang tawagin ng adviser nila ang kaniyang pangalan. "Sir?"

"Kung wala kang balak makinig, pwede kang lumabas. Malayo yata ang isip mo sa klase ko."

Napahiya siya sa sinabi ni Mr. Lopez. Humingi siya ng pasensya at bumalik ng upo. Pinilit na lang niya ang sariling makinig kahit nakaka-distract ang mga tingin ni Brylle sa kaniya.

LUNCH break at dahil wala rin ang 1st period nila sa hapon, nagpaalam siya kay Khrystell na kikitain lang niya ang kaniyang kapatid. Pumayag naman ito at dahil sanay na itong lagi niyang iniiwan sa kung saan, tumalikod na siya.

Nagtungo siya sa Faculty Room kung saan ando'n ang kaniyang kuyang adviser ng Recto-2A. Bago siya pumasok, sumilip muna siya sa bintana at tiningnan kung nasa table ba ang kuya niya. Napangiti siya nang makitang gumagawa ito ng lesson plan.

Dahan-dahan siyang humakbang papunta sa pwesto ng kuya niya para gulatin ito.

"Anong ginawa mo rito, Serafina?"

Nag-ikot siya ng eyeball nang tawagin siya nito sa kaniyang palayaw. Naririnig pa lang niya ang 'Serafina' nagsitaasan na ang kaniyang balahibo sa katawanan.

"Pinatawag mo ako, 'di ba?" pagbibiro niya.

Tumigil naman ito sa pagsusulat at tiningnan siya. Alam nitong nang-gogoodtime lang siya. "Kumain ka na ba?"

Ang lawak ng ngiti niya at mabilis na umiling kahit ang totoo, tapos na silang kumain apat kanina sa canteen. "Hindi pa kuya..."

Tumango lang ito at nagligpit ng gamit. Sinenyasan siya ng nakakatandang kapatid niyang maghintay siya sa labas at susunod ito. Tuwang-tuwa siyang sumunod at matamang naghintay rito sa labas.

"Let's go."

Nagulat naman siya sa biglang sulpot nito sa kaniyang likuran. Wala pang segundo. "Paano mo nagawa 'yon kuya?"

"Ang alin?"

"Ang bilis ng galaw mo!"

"Gutom ka lang." Inakbayan siya nito at tinungo nila ang daan patungo sa canteen. "Now tell me, sino ang lalaking nagpagulo sa isipan ng kapatid ko?"

Napahagikhik naman siya. Kilalang-kilala talaga siya ng kuya niyang gwapo at maraming nagkakagusto rito. Hindi lang mga estudyante ang nagkaakagusto sa kuya niyang strikto at pormal, pati na rin mga kapwa teacher nito.

"Kilala mo 'yong si Russel Brylle kuya? Bagong kaklase ko?"

Natigilan naman ito sa pangalan binanggit niya at tiningnan siya. "Maghanap ka ng ibang lalaki, Serafina. I don't like that Russel Brylle for you."

"Kilala mo siya?"

Ginulo lang nito ang buhok niya at hindi na nagsalita. Napaismid tuloy siya ng wala sa oras at napahalukipkip habang naglalakad sila. Iniisip niya kung anong dahilan bakit ayaw nito kay Brylle niya samantalang hindi pa nito nakita ang lalaki. Saka ang cool kaya ni Brylle, may kapangyarihan at sabi sa kaniya ni Khrystell huwag niyang ipagsabi sa iba kundi mawawala raw si Byrlle.

"Pero kuya crush ko lang naman si Brylle, eh. Hindi mo pa nga siya nakilala, layuan ko agad? Ano kaya 'yon?"

Tiningnan lang siya nito ng blangko. "Serafina..."

"Gutom na ako," sinimangutan niya ang kuya niyang pinaglihi sa statue. Hindi marunong ngumiti pero iyon ang rason kung bakit maraming nagkakagusto rito at ginagawa siyang tulay para makalapit sa kuya niya pero inaaway niya. 

"Serafina, alam ko ang mukhang iyan. Makinig ka sa nakakatandang kapatid mo. Tayong dalawa na lang sa mundong ito at ang mapahamak ka sa lalaking iyan ang hindi ko pahihintulutan."

Guardian Series 2: SERAFIN (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon